Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g88 9/22 p. 14-16
  • Paano Ko Mapagtatagumpayan ang Pagkapahiya?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Paano Ko Mapagtatagumpayan ang Pagkapahiya?
  • Gumising!—1988
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Nakahihiyang mga Sandali ng Buhay
  • Bumalik Ka sa Yelo!
  • Pakikitungo sa Nakahihiyang mga Kalagayan
  • Bakit Ako Hinihiya ng Aking mga Magulang?
    Gumising!—1990
  • Bakit Napakabilis Kong Lumaki?
    Gumising!—1993
  • Paano Ako Makapangangaral sa Aking mga Kaeskuwela?
    Gumising!—2002
  • Paano Ako Magiging Higit na Palakaibigan?
    Gumising!—1999
Iba Pa
Gumising!—1988
g88 9/22 p. 14-16

Ang mga Kabataan ay Nagtatanong . . .

Paano Ko Mapagtatagumpayan ang Pagkapahiya?

Pangit na nga para kay Angie na magtungo sa eskuwela na nakasemento ang kaniyang isang paa. Subalit ang kalagayan ay lalo pang lumala nang siya ay mahulog sa isang putikan noong panahon ng reses. Gunita ni Angie: “Hiyang-hiya ako! Hindi ako makabangon, at ako’y punúng-punô ng putik.”

ALAM na alam mo ang nakahihiyang damdamin ng pagkapahiya. Ipagpalagay na, madalas na tayo ang mga awtor ng ating sariling kalungkutan. Gaya ng pagkakasabi rito ng magasing Seventeen, tayo ay madaling “nawawala sa sarili, at walang anu-ano tayo ay umaalis at ginagawa natin ang ilang hindi kapani-paniwala at hindi maipaliwanag na mga bagay na hangal. Pagkatapos, biglang-bigla, nababatid natin . . . ‘Talaga bang ako ang gumawa niyaon?’ ”

Gayunman, sa panahon ng pagtitin-edyer ikaw ay malamang na dumanas ng pagkapahiya kaysa anumang ibang panahon sa iyong buhay. Bakit gayon?

Nakahihiyang mga Sandali ng Buhay

Ang mananaliksik na si David Elkind ay nagsasabi na dahil sa dumaraming intelektuwal na kakayahan, ang mga adolesente ay mas malamang na mabahala tungkol sa kung ano ang palagay sa kanila ng iba. Ang labis-labis na pag-aalala-sa-sarili ay katulad ng pagkakaroon ng isang “guniguning tagapakinig” na “sinusuri at nirirepaso ang kanilang mga kilos.” (Adolescent Development) Sa gayon tinawag ng isang kabataang babae ang kabataan na isang “panahon sa buhay kung kailan mahalaga sa iyo kung ano ang palagay ng ibang tao.”

Sa kasamaang palad, ang iyong mga pagsisikap na pahangain ang iba ay kadalasang bigo. Sapagkat sinisikap mo pang supilin ang iyong mga damdamin​—at nagpapakadalubhasa sa magandang asal sa lipunan​—ang tamang “salita sa tamang panahon” ay baka umiwas sa iyo. (Kawikaan 15:23) Mahilig na sabihin kung ano ang nadarama mo, na salungat sa kung ano ang mataktika o angkop, ikaw ay maaaring gumawa ng nakahihiyang pagkakamali. Higit pa riyan, yamang ikaw ay nasa ilalim pa ng pangangasiwa ng iyong mga magulang, baka kailangan mong gawin ang mga bagay na ayaw mong gawin. “Gustung-gusto ng nanay ko na isuot ko ang mga damit pambata sa eskuwela,” panangis ng isang kabataan. “Ang lahat ay nakamaong at ako ay kailangang magsuot ng damit pambata.”

Sabik na sabik sa pagsang-ayon ng iba, ang ilang kabataan ay napakasensitibo rin sa pagpuna, pagtanggi, o kabiguan. Ang mga kabataang Kristiyano, halimbawa, ay maaaring umiwas sa pagsasabi sa iba tungkol sa kanilang relihiyosong mga paniwala sa kanilang mga kaklase at mga guro. Ang iba ay maaaring mapahiya sa anumang pagsaway mula sa isang guro o sa isang magulang. “Minsan [sinigawan ako ng aking ina] sa harap ng isa sa aking mga kaibigan at ako’y totoong napahiya,” sabi ng kabataang si Angela.

