Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g88 6/8 p. 19-21
  • Mga Pulong Kristiyano—Bakit Dadaluhan Ito?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Pulong Kristiyano—Bakit Dadaluhan Ito?
  • Gumising!—1988
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Mga Kingdom Hall​—Lubhang Naiiba
  • Mga Pulong​—Isang Gamit Upang Manatiling “Matatag sa Pananampalataya”
  • Mga Pulong​—Kasiya-siya at Nakalulugod
  • Isang Dako ng Pagkatuto
  • Paano Ako Higit na Makikinabang sa mga Pulong Kristiyano?
    Gumising!—1988
  • Ang mga Pulong ay Nagdudulot ng Kapakinabangan sa mga Kabataan
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2000
  • Ano ang Maitutulong sa Iyo ng mga Pulong ng mga Saksi ni Jehova?
    Masayang Buhay Magpakailanman—Isang Pag-aaral sa Bibliya
  • Bakit Magandang Dumalo sa mga Pulong sa Kingdom Hall?
    Tanong ng mga Kabataan
Iba Pa
Gumising!—1988
g88 6/8 p. 19-21

Ang mga Kabataan ay Nagtatanong . . .

Mga Pulong Kristiyano​—Bakit Dadaluhan Ito?

“Pinagsisimba ako ng aking mga magulang,” sabi ni Christiaan, isang binatilyo sa bansang Suriname. “Sa tuwina’y ninanais ko na sana’y umulan kung Linggo ng umaga, upang ako ay manatili sa bahay. Subalit,” susog niya na ngumiti, “wari bang umuulan lamang mula Lunes hanggang Sabado.”

“Hindi nagtagal nagsawa na ako sa mga serbisyo ng simbahan. Nang makita ko ang pagkakataon na umalis, sinunggaban ko ito.”

SI Christiaan ay hindi naiiba. Idinaraing ng mga klerigo sa buong daigdig ang kakulangan ng interes ng mga kabataan sa mga serbisyong relihiyoso. Ganito ang sabi ni Simote Vea, isang klerigo buhat sa isla ng Tonga sa Pasipiko: “Ang bilang ng mga kabataang dumadalo sa mga simbahan . . . ay umuunti.”

Bakit, nga, hindi naaakit ng pangunahing mga relihiyon ang mga kabataan? Si Lorine Tevi, kawani sa World Council of Churches, ay nagsasabi: “Ang pinakamalaking pangangailangan ay edukasyon . . . Kailangang matutuhan ng mga relihiyon na ang teolohikal na edukasyon ay dapat magsalita sa lahat.”

“Tama iyan,” sabi ni Christiaan. “Inaasam ng maraming kabataan ang malinaw na edukasyon buhat sa Bibliya. Gayunman, sa halip na punan ang pangangailangang iyan, ang simbahan ay nananatili sa dating ritwal.” Ganito pa ang susog ni Annie, 13 anyos: “Ang simbahan ay maraming kantahan subalit kaunti ang natututuhan.” Gayundin ang panangis ng disiotso-anyos na si Barbara tungkol sa kakulangan ng edukasyon sa simbahan. “Isang araw,” nagugunita pa niya, “binigyan ako ng pastor ng drowing tungkol kay Jesus. Sinabihan niya ako na kulayan ang mga ito. Iyon ang serbisyo!”

Hindi kataka-taka, kung gayon, maraming kabataan ang nawalan ng tiwala sa mga serbisyo sa simbahan. Nangangahulugan ba ito, kung gayon, na ang lahat ng relihiyosong pulong ay pag-aaksaya lamang ng panahon? Sa kabaligtaran, ang mga kabataang binanggit dito ay pawang dumadalo na muli sa mga relihiyosong pulong! Ang dahilan? Natuklasan nila kung ano ang iniulat ng magasing U.S. Catholic mga ilang taon na ang nakalipas: “Ang alinmang Kingdom Hall ay nagbibigay ng higit . . . na edukasyon sa loob ng isang buwan kaysa ibinibigay ng karamihan sa mga parokyang Katoliko sa lahat ng panahon.”

Mga Kingdom Hall​—Lubhang Naiiba

Mga Kingdom Hall? Oo, ito ang mga dakong pinagpupulungan ng mga Saksi ni Jehova, ang mga tagapamahagi ng magasing ito. Ipinakikita ng isang surbey na isinagawa sa bansang Suriname na halos isa sa bawat tatlo katao ang dumadalo sa mga pulong doon na ang edad ay sa pagitan ng 12 at 20! Totoo rin ito sa maraming iba pang bansa​—maraming kabataan ang dumadalo ng mga pulong sa mga Kingdom Halls.

