Hindi Kapani-paniwalang Bomba ng Isang Puno
Ang mga dahon sa taas ng isang punungkahoy ay nangangailangan ng tubig at mga nutriyente, kadalasa’y libu-libong galon isang araw. Ito ay dapat na ibomba pataas, subalit paano?
“Ang hindi kapani-paniwalang katangiang ito ng pagbomba ay nagsisimula sa ilalim ng lupa kung saan milyun-milyong pagkaliliit na mga ugat ay sumisipsip ng tubig at tinunaw na mga mineral,” sabi ng Compressed Air Magazine. “Samantalang ang tubig ay kinukunsumo, isang kakulangan ang ginagawa sa mga dahon na nagpapangyari sa mga kulumna na kumilos paitaas at literal na hatakin ang higit pang tubig mula sa lupa. Walang gawang-taong pambomba ang makahahatak ng tubig na higit pa sa 10 metro.” Subalit kumusta naman ang tungkol sa sistema ng pagbomba ng isang punungkahoy?
Ito ay totoong pambihira anupa’t sinasabing kung kinakailangan, maaari nitong itaas ang tubig sa isang punungkahoy na halos 3 kilometro ang taas! Hindi kataka-taka na itinawag-pansin ng isang anunsiyo ng isang kilalang tagagawa ng mga bomba ang “pambihirang pagbomba” ng punong maple at ang sabi: “Hindi natin matutularan ang kalikasan sa tiyaga o paggawa.”