At nariyan din ang pagkaabala ng ilang kabataan sa kanilang katawan. Ang mga kabataang mabagal-lumaki ay kadalasang nahihiya sa kanilang parang bata pa ring hitsura, ang mga kabataang mabilis-lumaki ay nahihiya sa kanilang adultong katawan at sa pagkaasiwa na kaakibat ng gayong paglaki. “Nang ako ay nasa ikaanim na baitang,” gunita ni Annie, “ako ang pinakamataas sa lahat. Nakakahiya. Mayroon akong maliit na kaibigan at ingit na inggit ako sa kaniya.”

Bumalik Ka sa Yelo!

Ang pagkapahiya sa gayon ay isang hindi maiiwasang bahagi ng buhay. Totoo, dapat mong gawin ang pinakamabuti upang iwasang gawin ang mga bagay na pagsisisihan mo sa dakong huli. Halimbawa, “ang mangmang ay nagsasalita ng marami.” (Eclesiastes 10:14) Ang basta pag-iisip bago ka magsalita ay tutulong sa iyo na huwag kang mapahiya. (Kawikaan 15:28) Subalit sa kabila ng iyong pagsusumikap, ang nakahihiyang mga kalagayan ay nangyayari paminsan-minsan. Paano ka kumikilos? Upang ilarawan: Nasubukan mo na bang mag-skate sa yelo? Kung gayon, malamang na ikaw ay nadulas at bumagsak sa yelo sa unang pagkakataon​—marahil ay higit pa sa minsan. Subalit iyan ba ay humadlang sa iyo na magbalik sa yelo? Hindi kung nais mong maging mahusay na skater!

Kung gayon, kumusta naman kung tungkol sa iyong mga pakikitungo sa tao? Kung ikaw ay napahiya sa ilang paraan, ikaw ba ay ‘nananatili sa yelo’ sa pamamagitan ng paglayo, iniiwasan ang mga tao at ilang mga kalagayan dahil sa takot na baka mapahiya ka na naman? Kung gayon, ang pagkapahiya ang sumusupil sa iyo. Ang mahalagang mga pagkakataon at kasiya-siyang mga kaugnayan ang nagdaraan sa iyo samantalang ikaw ay nagmumukmok sa kawalang pag-asa. Sabi ni Eclesiastes 11:4: “Ang nagmamasid sa hangin [may takot na pinag-iisipan ang mga kawalang-katiyakan ng buhay] ay hindi maghahasik ng binhi; at ang tumitingin sa mga alapaap ay hindi aani.”

Upang masiyahan sa buhay at sa mabuting kaugnayan sa iba, may nasasangkot na panganib. Gaya ng sulat ni Dr. Wayne W. Dyer sa Pulling Your Own Strings: “Kailanman ay hindi mo malalaman kung ano ang pakiramdam upang alisin ang takot hanggang sa isapanganib mo ang paggawi na nakakaharap nito.” Kaya bumalik sa yelo pagkatapos bumagsak!

Pakikitungo sa Nakahihiyang mga Kalagayan

Gayunman, papaano dapat pangasiwaan ang gayong mga sandali kung kailan nais mong itago ang iyong sarili? Ang ilang mga mungkahi ay:

Huwag maging labis na seryoso. Sabi ng magasing Seventeen: “Hinahatulan nating lahat ang ating mga sarili nang napakahigpit.” Isa pa, ang labis na pagbibigay pansin sa isang maliit na pagkakamali ay isa lamang anyo ng ‘pag-iisip sa sarili ng higit kaysa kinakailangang isipin.’ (Roma 12:3) Isip-isipin na ikaw ay nakagawa ng isang bagay na nakahihiya sa harap ng iyong mga kaibigan. Ganito ang sabi ng isang kabataang nagngangalang Beverly: “Baka isipin mo na tuwing makikita ka nila, naiisip nila ang pangyayaring iyon.” Ngunit ang iyo bang maliit na pagkakamali ay talagang may gayon kahalagang dako sa isipan ng iba? Malamang na wala. Kaya, hindi ba mabuting basta kalimutan ang tungkol sa maliit na pagkakamaling iyon?

Tanggapin ang disiplina: Bilang isang kabataan, ikaw ay malamang na magkamali dahil sa kawalang-karanasan. Gayunman, ang pagdisiplina dahil sa ating pagkakamali ay maaaring ‘magbigay ng unawa.’ (Kawikaan 1:3) Ang isang saway mula sa isang guro o sa isang magulang ay malamang na mangyari sa iyo paminsan-minsan. Sa halip na mag-alala sa pansamantalang pagkapahiya na dala nito, sikapin mong makinabang buhat sa disiplina sa pamamagitan ng paggawa ng kinakailangang mga pagbabago.​—Kawikaan 1:7-9.

