Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g88 4/22 p. 6-8
  • Salapi—Ang Iyong Masunuring Lingkod

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Salapi—Ang Iyong Masunuring Lingkod
  • Gumising!—1988
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Nasisiyahan sa Mahahalagang Bagay sa Buhay
  • Pangangasiwa sa Salapi
  • Isa Pang Mahalagang Bagay
  • Pera Ba ang Ugat ng Lahat ng Kasamaan?
    Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
  • Balanseng Pananaw sa Pera
    Gumising!—2015
  • Pera
    Gumising!—2014
  • Kung Paano Magbabadyet ng Pera
    Puwedeng Maging Masaya ang Iyong Pamilya
Iba Pa
Gumising!—1988
g88 4/22 p. 6-8

Salapi​—Ang Iyong Masunuring Lingkod

“SA PAGITAN ng 1968 at 1986 ang kasukat ng mga adulto sa Gran Britaniya na may deposito sa isang building society ay tumaas mula sa 15% tungo sa 64%,” ulat ng Glasgow Herald. Sa kabaligtaran, ganito ang sabi ng pahayagan: “Ang bilang ng mga taong kabilang sa isang Simbahang Kristiyano ay bumaba.”

Ang salapi, o ang Kayamanan, ay malaon nang ipinalalagay na salungat sa Diyos, walang alinlangan dahil sa mga salita ni Jesus: “Sinuma’y hindi makapaglilingkod sa dalawang panginoon: sapagkat kapopootan niya ang isa, at iibigin ang ikalawa . . . Hindi kayo makapaglilingkod sa Diyos at sa mga kayamanan.”​—Mateo 6:24, King James Version.

Kasabay nito, gayunman, sinasabi ng Bibliya, “Ang salapi ay sanggalang.” (Eclesiastes 7:12) O gaya ng pagkakasabi rito ng isang tao sa modernong panahon, “Ang salapi ay nagsasalita sa isang wika na nauunawaan ng lahat ng bansa.”

Subalit paano natin matitiyak na ang salapi ay magiging kapaki-pakinabang sa halip na mangibabaw sa atin?

Nasisiyahan sa Mahahalagang Bagay sa Buhay

Pananamit

Pagkain

Tirahan

Ang nabanggit sa itaas ay mahalaga. Kailangan mo ito upang maging maligaya. Gaya ng sinasabi ng Bibliya: “Kaya, kung tayo’y may pagkain at pananamit na, masiyahan na tayo sa mga bagay na ito.” Talagang wala ka nang kailangan pa. “Sapagkat wala tayong dinalang anuman sa sanlibutan, at wala rin naman tayong mailalabas na anuman.”​—1 Timoteo 6:7, 8.

Gayunman, kumusta naman kung ang salaping iyong kinikita ay hindi sapat upang paglaanan ka ng ipinalalagay mong mahahalagang bagay? Kung gayon baka isipin mong lumipat sa isang lugar kung saan matutugunan ng iyong kita ang iyong mga pangangailangan. Subalit dito kailangang matapat at maingat na tasahin mo ang kalagayan, sapagkat ang Salita ng Diyos ay nagbababala: “Silang mga disididong yumaman ay nahuhulog sa tukso at sa silo at sa maraming mga pitang walang kabuluhan at nakasásamâ, na nagbubulusok sa mga tao sa kapahamakan at pagkapariwara.”​—1 Timoteo 6:9.

May katalinuhang sundin ang babalang ito! Pakinggan ang Kristiyanong apostol na si Pablo na humihimok, “Mangilag kayo sa pag-ibig sa salapi.” (Hebreo 13:5) Suriin ang iyong sarili, na itinatanong: ‘Kontento ba ako sa mahahalagang bagay lamang? O ako ba ay naghahangad ng mga luho?’

Oo, maibibigay ng salapi ang kasiya-siyang mga luho. “Ang tinapay ay sa ikapagtatawa ng mga manggagawa, at ang alak mismo ay nagpapasaya sa buhay,” ang sabi ng Bibliya, “at ang salapi ang sumasagot sa lahat ng mga bagay.” Gayunman, ang mga luho na mabibili ng salapi ay hindi mahalaga sa tunay na kaligayahan.​—Eclesiastes 10:19.

