Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g87 4/8 p. 14-15
  • Aborsiyon—At “ang Bukal ng Buhay”

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Aborsiyon—At “ang Bukal ng Buhay”
  • Gumising!—1987
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Ang Ipinagbubuntis na Sanggol​—Gaano Kahalaga?
  • Pag-iisip ng Sinaunang Kristiyano
  • Ang Sulat ni Barnabas, kabanata 19:5 (c.100-132 C.E.)
  • The Didache, o Ang Turo ng Labindalawang Apostol (c.150 C.E.)
  • Tertullian: Apology, kabanata 9:8 (c.197 C.E.)
  • Basil: Sulat kay Amphilochius (347 C.E.)
  • Ang Pangmalas ng Kristiyano
  • Aborsiyon
    Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan
  • Ano ang Sinasabi ng Bibliya Tungkol sa Aborsiyon?
    Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
  • Aborsiyon—Hindi Talaga Solusyon
    Gumising!—2009
  • Aborsiyon
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
Iba Pa
Gumising!—1987
g87 4/8 p. 14-15

Aborsiyon​—At “ang Bukal ng Buhay”

NGAYON, sa pamamagitan ng modernong teknolohiya, madaling matitiyak ng mga doktor ang sekso ng sanggol na ipinagbubuntis. Subalit sino ang makatitiyak ng disposisyon nito? Sino ang nakakikita ng potensiyal nito bilang isang buháy, na kaluluwang tao? (Genesis 2:7) Tanging si Jehova lamang, yamang siya “ang bukal ng buhay.” (Awit 36:9) Isaalang-alang ang sumusunod na mga halimbawa ng Kasulatan.

Ang mga kautusan ng patriarka tungkol sa pagmamana ay nauugnay sa kahigtán ng panganay. Gayunman, nang ipinagbubuntis ni Rebeca, ang asawa ni Isaac, ang mga kambal, sinabi sa kaniya ng Diyos: “Ang matanda ay maglilingkod sa bata.” Ang mga buhay ng kanilang dalawang anak na lalaki, sina Jacob at Esau, ay nagpatunay sa pagkaunawa ni Jehova sa kanilang mga personalidad bago pa man ang kanilang pagsilang.​—Genesis 25:22, 23.

Pagkalipas ng mga dantaon, isang anghel ang nagsabi kay Zacarias na saserdote na ang kaniyang asawang si Elizabeth ay manganganak ng isang lalaki na panganganlang Juan. Pribilehiyo ng anak na ito, na nang dakong huli ay nakilala bilang si Juan na Tagapagbautismo, na ihanda ang daan para kay Jesus, ang Mesiyas. Ang kapakumbabaang-isip ay isang mahigpit na kahilingan para sa komisyon o atas na ito, gaya ng alam na alam ng Diyos.​—Lucas 1:8-17.

Ang Ipinagbubuntis na Sanggol​—Gaano Kahalaga?

Kinilala ni Haring David: “Iyo [Jehova] akong tinakpan sa bahay-bata ng aking ina. . . . Nakita ng iyong mga mata pati nang ako’y binhing sumisibol pa lamang, at sa iyong aklat ay pawang napasulat ang lahat ng bahagi.” At iyan ay totoo sa bawat isa sa atin.​—Awit 139:13-16.

Ang lahat ng ipinagbubuntis na tao ay mahalaga sa “bukal ng buhay,” ang Diyos na Jehova. Kung gaano nga kahalaga, nililinaw ng Batas Mosaiko sa Exodo 21:22, 23: “At kung may magbabag at makasakit ng isang babaing buntis . . . , kung may anumang nakamamatay na aksidenteng sumunod, magbabayad ka nga ng buhay kung buhay.”

Pinalilitaw ng ibang mga salin ng Bibliya na sa batas na ito ang delikadong bagay ay kung ano ang nangyari sa ina, hindi sa ipinagbubuntis na sanggol. Gayunman, ang orihinal na tekstong Hebreo ay tumutukoy sa isang nakamamatay na aksidente alin sa ina o sa bata.