Panatilihin ang iyong ugaling mapagpatawa: Kung minsan ito ang pinakamabuting gawin gaya ng payo ng isang 15-anyos na nagngangalang Frank: “Tawanan mo ito.” Kaya kung ang ilang pagkaasiwa sa iyong bahagi ay pumupukaw ng katatawanan, huwag agad mapikon. (Eclesiastes 7:9) Gaya ng mungkahi ng 18-anyos na si Terry: “Huwag kang labis na nag-aalala-sa-sarili tungkol sa kung ano ang palagay ng ibang tao.” Sikapin mong tingnan ang iyong problema sa mata ng iba. Isip-isipin kung ano ang kalalabasan ng “kalamidad” na ito sa iyo kinabukasan​—o sa susunod na linggo. Ang pagtawa sa sarili ay kadalasang nakakabawas ng pagkapahiya.

Gawin mo ang unang hakbang: Gayon ang mungkahi ng isang kabataang nagngangalang Faith. Kung ikaw ay napahiya sa harap ng isang tao, natural na baka ikaw ay maging asiwa na makasamang muli ang taong iyon. Subalit ikaw ang gumawa ng unang hakbang at lapitan mo ang taong iyon kaagad kung maaari. (Ihambing ang Mateo 5:23, 24.) Nasumpungan ni Faith na kung “makikita ng isa na ikaw ay isang prangkang tao at kaya mong tanggapin ang isang biro, siya ay hindi maaasiwa kapag kasama ka.”

Huwag ihambing ang iyong sarili sa iba: Maaaring maasiwa ka na ikaw ay mababa samantalang ang lahat ng iyong mga kaedad ay matatangkad​—o ang kabaligtaran. Subalit tandaan, “sa bawat bagay ay may kapanahunan.” (Eclesiastes 3:1) Ang iyong panahon upang abutin ang pisikal na pagkamaygulang ay maaaring kaiba sa ibang tao. Ang pagtingin sa iyong pisikal na paglaki samantalang inihahambing ang iyong sarili sa ibang tao ay walang saysay, sapagkat hindi nito mapabibilis o mapababagal ang pamamaraan. (Ihambing ang Galacia 6:4.) Isa pa, walang garantiya na ikaw ay lálakí sa ninanais mong taas o ikaw man kaya ay magkakaroon ng huwarang pangangatawan o korte ng katawan, kaya bakit mag-aalala sa kung ano ang hindi maaaring baguhin? O gaya ng tanong ni Jesus: “Sino sa inyo ang sa pagkabalisa ay makapagdaragdag ng isang siko sa sukat ng kaniyang buhay?” (Mateo 6:27) Mas marami ang nagagawa kung tatanggapin mo ang iyong hitsura at lilinangin mo ang isang kaakit-akit na personalidad.

Tratuhin ang iba na gaya ng nais mong pagtrato: Ano ang reaksiyon mo kapag ang iba ay napahiya? Kung ikaw ay natutuwa sa paglibak sa kanila o sa pagsasabi sa iba ng kanilang pagkakamali, huwag kang magreklamo kung bumaligtad naman ang mesa sa iyo. “Ang may diwang tapat ay nagtatakip ng bagay,” sabi ng Kawikaan 11:13. Kung gagawin mo ito sa iba, marahil sila man ay mapakikilos na gawin din ang gayon sa iyo.​—Mateo 7:12.

Manindigan ka sa iyong mga paniwala: Huwag kang mahiyang ibahagi sa iba ang iyong pananampalataya. Ang mga salita ni Jesus sa Marcos 8:38 ay maliwanag: “Ang sinumang magmahiya sa akin . . . , ikahihiya rin naman siya ng Anak ng tao.” Ituring mong isang pribilehiyo na maging isang ‘mangmang dahil kay Kristo.’ (1 Corinto 4:10) Ganito ang sabi ng isang kabataan: “Mientras dinidibdib mo ang mga katotohanan ng Bibliya, lalo mo naman ninanais na ibahagi ito sa iba.”

Ang nakahihiyang mga kalagayan ay bumabangon paminsan-minsan. Subalit kung mangyari ito, kumuha ng isang makatotohanan, timbang na pangmalas, huwag asahan na ang lahat ng bagay ay magiging tama. Panatilihin ang iyong ugali na mapagpatawa. Iwasan na maging masyadong seryoso. Kung ikakapit ang payong ito, masusumpungan mong mas madaling makabawi kapag ikaw ay napahiya.

[Larawan sa pahina 15]

Ang pagkapahiya ay isang hindi maiiwasang bahagi ng buhay

[Larawan sa pahina 16]

Iba-iba ang bilis ng paglaki ng mga kabataan sa pisikal na paraan

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share