Nagpadala si Pablo ng Isang Liham sa mga Taga-Filipos Tungkol sa Pag-ibig at Kagalakan
Pagkabalik ni Epafrodito sa Filipos mula sa Roma, may dala siyang liham mula kay apostol Pablo, na nakabilanggo noon sa Roma. (Fil 1:13; 2:25; 4:18) Ang liham na ito na para sa mga Kristiyano sa Filipos ay punong-punong ng pag-ibig at kagalakan. (Fil 1:4; 2:17, 18; 3:1; 4:1, 4) Dito, walang kailangang sawayin o paliwanagan si Pablo, di-tulad sa ibang mga liham niya. Pinayuhan niya lang sina Euodias at Sintique na magkasundo at gumawang magkasama. Pero inilarawan pa rin niya ang tapat na mga babaeng ito na “nagpakahirap kasama [niya] para sa mabuting balita,” at pinakisuyuan niya ang isang kamanggagawa niya na “patuloy na alalayan ang mga babaeng ito.” (Fil 4:3) Sa buong liham ni Pablo, pinasigla niya ang kongregasyon sa Filipos na ipagpatuloy ang mabuti nilang ginagawa.—Fil 3:16.
Kaugnay na (mga) Teksto: