Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g86 3/22 p. 17-19
  • Mula sa mga Kayamanan Tungo sa Pagkabusabos—At Kaligayahan

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mula sa mga Kayamanan Tungo sa Pagkabusabos—At Kaligayahan
  • Gumising!—1986
  • Kaparehong Materyal
  • Mas Malalâ sa AIDS
    Gumising!—1989
  • Ang Malaon Ko Nang Pakikipagbaka Upang Masumpungan ang Tunay na Pananampalataya
    Gumising!—1995
  • Ang Paglapit sa Diyos ang Tumulong sa Akin na Magbata
    Gumising!—1993
  • Ang Aking Masidhing Pagnanais na Maglingkod sa Diyos
    Gumising!—1992
Iba Pa
Gumising!—1986
g86 3/22 p. 17-19

Mula sa mga Kayamanan Tungo sa Pagkabusabos​—At Kaligayahan

Salapi. Droga. Sekso. Ang mga bagay na ito ay nakaakit sa maraming kabataan sa mamuhay-sa-ngayon na paraan ng pamumuhay. Subalit ang gayon bang mga paghahangad ay talagang nagdudulot ng kaligayahan? Basahin ang tunay-sa-buhay na ulat ng isang babae na natuto sa mahirap na paraan​—mula sa personal na karanasan. Ipinakikita nito kung papaanong ang mga simulain sa Bibliya ay maaaring isang malakas na puwersa sa pagbabago ng personalidad ng isa sa ikabubuti.

NOONG 1948, nang ako ay tatlong araw pa lamang, ako ay inampon ng isang nakaririwasang pamilya. Ang aming pamilya ay binubuo ng lima​—ang mga magulang na umampon sa akin, ang kanilang dalawang tunay na anak na babae, at ako. Tinamasa ko roon ang isang kasiya-siya, tiwasay na buhay. Sa makasanlibutang mga pamantayan mayroon kami ng lahat ng bagay. Ang karamihan ng aking pag-aaral ay sa sistema ng paaralang bayan, bagaman sa loob ng dalawang taon ako ay pumasok sa isang boarding school na Katoliko.

Pinaglaanan kami ng aming mga magulang ng lahat ng bagay na nais namin​—mga leksiyon sa ballet, tenis, pagsakay sa kabayo. Mayroon kaming sariling swimming pool, at ako ay napasali sa paligsahan sa paglangoy at ballet sa tubig. Hindi ko natanto na ang buhay ng iba ay lubhang kakaiba sa amin hanggang nang ako ay maging tin-edyer na at malapit nang magtapos sa high school. Noon ang mga martsa sa mga karapatang-sibil ng 1960’s ay nagpangyari sa akin na magkaroon ng kabatiran tungkol sa pagtatangi at ang bagay na hindi lahat ay mahirap dahilan sa katamaran.

Pinag-alinlanganan ko ang mga bagay na itinuro sa akin sa paaralang Katoliko. Ako’y naging lubhang debotado sa aking pagsamba. Sa katunayan, sa loob ng ilang mga taon nais kong maging isang madre. Subalit ang aking mga katanungan ay hindi masagot. Pinag-alinlangan ko ang aking pananampalataya.

Nakita ko na maliit na bahagi lamang ng mga tao ang nakakapamuhay na gaya ko, at inaakala ko na ito ay hindi makatarungan. Ang aking mga magulang ay nagpakita ng kaunting simpatiya sa mas mahirap na mga tao. Inaakala nila, ‘Kung ang mahihirap ay magtatrabaho lamang na masikap, maaari nilang taglayin kung ano ang tinataglay natin.’ Nadama ko na para bang hindi ako nababagay; ako’y naging malulungkutin.

Dahil sa gayong mga saloobin na nakapaligid sa akin, bumaling ako sa ibang bagay​—sa pag-inom at mga lalaki. Ginuniguni ko ang maging asawa ng isang mang-aawit ng rock, kaya’t ako ay nakihalubilo lamang sa mga lalaki sa mga pangkat ng rock. Iniwasan ko ang mga gawain sa pamilya at naging isang problema sa pamilya. Nang ako ay 16 taóng gulang, matigas ang ulo ko at hindi mapigil, na nagdulot ng labis na kalungkutan sa bahay. Sa gabi, ako ay lumalabas at nakikipag-inuman at natutulog na kasama ng mga lalaki at nagkaroon ako ng napakasamang reputasyon sa eskuwela. Nagsawa ang aking mga magulang, at pagkaraang magtapos noong Hunyo ng 1966, umupa sila ng isang silid para sa akin sa San Francisco at pinaalis ako ng bahay.

Nakilala ko ang isang lalaking nagngangalang Patrick. Umibig ako sa kaniya at nagpasiya kaming magtungo sa New York, na pinanggalingan niya. Tumira akong kasama niya at ng kaniyang pamilya ng mga ilang buwan. Di nagtagal ay nagsawa siya sa akin at ipinakilala ako kay Parrish, isang babae na nakilala niya sa Greenwich Village. Sumama ako kay Parrish.

Mayroon siyang kaunting pera nang makilala ko siya, subalit hindi nagtagal ay naubos ito, kaya’t kami ay nasa mga lansangan. Natutuhan namin ang mga pamumuhay sa lansangan. Kung wala kaming masumpungan na makakasama sa gabi, kami ay umiinom ng mga droga at nananatiling gising sa magdamag, na nagpapalimos ng pera sa mga kanto o sa mga istasyon sa subwey. Kung minsan nagtatrabaho ako bilang bar girl na namamanhik sa mga lalaki na uminom upang lumakas ang benta ko na binabayaran ng bar upang gawin ito. Nagtrabaho rin ako bilang isang pornograpikong modelo at bilang isang patutot. Kung minsan manghahalungkat kami ng pagkain sa mga basurahan sa labas ng restauran. O magtutungo kami sa mga restauran at kakanin namin ang mga natira sa pinggan ng iba. Saka namin nanakawin ang mga tip upang may maibili kami ng kape.

Kung minsan ang aming pananamit ay iyon lamang nakasuot sa aming katawan. Literal na naranasan ko kung ano ang pagiging mayaman hanggang sa pagkabusabos. Ang mga bagong damit kung minsan ay nanggagaling sa aming mga sugar daddy, na bibilhan kami ng mga damit bilang kapalit ng ilang pabor. Minsan, gustung-gusto ko ang isang coat anupa’t ako ay nagtungo sa isang malaking department store, isinuot ang isang magandang winter coat, at lumabas​—nang hindi nagbabayad, mangyari pa!

Kinaibigan kami ng isa sa mga pangkat ng musika na naroon sa Village, at sa pamamagitan nila natuto akong humitit ng marijuana. Sa sumunod na limang taon, gumamit ako ng ibang mga droga​—LSD (literal na daan-daang ulit), THC, mga amphetamine, heroin, cocaine, opyo, hashish, at marami pang iba. Nang magtagal ako’y nagtrabaho sa isang malaking sindikato ng mga droga, naglalakbay sa San Francisco at New York dala ang mga maletang punô ng marijuana.

Pagkaraan ng ilang buwan sa New York, kami ni Parrish ay nagtungo sa Hollywood. Doon ay nakilala ko si Carol, isang babae na nakasama ko noon sa boarding school. Pinatuloy niya kami ni Parrish sa kaniyang tirahan.

Nang panahong ito kami ay umiinom ng mga “reds,” na mga barbiturate (pampakalma). Ako ay umiinom ng anim o pitong mga pildoras isang araw. Maraming gabi na kami ay lango sa droga, pagkatapos ay nagtutungo kami sa Sunset Strip upang makinig sa pagkalalakas na mga musika mula sa mga klub. Isang gabi nang gawin namin ito ni Carol, dalawang lalaki ang lumapit at inalok kami ng marijuana, na tinanggap namin. Isinakay nila kami sa kanilang kotse, kung saan ako ay binugbog at hinalay.

Si Carol ay nakatakas at tumawag ng pulis. Ang pulis ay karakarakang dumating at nahuli ang lalaking sumalakay sa akin. Sinuri nila ang aking rekord at nasumpungan na ako ay pinaghahanap o wanted sa multang pakikiangkas (hitchhiking) na hindi ko binayaran, kaya’t ako’y inaresto nila. Ang lalaki ay pinalaya. Ako ay nabilanggo.

Pagkalipas ng isang taon, noong Mayo ng 1968, nagtungo ako sa New York at nakisamang muli kay Patrick. Di nagtagal ay dinala ko sa aking sinapupunan ang anak ni Patrick. Ayaw niya ng anumang kaugnayan sa akin o sa bata, kaya’t ako’y nagbalik sa San Francisco. Ako’y walang asawa at nag-iisa, at malapit nang maging ina. Ako’y takot na takot anupa’t nag-isip akong magpatiwakal.

Nang ako’y halos walong buwan na sa pagdadalang-tao, tumawag si Patrick at sinabing nais niyang magbalik. Kailangan niya ang $450.00, at ibinigay ko ito sa kaniya. Handa akong gawin ang anumang bagay magbalik lamang siya! Kailangan din niya ang ilang liham mula sa akin sapagkat siya ay tinatawag na magsundalo. Sumulat ako ng mga liham, na sinasabing tinutustusan ako ni Patrick. Sa palagay ko nakatulong ang mga liham, anupa’t si Patrick ay hindi na nila kinalap na magsundalo. Subalit pagkatapos niyan wala na akong nabalitaan tungkol sa kaniya. Pagkaraan ng ilang linggo, noong Pebrero 18, 1969, ako ay nagsilang ng isang sanggol na babae.

Sa puntong ito natanto ko na kailangang mayroon pang higit sa buhay kaysa sa daigdig na nakilala ko. Naranasan ko na ang kapuwa daigdig​—pagkabusabos at kayamanan​—subalit hindi pa rin ako maligaya. Sinimulan kong hanapin ang mga kasagutan sa ibang dako.

Hinahanap ang mga kalutasan, noong Disyembre ng 1970 nakisama ako sa isang kilusan para kay Jesus na tinatawag na The Way. Ako ay nakikisama sa isang lalaking nagngangalang Steve, subalit hindi ito pinag-iintindi ng sinuman sa kilusan. Nang panahong ito nakilala ko ang isa sa mga Saksi ni Jehova. Nasa Market Street ako sa San Francisco nang lapitan ako ng isang Saksi. Tinanong niya kung ako ay isang Kristiyano. “Oo!” sagot ko. Tuwang-tuwa akong makipag-usap tungkol sa Bibliya.

‘Bakit napakaraming kaguluhan sa daigdig?’ ang tanong ko sa kaniya. Ipinakita niya sa akin ang Mateo 24:3-13, at ipinaliwanag niya na ang kasalukuyang mga kalagayan sa daigdig ay bahagi ng isang “tanda” na nagpapahiwatig na tayo ay nabubuhay na sa panahon ng kawakasan. Pagkatapos ay sinabi niya sa akin kung paanong sa malapit na hinaharap ang Kaharian ng Diyos ay magdadala ng kapayapaan at katiwasayan sa sangkatauhan at aalisin ang kamatayan, pagtanda, at sakit. (Apocalipsis 21:3, 4) Anong gandang hinaharap ang ibinalangkas niya! Gumawa siya ng kaayusan na simulan ako ng isang pag-aaral sa Bibliya nang gabing iyon sa ganap na ikapito.

Pagdating ko ng bahay, agad-agad kong sinabi kay Steve ang lahat ng kapana-panabik na mga bagay na natutuhan ko. Subalit hindi siya nakibahagi sa aking katuwaan. Sa katunayan, sinabi niya na ang mga Saksi ay mga Antikristo at sila ay nambibiktima ng bagong mga Kristiyano. Sinabi niya sa akin na hindi ako dapat makipag-usap sa kanila. Nagtitiwala ako kay Steve, kaya tiniyak ko na wala ako roon kapag dumalaw ang Saksi.