Ipinaliliwanag ni Christiaan kung bakit ang mga pulong doon ay nakakaakit sa kaniya: “Humanga ako sa kung gaano kadalas ginagamit ang Bibliya. Ang lahat ng sinasabi ay pinatutunayan mula rito. Ang mga pulong ay parang paaralan!” Oo, ang Kingdom Hall ay mayroong isang kurso ng limang lingguhang mga pulong na nagsasanay sa mga Kristiyano sa pagbabasa, pagtuturo, at pagkakapit ng Bibliya. Masusumpungan mo na ang mga pulong doon ay lubhang naiiba sa mga serbisyo sa simbahan.

At, maaaring hindi naiibigan ng maraming kabataan ang ideya tungkol sa anumang uri ng paaralan. Kahit na ang ilang kabataan na pinalaki ng Kristiyanong mga magulang ay maaaring mawalan ng pagpapahalaga sa mga pulong Kristiyano, nagrireklamo na ang mga ito ay ‘nakababagot,’ ‘napakahaba,’ o na ang paggawa ng ibang bagay​—gaya ng panonood ng telebisyon​—ay mas kawili-wili pa. Kaya, bakit dapat bawasan ng isang kabataan ang panahon ng paglilibang at gawain sa paaralan upang daluhan ang mga pulong Kristiyano?

Mga Pulong​—Isang Gamit Upang Manatiling “Matatag sa Pananampalataya”

Ang apostol Pablo ay minsang nagsabi na “kung walang pananampalataya ay hindi makalulugod [sa Diyos] na mainam.” (Hebreo 11:6) Hinihimok niya sa gayon ang mga Kristiyano na manatiling “matatag sa pananampalataya.” (Tito 2:2) Ang payo bang ito ay angkop sa mga kabataan ngayon? Oo! Ganito ang pagkakasabi rito ng isang 15-anyos na babae: “Kung minsan inaakala kong ang mga kabataan ay may pinakamahirap na panahon sa buhay. Kami ay napaliligiran ng mga taong gumagawa ng pakikiapid, nagdudroga, at umiinom.” Mapaglalabanan mo ba ang malakas na mga impluwensiyang ito sa pamamagitan ng ‘pagbubukod ng sarili’ mula sa kapuwa mga Kristiyano? (Kawikaan 18:1) Hindi nga.

Samakatuwid sinasapatan ng mga pulong Kristiyano ang mahalagang pangangailangan. Tinutulungan ka nito na manatiling “matatag sa pananampalataya”! Sabi ni Tertullian, isang mananampalataya noong ikalawang-siglo: “Kami ay nagtitipon upang basahin ang aming banal na kasulatan . . . sa pamamagitan ng banal na mga salita pinalalaki namin ang aming pananampalataya.” Gayundin naman sa ngayon, ang mga pulong sa Kingdom Hall ay maaaring ‘palakihin ang iyong pananampalataya’ at patibayin ka. Hindi kataka-taka, kung gayon, na ang mga Kristiyano ay pinag-utusan: “Magpakatatag tayo at huwag mag-alinlangan sa paghahayag ng ating pag-asa, . . . huwag kaligtaan ang ating mga pagtitipon, gaya ng ginagawa ng ilan.”​—Hebreo 10:23-25, The New English Bible.

Mga Pulong​—Kasiya-siya at Nakalulugod

Gayunman, sa panahong ito ng modernong teknolohiya, maraming kabataan ang humihiling na hindi lamang turuan kundi malibang. At tunay, ang mga pulong sa Kingdom Hall ay hindi masalimuot na mga pagtatanghal sa entablado. Subalit, hindi ito nangangahulugan na ang programa ay nakababagot at hindi kawili-wili. Isaalang-alang: Ano ang gumagawa sa isang pagkain na kasiya-siya? Hindi ba ang nakapagpapalusog at sarisaring pagkain, ang kaiga-igayang mga kasama sa mesa, at ang relaks na kapaligiran? Bueno, tiyak na natutugunan ng mga pulong Kristiyano ang mga kahilingang ito sa kasiyahan.

Nakapagpapalusog at Sarisari: Ang limang mga pulong ay naglalaan ng timbang na espirituwal na pagkain​—mula sa payo tungkol sa buhay pampamilya hanggang sa pag-aaral ng mga hula. Sarisari? Bueno, ang mga pahayag at pagtalakay ng grupo ay kadalasang hinahalinhan ng mga panayam at masiglang paglalarawan. Nagugunita pa ng kinse-anyos na si Janet ang kaniyang unang pulong na dinaluhan: “Sa kalagitnaan ng pulong sinabi ko sa aking ina, ‘Umuwi na tayo.’ Pagod na ako sa kauupo. At pagkatapos ang mga may edad na at mga bata ay naghali-halili sa pagsasalita sa plataporma. Naibigan ko ito at nanatili ako hanggang sa katapusan.”