Pangangasiwa sa Salapi

Ano, kung gayon, ang magagawa mo upang mapanatili ang salapi sa kaniyang wastong dako, bilang isang lingkod? Mahalaga na mamuhay ayon sa kinikita ng isa. Halimbawa, si Liz, na nabanggit kanina, ay nagsasabi: “Natanto ko na ngayon na ang pinagmumulan ng mga problema ng aking pamilya nang ako ay bata ay ang hindi mahusay na pangangasiwa sa salapi. Kami’y bumibili nang utang, kaya lagi kaming may utang na nakabitin sa aming mga ulo. Ito’y nagdulot ng pagkabalisa.”

Mangyari pa, kakailanganin mong kuwentahing maingat kung magkanong salapi ang mayroon ka. Sa resibo ng iyong kita, itabi mo muna ang salaping ipambabayad sa mahahalagang bagay. Sa ganitong paraan, ang iyong salapi ay magiging isang nagsasanggalang na lingkod, gaya ng sinasabi ng Eclesiastes 7:12.

Ang makatuwirang pag-iintindi sa hinaharap ay mahalagang bahagi ng mabuting pangangasiwa sa salapi. Itabi ang halagang kinakailangan upang pangalagaan ang dumarating na mga pagkakagastos. Subalit, tandaan, ang laging pagkabahala sa matatag na kinabukasan na dulot ng salapi ay talagang isang nakapipinsalang anyo ng materyalismo.

Tandaan, din naman, na ang ilang salapi na taglay mo ay baka talagang hindi iyo. Nagugunita mo ba nang si Jesus ay tanungin tungkol sa pagbabayad ng buwis? Humiling siya ng isang barya at nagtanong, “Kaninong larawan ito at ang nasusulat?”

“Kay Cesar,” ang sagot nila.

“Ibigay ninyo kay Cesar ang mga bagay na kay Cesar,” tugon ni Jesus.

Kaya, ang mga pamahalaan ay makatuwirang humihiling ng buwis upang ibayad sa mga paglilingkod na gaya ng pangangalaga sa kalusugan, edukasyon, at mga pasilidad sa transportasyon. Kung nais mo ng pagsang-ayon ng Diyos, kung gayon ikaw ay obligadong magbayad ng ipinag-uutos na halagang hinihiling para sa mga buwis.​—Marcos 12:13-17.

Isa Pang Mahalagang Bagay

Bukod sa pagkain, pananamit, at tirahan, mayroon pang isang mahalagang bagay na hindi natin maaaring waling-bahala nang hindi nagdadala ng malubhang mga problema sa ating mga sarili. Makikilala mo ba kung ano itong mahalagang bagay na ito mula sa mga salitang ito ni Jesus: “Makipagkaibigan kayo sa pamamagitan ng di-matuwid na kayamanan, upang kung mabigo ang gayon, kayo’y tanggapin nila sa walang-hanggang mga tahanang dako”?​—Lucas 16:9.

Ang mga kayamanan ay nabibigo. Batid ng marami sa atin ang tungkol diyan habang nasusumpungan natin na ang kapangyarihan ng ating salapi na bumili ay nauubos ng implasyon. Kaya, kung gayon, habang tayo’y nabubuhay, nanaisin nating gamitin ang ating salapi sa paraan na ito ay gagawa ng mga kaibigan sa mga tatanggap sa atin sa “walang-hanggang mga tahanang dako.” Sino ang mga tagapagpalang ito?

Si Jesu-Kristo mismo ang sumasagot nang sabihin niya sa panalangin: “Ito’y nangangahulugan ng buhay na walang-hanggan, ang kanilang pagkuha ng kaalaman tungkol sa iyo, ang tanging tunay na Diyos, at sa isa na iyong sinugo, si Jesu-Kristo.” (Juan 17:3) Oo, kung nais natin ng buhay na higit pa sa ating kasalukuyang maikli, punô ng ligalig na pag-iral, lubhang mahalaga na tayo’y maging mga kaibigan ng ating Maylikha, ang Diyos na Jehova, at ng kaniyang Anak, si Jesus.

Subalit, ang tanong mo, paano ko magagawa ito? Ano ang magiging halaga nito sa akin? Ito ba’y magdadala ng tunay na kaligayahan?

[Larawan sa pahina 8]

Ang turo ni Jesus na ‘ibigay kay Cesar ang mga bagay na kay Cesar’ ay nag-aatang ng pananagutan sa atin ngayon

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share