Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g89 1/22 p. 28
  • Mula sa Aming mga Mambabasa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mula sa Aming mga Mambabasa
  • Gumising!—1989
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Tulong Para sa May Kapansanan
  • Namamatay na mga Bata
  • Araling-Bahay ng Magulang
  • Glaucoma
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1989
  • Ang Katotohanang Pabor sa Gatas ng Ina
    Gumising!—1993
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1989
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1994
Iba Pa
Gumising!—1989
g89 1/22 p. 28

Mula sa Aming mga Mambabasa

Tulong Para sa May Kapansanan

Talagang pinahahalagahan ko ang totoong nakapagpapatibay-loob na artikulo (Oktubre 22, 1988). Upang ang isang taong may kapansanan ay maging maligaya, hindi niya kailangang laging tulungan. Putol ang aking kanang kamay. Ang bawat kilos ko ay binabantayan upang tulungan ako sa hapag kainan. Ako’y pinagsisilbihan, ang aking tinapay ay hinihiwa at ang aking prutas ay binabalatan, at ang aking keso ay inihahanda pa nga. Mangyari pa, ito’y dala ng kabaitan, subalit sa loob ko, nagdaramdam ako sa mga taong dinidibdib ang aking mga kapakanan. At sa wakas, hindi pa nga ako nagpapasalamat. Kapag ako’y nag-iisa, nakapagtatakang ako’y lubhang naliligayahan sa paggawa ng lahat ng bagay sa ganang akin. Salamat sa mga aparatong ipinakita ninyo; hindi ko akalaing umiiral ang gayong mga bagay. Ang mga ito ay simple, subalit talagang nakatutulong.

C.C., Pransiya

Nais ko kayong pasalamatan sa artikulo ng Gumising na “Pag-unawa sa Suliranin ng Utál” (Pebrero 22, 1987). Binasa ko at muling binasa ito, naantig ang damdamin ko, yamang ako’y dumanas ng pang-aapi sa mga taong nanunukso at nagtatawa sa mga nauutal. Sa wakas ay mayroon akong magasin na seryosong tumatalakay sa problemang ito at inihahanda ang mahusay na materyal tungkol sa masalimuot at bihirang-banggiting paksa. Sa pagbabasa ng materyal na ito, natutuhan ko ang tungkol sa mga doktor na nagdadalubhasa sa mga suliranin sa pagsasalita, at ngayon ako ay ginagamot ng isa sa kanila. Inaakala kong ang inyong kawani sa patnugutan ay karapat-dapat sa isang gantimpala sa literatura.

J.M. S., Brazil

Namamatay na mga Bata

Pinasasalamatan ko kung paano itinuro ng artikulong “Angaw-Angaw na mga Bata ay Namamatay” (Setyembre 22, 1988) ang mga hakbang na maaaring gawin ng mga magulang upang tulungan ang kanilang mga anak na manatiling malusog sa kabila ng hindi kaaya-ayang mga kalagayan. Totoo na ang pagpapasuso ng ina ay may kontraseptibong epekto. Gayunman, nababahala ako na ang ilan sa mga mambabasa ay baka maghinuha na ang pagpapasuso ng ina ay isang maaasahang kontraseptibo. Sa aking karanasan bilang isang nars komadrona, nasumpungan ko na ang mga inang nagtitiwala sa pagpapasuso bilang isang kontraseptibo ay kadalasang nagbubuntis.

A. S., Estados Unidos

Tama si A. S. Ang aming artikulo ay panlahatang nakatuon sa mga dako ng daigdig kung saan ang mga kontraseptibo ay kadalasang hindi nakukuha. Binabanggit lamang nito na ang pagpapasuso ng ina “ay waring inaantala ang pagsisimula ng regla.” Maaari itong sumala.​—ED.

Araling-Bahay ng Magulang

Para sa akin, isang ina at guro sa paaralan, ang Gumising! ng Setyembre 8, 1988, ay isang malaking tulong. Napukaw ko ang interes ng prinsipal sa paaralan sa paksang “Mga Magulang​—Kayo man ay May Araling-Bahay Din!” Sa isang miting ng mga magulang, pinuri niya nang labis ang materyal at ipinamahagi sa mga magulang ang mga papel kung saan sinipi niya ang maraming mungkahi na ginawa ng magasin. Pagkatapos ay ipinakita niya ang magasin, sinasabi sa kanila kung saan niya kinuha ang materyal.

M.G. S., Brazil

Glaucoma

Ang artikulo (Mayo 8, 1988) ay mahusay ang pagkakasulat at mahusay ang pagkakasaliksik. Ihaharap ko ito sa aming lingguhang miting ng mga kawani, at gagawin kong alisto ang aming 31 mga empleado upang mabigyan nila ng impormasyon ang aming mga pasyente tungkol sa ekselenteng tampok na artikulong ito.

D. D. S., MD, FACS, Direktor, Eye Center, Propesor ng Opthalmology, Estados Unidos

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share