Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g89 2/22 p. 10-11
  • Kapag ang Lahat ng Sanggol ay Magiging Malusog Na

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Kapag ang Lahat ng Sanggol ay Magiging Malusog Na
  • Gumising!—1989
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Isang Daigdig na Wala Nang mga Kulang-sa-Buwan
  • Normal Bang Makadama Nang Ganito?
    Kapag Namatay ang Iyong Minamahal
  • Isinilang na Maaga, Isinilang na Maliit
    Gumising!—1989
  • Magbigay ng Kaaliwan sa mga Namimighati
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2003
  • Kaginhawahan Mula sa “Diyos ng Buong Kaaliwan”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1995
Iba Pa
Gumising!—1989
g89 2/22 p. 10-11

Kapag ang Lahat ng Sanggol ay Magiging Malusog Na

MAGIGING isang krimen na itaboy ang isang tao mula sa kaniyang tolda at bag na tulugan sa isang malamig na gabi sa Artiko, pagtiisin siya sa mga elemento na suot lamang ang kaniyang kaunting panloob na kasuotan. Sa gayunding paraan, isang krimen na ang isang sanggol ay maaga sa panahon na ilabas mula sa kaniyang mainit, nagsasanggalang na dako sa loob ng bahay-bata bago pa siya handang humarap sa daigdig sa labas. Subalit sino o ano ang may pananagutan sa napakasamang krimen na ito?

Tiyak na hindi sasadyain ng mga magulang ang gayong kahirapan sa kanilang anak. Sa katunayan, hindi kayang pigilin ng ina ang kaniyang pagdaramdam sa panganganak kapag ito’y nagsimula, ito man ay mangyari sa kagampan ng sanggol o bago ang kagampan. Hindi nga nauunawaan ng mga eksperto sa medisina nang lubusan kung ano ang nagpapasimula sa pagdaramdam sa panganganak, maaga man sa panahon o husto sa buwan. Gayunman, ang nalalaman ay na may isang bagay ang naging napakasama sa pagkakataong iyon at ang bata ay itinutulak palabas sa isang daigdig na hindi pa ito nasasangkapang pamuhayan.

Kung bakit ito nangyayari ay ipinaliliwanag sa Bibliya. Ang kinasihang salmista ay sumulat: “Narito! Ako’y inanyuan sa kasamaan, at sa kasalanan ay ipinaglihi ako ng aking ina.” (Awit 51:5) Hinikayat ng isang mapaghimagsik na espiritung nilalang ang unang mag-asawang tao upang maghimagsik laban sa Diyos, at sila samakatuwid ay naging mga makasalanan. Sumala sila sa marka ng wastong pagsunod sa kanilang Maylikha. Kaya, lahat ng kanilang mga anak ay ipinaglihi sa kasalanan, o di-kasakdalan. (Roma 5:12) Ang bunga ay sakit at kamatayan, gayundin ang sarisaring diperensiya sa katawan, pati na sa sistema ng pagpaparami na kung minsan ay inilalabas nang wala sa panahon ang mahalagang bunga nito.

Isang Daigdig na Wala Nang mga Kulang-sa-Buwan

Kung napanatili ng tao ang kanilang kasakdalan, wala sanang mga sanggol na isinisilang na maaga sa kanilang panahon upang makaharap ang mga kasakunaan na nakakaharap ng napakaraming kulang-sa-buwan ngayon. At malapit nang dumating ang panahon kapag ang isang ina ay hindi na muling magsisilang nang maaga sa panahon. Ang kinasihang propeta Isaias ay sumulat tungkol sa panahong iyon, ibinibigay sa atin ang pangako ng ating maibiging Maylikha: “Ako’y lumilikha ng mga bagong langit at isang bagong lupa, at ang nakalipas ay hindi na maaalaala, at hindi na mapapasa-isip pa ng tao.”​—Isaias 65:17, The Jerusalem Bible.

Ang hula ng Bibliya sa Isaias ay patuloy na nagsasabi tungkol sa nakagagalak-pusong mga kalagayan na iiral sa bagong sanlibutan ng Diyos, na nagsasabi: “Ang tinig ng iyak ay hindi na maririnig pa sa kaniya; sa kaniya, hindi na magkakaroon ng sanggol na mabubuhay ng ilang araw lamang . . . Sila’y hindi gagawa ng walang kabuluhan o manganganak man para sa kasakunaan, sapagkat sila ang lahi na pinagpala ni Yahweh, at ang kanilang mga anak na kasama nila.”​—Isaias 65:19-24, JB.

Anong kasiya-siyang panahon nga iyon kapag ang lahat ng pagdurusa at pighati ay magiging isang lipas na alaala na lamang, kapag hindi na muling kakailanganin pa ang sukdulang mga hakbang pangmedisina at mga yunit sa masusing pangangalaga upang panatilihing buháy ang mga sanggol na isinilang na maaga sa panahon! Sapagkat ang di-kasakdalan ng tao ay mapaparam na sa panahong iyon sa pamamagitan ng dakilang paglalaan ng pantubos ng ating dakilang Diyos, hinding-hindi na muling ilalabas ang isang sanggol mula sa bahay-bata bago pa ito ganap na nasasangkapan upang tamasahin ang buhay sa kaganapan nito.​—Apocalipsis 21:3, 4.

[Kahon sa pahina 11]

Maaari Mong Kamtin ang Tunay na Kaaliwan

◆ Kung mamatay ang iyong anak, sikaping tanggapin ang tulong at pampatibay-loob mula sa mga kaibigan at mga kamag-anak. Marahil yaong mga namatayan ng anak ay makatutulong upang aliwin ka.

◆ Maaaring naniniwala ka sa pag-asa ng pagkabuhay-muli, subalit huwag kang mabahala kung ang paniniwalang iyon ay hindi nagdudulot sa iyo ng kagyat na ginhawa. Habang pinaghihilom ng panahon ang mga sugat na iyon, walang alinlangan, mapahahalagahan mo ang pag-asang makitang muli ang iyong mahal sa buhay.​—Isaias 25:8; 65:23; Juan 5:28, 29; 1 Corinto 15:25, 26.

◆ Sikaping magtiwala kay Jehova, “ang Diyos ng lahat ng kaaliwan.” (2 Corinto 1:3) Siya ang Isa na nagbigay ng daan upang “mapuksa niya ang isa na nagpapangyari ng kamatayan, samakatuwid nga, ang Diyablo.”​—Hebreo 2:14.

◆ Kung ikaw ay isang kaibigan ng nagdadalamhating mga magulang, baka makabubuting huwag sabihin na maaari naman silang magkaroon ng isa pang anak. Sa sandaling iyon, walang makahahalili sa sanggol na iyon. Makabubuti sa kasong ito na “makiiyak kayo sa mga nagsisiiyak.” (Roma 12:15) Ang pakikiramay mo sa kawalan at sa pagdadalamhati ng mga magulang ay maaaring magdulot ng ginhawa sa kanila, yamang ang pakikiramay sa dalamhati ay nakababawas dito.

◆ Wasto at nakatutulong na ipahayag ang dalamhati, kaya bigyan mo ang iyong sarili ng panahon upang lutasin ang mga damdamin ng dalamhati at kawalan. (Tingnan ang “Gumising!” ng Oktubre 22, 1985, “Kapag Namatay ang Mahal Mo sa Buhay,” at ng Agosto 8, 1987, “Pagharap sa Kamatayan ng Isang Anak.”)

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share