Pagkaraan ng ilang linggo dinala ko sa aking sinapupunan ang sanggol ni Steve. Ayaw niya ng sanggol at lumayas. Kaya narito akong muli, walang asawa, nag-iisa, at nagdadalang-tao. Ayaw ko nang maranasan ang isa pang pagdadalang-tao, kaya’t nang ako ay halos apat na buwan nang nagbubuntis, pumasok ako sa isang lokal na ospital upang magpalaglag. Ito ay napakasakit kapuwa sa pisikal at emosyonal na paraan. Pinaghilab nila, at nang lumabas ang sanggol, inilagay nila ito sa isang garapon sa harapan ko sa buong magdamag. Ito’y isang batang lalaki. Ano ang nagawa ko? Wala akong karapatan na ipagkait sa aking anak na lalaki ang karapatang mabuhay. Ang alaalang iyan ay sumasaging lagi sa aking alaala hanggang sa araw na ito.

Pagkalipas ng ilang buwan, noong Agosto ng 1971, nakita ko ang isang babae na nakasama ko sa tirahan sa isang lugar sa San Francisco. Siya ay naging Saksi. Kami ay matagal na nag-usap. Ipinakilala niya ako sa isang babaing Saksi, na nag-alok na aralan ako ng Bibliya. Sa pagkakataon ito agad akong nakipag-aral ng Bibliya sa mabait na babaing ito, na naging parang ina sa akin. Siya at ang kaniyang asawa ay nagturo sa akin hindi lamang ng Bibliya kundi ng personal na kalinisan, pangangalaga sa bata, pag-aasikaso ng tahanan, pamimili, at iba pang praktikal na mga bagay. Binilhan nila ako ng ilang damit at isang mainit na winter coat.

Batid ko na kailangang gumawa ako ng mga pagbabago. Kahit na bago pa ang unang pag-aaral, inihinto ko ang aking paninigarilyo (ako ay naninigarilyo hanggang tatlong pakete isang araw) at inihinto ko ang lahat ng droga. Ipinasiya ko rin sa aking puso na sundin ang mga batas ni Jehova tungkol sa moralidad sa sekso. Ako ay sumulong hanggang sa punto na kung saan, noong Hunyo 17, 1972, sinagisagan ko ang aking pag-aalay sa Diyos na Jehova sa pamamagitan ng pagpapabautismo.​—1 Corinto 6:9-11.

Ngayon, mga 13 taon na ang nakalipas, ako ay tapat pa rin na naglilingkod sa aking Maylikha. Ang aking anak na babae, na 16 na taóng gulang na ngayon, ay nabautismuhan noong Marso 12, 1983. Noong Oktubre ng 1975 ako ay nag-asawa sa isang lalaki, isa sa mga Saksi ni Jehova, na isang mahusay na ulo ng pamilya, at isang maibiging asawa at ama sa aming tatlong mga anak. At mula noong Pebrero 1, 1982, nagkaroon ako ng kaligayahan na maglingkod sa ministeryo bilang isang regular payunir, nagtatalaga ng 90 mga oras bawat buwan sa gawaing iyon.

Sa wakas ay nasumpungan ko ang kaligayahan!​—Isinulat.

[Blurb sa pahina 17]

Nang ako ay nasa high school, matigas ang ulo ko at hindi mapigil, na nagdulot ng labis na kalungkutan sa bahay

[Blurb sa pahina 18]

Wala akong karapatan na ipagkait sa aking anak na lalaki ang karapatang mabuhay. Ang alaalang iyan ay sumasaging lagi sa aking alaala hanggang sa araw na ito

[Blurb sa pahina 19]

Mula noong 1982 ako ay nagkaroon ng kagalakan na magtalaga ng hindi kukulanging 90 mga oras sa bawat buwan sa pagtuturo ng Bibliya sa iba

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share