Kaiga-igayang Kasama: Pagkatapos daluhan ang kaniyang unang pulong, isang kabataang babae na nagngangalang Carolina, mula sa Nicaragua, ay nagsabi: ‘Hanga ako sa mga membrong kabataan. Sila ay palakaibigan at magalang.’ Oo, makikita mo sa Kingdom Hall ang ‘mabuti at kaiga-igayang’ kapatiran. (Awit 133:1) Ang disiseis-anyos na si Anita sa gayon ay nagsabi: “Sa Kingdom Hall, nasumpungan ko ang tunay na mga kaibigan.”

Relaks na Kapaligiran: “Kung minsan ay nag-aalala ako tungkol sa isang problema sa maghapon,” sabi ni Simeon, 14 anyos. “Subalit sa loob ng Kingdom Hall, nakakalimutan ko ang tungkol dito. Nakadarama ako ng kapayapaan ng loob.” Ipinababanaag ng mga pulong Kristiyano ang espiritu ng Diyos ng kagalakan at kapayapaan. (Filipos 4:4-7) At kabaligtaran ng maraming gayak na disenyo at tahimik, artipisyal na kapaligiran sa maraming simbahan, ang mga Kingdom Hall ay simple ang disenyo at nagtataguyod ng relaks na kapaligiran. Sabi ng kabataang si Barbara: “Sa loob ng Kingdom Hall, panatag ang loob ko.”

Isang Dako ng Pagkatuto

Gayunman, mas mahalaga kaysa kapaligiran ay kung ano ang natututuhan mo sa pagdalo sa isang pulong sa Kingdom Hall. Upang ilarawan, isaalang-alang ang isa lamang sa limang mga pulong, ang Paaralan sa Teokratikong Pagmiministro. Ito ay itinatag noong 1943 upang sanayin ang mga Kristiyano sa sining ng pagsasalita sa madla. Ito ay isang internasyonal na paaralan, itinatatag sa lahat ng mga kongregasyon ng mga Saksi ni Jehova sa buong daigdig, at ito ay nagbibigay ng parehong-pagkakataon na edukasyon. Ang mga estudyante ay tumatanggap ng pare-parehong pagsasanay sila man ay mga lalaki o mga babae, itim o puti, mayaman o mahirap​—nang libre!

Ang pangunahing aklat-aralin ay ang Bibliya. Kuwalipikadong mga instruktor ang nagtuturo sa mga estudyante kung paano magtitipon at gagawa ng impormasyon buhat sa Bibliya at saka ihaharap ito sa paraang nakikipag-usap. Ang aklat ng pinamagatang Giya sa Paaralang Teokratiko sa Pagmiministroa ay ginagamit din may kaugnayan sa paaralan. Ang 38 mga aralin nito ay sumasaklaw ng mga paksang gaya ng “Pagbuo ng Isang Balangkas,” “Pagdiriin ng Diwa at Pag-iiba-iba ng Tono,” at ito’y nagtuturo ng katatasan, wastong bigkas, at komposisyon. Nang iharap ng isang kabataang nagngangalang Terri ang aklat na ito sa kaniyang instruktor sa Speech Class, sinabi ng instruktor sa iba pang estudyante: “Pagkatapos ng limang linggong klase, sa wakas ay ibinigay niya sa akin ang isang aklat sa kung paano wastong pangangasiwaan ang isang klase sa pagsasalita!”

Isip-isipin ang ikaw ay tumayo sa harap ng isang grupo at magturo tungkol sa Bibliya​—nang may kasanayan, at kakayahan! Isa lamang ito sa mga pakinabang na makukuha mo kung dadalo ka sa mga pulong sa Kingdom Hall. Idagdag mo pa riyan ang mahusay na mga kasama na matatamo mo roon, at madali mong makikita kung bakit ang regular na pagdalo sa pulong ay napakahalaga upang palakasin ang iyong pananampalataya sa Diyos at sa kaniyang Anak. “Siyang nananampalataya,” paalaala sa atin ni Jesus, “ay mayroong buhay na walang hanggan.”​—Juan 3:36.

Inaasahan namin, kung gayon, na ang maikling pag-uusap na ito ay nakapukaw sa iyong interes na dumalo sa mga pulong kung hindi ka pa nakadadalo. Kumusta naman, kung ikaw ay dumadalo na? Kung gayon ang katanungan ay, Marami ka bang natutuhan mula sa mga pulong na ito na gaya ng nararapat? Tatalakayin ito ng isang labas sa hinaharap.

[Talababa]

a Inilathala ng Watchtower Bible and Tract Society of New York, Inc.

[Larawan sa pahina 21]

Ang mga pulong sa Kingdom Hall ay nagbibigay ng mga pagkakataon para sa mga kabataan na aktibong makibahagi

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share