Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g88 6/8 p. 28
  • Mula sa Aming mga Mambabasa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mula sa Aming mga Mambabasa
  • Gumising!—1988
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Ligtas na Pagmamaneho
  • Teolohiya sa Pagpapalaya
  • Linangin ang Ligtas na mga Pag-uugali sa Pagmamaneho
    Gumising!—1988
  • Teolohiya sa Pagpapalaya—Isang Lunas Para sa Third World?
    Gumising!—1987
  • Mga Aksidente sa Sasakyan—Ligtas Ka Ba?
    Gumising!—2002
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1988
Iba Pa
Gumising!—1988
g88 6/8 p. 28

Mula sa Aming mga Mambabasa

Ligtas na Pagmamaneho

Pakisuyong tanggapin ninyo ang aking papuri sa inyong mga artikulo kamakailan tungkol sa “Ligtas na Pagmamaneho.” (Enero 8, 1988) Pahahalagahan ko kung babanggitin din ninyo ang tungkol sa iba pang panganib, halimbawa, ang paninigarilyo samantalang nagmamaneho, ang paggamit ng sarisaring droga, at lalo na yaong kabilang sa ilang iniresetang mga gamot, lahat ay nakababawas sa kasanayan ng tsuper sa kaniyang kotse. Gayundin, dapat sana’y nagbigay kayo ng babala tungkol sa iba pang salik, gaya ng kulang ng tulog, pagkain ng marami na uminom ng marami o hindi, mga away sa pamilya, mga pelikulang nagpapakita ng mabilis na pagmamaneho, mahinang paningin, at kulang ng ehersisyo.

R. G., Pransiya

Bagaman ang ilan sa mga bagay na nabanggit ay kinomentuhan sa aming mga artikulo, ito’y kailangang ulitin. Ang ligtas na pagmamaneho ay humihiling na ang tsuper ay maging lubusang alisto sa kung ano ang nagaganap sa daan, pinangyayari siyang kumilos nang mabilis sa anumang situwasyon na maaaring bumangon.​—ED.

Bagaman ang inyong artikulo ay nagtaguyod ng mahusay, ligtas na pagmamaneho, ipinagtataka ko na hindi ninyo binanggit ang tungkol sa paggamit ng seat belt. Ito man ay dapat na maging isang kaugalian sa ligtas na pagmamaneho. Sa inyong artikulong “Why Fasten Your Seat Belt?” (Hunyo 8, 1978, sa Ingles), binanggit ninyo ang isang report mula sa Canada na naghinuha na ‘ang tsansa sa kaligtasan ng isang tsuper na gumagamit ng seat belt sa isang banggaan ay sampung beses na mas mataas kaysa mga tsuper na hindi gumagamit ng seat belt,’ at isang report na galing sa Sweden ay naghinuha “na ang mga taong gumagamit ng seat belt ay nagkaroon ng halos kalahati lamang ng mga pinsala ng mga taong hindi gumagamit ng seat belt sa lahat ng tulin.

C. S., Estados Unidos

Buong-puso kaming sumasang-ayon sa kahalagahan ng paggamit ng mga seat belt. Ito ay hinihiling ng batas sa maraming estado at mga bansa, at lahat tayo, saan man tayo naroroon, ay dapat na sumunod sa makatuwirang pag-iingat na ito sa kaligtasan alang-alang sa paggalang sa kaloob na buhay.​—ED.

Teolohiya sa Pagpapalaya

Sa inyong labas tungkol sa “Teolohiya sa Pagpapalaya” (Nobyembre 8, 1987), inilathala ninyo ang isang ilustrasyon na naninirang-puri sa Iglesya Katolika, at nakasakit ng aking damdamin na makita ang isang krus na kinakatawan sa anyo ng mga machine gun. Ito ay kasiraang-puri sa krus kung saan ipinako ang ating Tagapagligtas, si Jesu-Kristo.

J. V., Estados Unidos

Ang pagpapakita ng mga baril sa anyong isang krus ay isang nakakatawag-pansing sagisag ng pangwakas na resulta ng teolohiya sa pagpapalaya, na nagsasabing ito’y maka-Kristiyano, bilang huling paraan, na gumamit ng karahasan upang palayain ang mga api. Ang paglalathala namin sa sagisag na ito ay hindi nakasisirang-puri kay Kristo; bagkus, ang pagkilos na isinasagawa niyaong mga nagtataguyod sa armadong karahasan sa pangalan ni Kristo na siyang nakasisirang-puri kaniya. Ang mga pamamaraan ng teolohiya sa pagpapalaya ay labag sa mga turo ni Jesus. Sinabi niya: “Ang kaharian ko ay hindi bahagi ng sanlibutang ito, ang aking mga alipin nga ay nakipagbaka sana upang huwag akong maibigay sa mga Judio. Ngunit, ngayon, ang kaharian ko ay hindi rito.” (Juan 18:36) Itinuro niya sa kaniyang mga tagasunod: “Lahat ng naghahawak ng tabak ay sa tabak mamamatay.” (Mateo 26:52) Itinaguyod niya ang paggalang sa umiiral na mga pamahalaan, na ang sabi: “Ibigay ninyo kay Cesar ang mga bagay na kay Cesar, ngunit sa Diyos ang mga bagay na sa Diyos.” (Mateo 22:21) At tinuruan niya ng kaniyang mga tagasunod na umasa sa Kaharian ng Diyos, hindi sa mga pagsisikap ng tao, na siyang magdadala ng ginhawa mula sa pang-aapi. (Mateo 6:9, 10; Awit 72:1, 2, 4, 11-14) Sa pamamagitan ng pagsunod sa mga turong ito ay pinararangalan natin si Jesu-Kristo.​—ED.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share