Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g88 1/8 p. 28
  • Mula sa Aming mga Mambabasa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mula sa Aming mga Mambabasa
  • Gumising!—1988
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Ang Daigdig Mula Noong 1914
  • Nasa Kagibaan ang Tahanan ni Luther?
  • Ang mga Lutheranong Aleman Ba ay Nanganganib Malipol?
    Gumising!—1987
  • “Kung ang Trumpeta’y Malabo ang Tunog Kung Nananawagan . . . ”
    Gumising!—1987
  • Si Luther—Isang Bagong Puwersa sa Pagkakaisa?
    Gumising!—1985
  • Martin Luther—Ang Lalaki at ang Kaniyang Pamana
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2003
Iba Pa
Gumising!—1988
g88 1/8 p. 28

Mula sa Aming mga Mambabasa

Ang Daigdig Mula Noong 1914

Dapat ko kayong papurihan sa inyong mga artikulong “Ang Daigdig Mula Noong 1914.” (Marso 8 hanggang Hunyo 22, 1987 sa Ingles) Pinapangyari nito na maunawaan ko kung bakit pinipinsala, pinapatay, pinag-uusig, at dinadalhan ng kaabahan ng mga bansa ang kanilang sarili. Ang aktuwal na utak sa likuran ng eksena​—si Satanas na Diyablo.

O.P.I., Nigeria

Buong pananabik kong binabasa ang inyong mga serye tungkol sa mga artikulong may kaugnayan sa daigdig mula noong 1914. Sa kauna-unahang pagkakataon sa buhay ko, ako’y nabigyan ng isang mabilis na pagtanaw sa kasaysayan ng aming salinlahi sa loob lamang ng ilang mga labas ng magasin.

E. E., Côte d’Ivoire

Nasa Kagibaan ang Tahanan ni Luther?

Ako’y kinilabutan! (“Bakit nasa Kagibaan ang Tahanan ni Luther?” Setyembre 8, 1987) Mayroon akong malapit na kaugnayan sa aking mga kamag-anak na nakatira pa sa Alemanya. Ako’y 40 taóng gulang at isang Lutherano. Ang aking lolo ay isang ministrong Lutherano at ang aking dalawang kapatid na babae ay napangasawa ng mga ministrong Lutherano. Ang nakapangilabot sa akin tungkol sa inyong mga artikulo ay na sinisikap ninyong siraan ang aking pananampalataya at ang pananampalataya ng aking mga ninuno. Hindi na kayo nahiya! Karamihan ng mga problemang binanggit ninyo ay mga problema ng halos anumang kongregasyon sa balat ng lupa. Marami na akong teolohikal na pakikipag-usap na ginawa sa aking mga bayaw, mga guro sa Bibliya​—lahat ay mga Lutherano. Wala pa akong nakatagpo na sinuman na mahina o magulo o anuman sa iba pang nakasisirang-puring mga pang-uring ginamit ninyo.

R.D.B., Estados Unidos

Binanggit sa simula ng serye na ang kalagayang inilarawan, bagaman may kinalaman sa Iglesya Lutherano sa Alemanya, ay kumakatawan sa tunay na kalagayan ng Protestantismo sa karamihang bahagi ng daigdig. Ang paglalarawan ng teologong Protestante na “magulo” at “ito gayundin naman iyon” ay sinipi mula sa labas na mga babasahin at pangkalahatang kinikilala ng maraming tagapagsalitang Protestante sa Europa. Ang layunin namin sa paglalathala ng materyal na iyon ay isang taimtim na pagsisikap na tulungan ang mga mambabasa ng lahat ng relihiyon na suriin ang kanilang mga paniniwala sa liwanag ng katotohanan ng Bibliya. Sabi ni Jesus: “Inyong malalaman ang katotohanan, at ang katotohanan ang magpapalaya sa inyo.” (Juan 8:32) Idiniin pa nga ng kilalang Lutheranong klerigong Aleman na si Dietrich Bonhoeffer sa kaniyang mga sermon: “Sa relihiyon isang bagay lamang ang mahalaga, na ito’y maging totoo.” “Dapat sikapin [ng simbahan] ang kadalisayan ng turo.” ‘Sa Araw ng Paghuhukom, tiyak na tatanungin tayo ng Diyos: “Pinakinggan mo ba ang aking Salita at tinupad ito?”’​—ED.

Maraming salamat sa inyong mga artikulong “Bakit nasa Kagibaan ang Tahanan ni Luther?” Ipinahayag nito ang akin mismong mga damdamin. Dapat ninyong isaisip na ang aking ama ay isang ministrong Lutherano hanggang siya’y naging pensiyunado dalawang taon na ang nakalipas, ang aking ina ay isang guro ng relihiyosong edukasyon, at hanggang sa gulang na 18 ako ay napaligiran ng mga gawain sa isang tahanang Lutherano. Subalit kahit na noon pa mang ako’y 11 o 12 anyos, ang di-masagot na mga katanungan, pagpapaimbabaw, at ilang diwa ng kawalan ng pag-asa ay nagpangyari sa akin na makadama ng pambihirang kahungkagan. Pagkatapos ng nakapapagod na paghahanap sa katotohanan, sa wakas ay nasumpungan ko kung ano ang inasam-asam ko noon pa mang ako’y bata, mga taong talagang umiibig sa Diyos at sinusunod ang kaniyang mga kautusan, ang mga Saksi ni Jehova.

D. B., Pederal na Republika ng Alemanya

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share