Pag-iisip ng Sinaunang Kristiyano

Kasunod ng pagkamatay ng mga apostol ni Jesu-Kristo noong unang siglo, ipinaliwanag ng maraming tao ang kanilang mga turo. Ang mga manunulat na ito ay hindi kinasihan na gaya ng mga manunulat ng Bibliya, subalit ang kanilang mga komento ay interesante sapagkat ipinababanaag nito ang relihiyosong pag-iisip noong kanilang panahon tungkol sa mahalagang isyu na ito. Narito ang ilan sa mga halaw.

Ang Sulat ni Barnabas, kabanata 19:5 (c.100-132 C.E.)

“Huwag kang papatay ng sanggol sa pamamagitan ng aborsiyon; ni, muli, ay patayin ito pagkasilang nito.”

The Didache, o Ang Turo ng Labindalawang Apostol (c.150 C.E.)

“Ito ang Daan ng Buhay: . . . Huwag mong papatayin ang sanggol sa bahay-bata o papatayin man ang bagong silang na sanggol.”

Tertullian: Apology, kabanata 9:8 (c.197 C.E.)

“Subalit sa atin ang pagpatay ay ipinagbabawal minsan at magpakailanman. Hindi tayo pinahihintulutan na patayin kahit na ang ipinagbubuntis na sanggol sa bahay-bata, samantalang ang dugo ay nananalaytay upang maging tao. Ang hadlangan ang pagsilang ng isang bata ay isang tiyak na pagpatay. Walang pagkakaiba kung ang pinapatay ng isa ang buhay na naipanganak na o hinahadlangan ang pagsilang nito. Ang isa na magiging tao ay tao na.”

Basil: Sulat kay Amphilochius (347 C.E.)

“Siyang pumapatay ng isang sanggol na ipinagbubuntis ay tatanggap ng parusang kamatayan. At anumang gabuhok na pagkakaiba sa kung ang ipinagbubuntis na sanggol ay buo na o hindi pa buo ay hindi natin tinatanggap.”

Ang Pangmalas ng Kristiyano

Ang kusang aborsiyon o isang paglalaglag ay maaaring mangyari sa anumang panahon dahilan sa di-kasakdalan ng tao o mula sa isang aksidente. Gayunman, ang sinasadyang aborsiyon upang hadlangan lamang ang pagsilang ng anak na inaayawan ay kakaibang bagay. Sang-ayon sa Kasulatan, gaya ng nakita na natin, ito ay kusang pagkuha ng buhay ng tao.

Sino “ang Isa na naglatag ng lupa at ng nagsisilitaw rito, ang Isa na nagbibigay ng hinga sa bayan nito, at ng espiritu sa kanila na nagsisilakad dito”? Hindi ang tao kundi ang Bukal ng buhay, ang Diyos na Jehova. (Isaias 42:5) Ang ating bigay-Diyos na kakayahan na maglipat ng buhay sa ating mga supling ay isang mahalagang pribilehiyo na roon, gaya ng sa lahat ng bagay, “ang bawat isa sa atin ay magbibigay-sulit sa Diyos.”​—Roma 14:12.

[Kahon sa pahina 14]

Isang Maligayang Paglilihi

Noong 1973, Ang Bantayan, ang kasamang magasin ng Gumising! ay may maikling artikulo na tumatalakay sa pangmalas ng Bibliya tungkol sa aborsiyon. Nabasa ito ng dalawang kabataang mga mag-aarál. Ang babae ay nagdadalang-tao, at siya at ang ama ay kapuwa sumang-ayon sa isang aborsiyon. Subalit pinag-isip sila ng artikulo. Bunga nito, ipinasiya nilang isilang ang kanilang sanggol.

Kamakailan ang lalaki ay natagpuang muli ng mga Saksi ni Jehova, at sabi niya: “Labis kong pinahahalagahan ang inyong literatura sa Bibliya. Dahilan sa nakasisindak na artikulong iyon kaming mag-asawa ngayon ay kapuri-puring mga magulang ng isang kaibig-ibig na 13-anyos na anak na babae!”

Tiyak na kapaki-pakinabang sa kanila ang pagsunod sa maka-Kasulatang landasin.

[Picture Credit Line sa pahina 15]

H. Armstrong Roberts

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share