panitan/stock.adobe.com
Aalisin ni Jesus ang Kahirapan
Noong nasa lupa si Jesus, ipinakita niyang mahal na mahal niya ang mga tao, lalo na ang mga mahihirap at nagdurusa. (Mateo 9:36) Ibinigay pa nga niya ang buhay niya para sa lahat. (Mateo 20:28; Juan 15:13) Di-magtatagal, ipapakita niya ulit sa mga tao na mahal niya sila. Kikilos siya bilang Hari ng Kaharian ng Diyos para alisin ang kahirapan sa buong lupa.
Ganito ang sinabi ng Bibliya tungkol sa gagawin ni Jesus:
“Ipagtanggol niya nawa ang mga hamak sa bayan, iligtas niya nawa ang mga anak ng dukha.”—Awit 72:4.
Paano natin maipapakita ang pasasalamat natin sa mga ginawa at gagawin pa ni Jesus para sa atin? Ang isa sa puwede mong gawin ay pag-aralan ang tungkol sa “mabuting balita ng Kaharian ng Diyos,” na ipinangaral niya. (Lucas 4:43) Basahin ang artikulong “Ano ang Kaharian ng Diyos?”