Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g89 4/22 p. 31
  • Mahalagang Pagsulong sa Abyasyón

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mahalagang Pagsulong sa Abyasyón
  • Gumising!—1989
  • Kaparehong Materyal
  • Ano ang Bagong mga Pagsulong sa Pagkuha ng Enerhiya?
    Gumising!—2005
  • Ano ang Maaaring Gawin?
    Gumising!—1989
  • Paano Nagkaroon ng mga Eroplano?
    Gumising!—1999
  • Nakalilitong Lagay ng Panahon
    Gumising!—1998
Iba Pa
Gumising!—1989
g89 4/22 p. 31

Mahalagang Pagsulong sa Abyasyón

NOONG tagsibol isang eruplanong Sobyet ang lumipad mula sa isang dako sa paliparan ng Moscow upang maging ang kauna-unahang komersiyal na eruplano na pinaaandar ng hidroheno sa halip ng halo-petrolyong gasolina para sa jet. Bagaman ang pangyayari ay binigyan ng kaunting publisidad sa Kanlurang daigdig, ito ay itinuring ng iba na makasaysayan. Inihambing ito ng isang kongresista sa E.U. sa paglulunsad ng Sputnik noong 1957.

“Minsan pa tayo ay naiwanan na,” sabi niya, “at maaasahan lamang natin na sana ang susunod na administrasyon ay magiging higit na interesado kaysa administrasyong ito sa paggamit ng hidroheno.”

Kapag ang halo-petrolyong gatong ay sinusunog, nagkakaroon ng mapanganib na mga dumi. Sa katunayan, ang gas na carbon dioxide na inilalabas ay nagpapangyari sa pangglobong pag-init ng ibabaw ng lupa, at ito ay maaaring magkaroon ng kapaha-pahamak na mga resulta sa buhay sa susunod na dantaon. Sa kabilang dako, ang produkto ng pagsunog ng hidroheno ng eruplanong pinaaandar ng hidroheno ay hindi nakapipinsalang singaw, kaya ang makina ng eruplanong Sobyet ay tinawag na “ganap na malinis sa ekolohiya.”

Ang eruplano ay nasasangkapan ng pantanging tangke ng gatong na naglalaman ng likidong hidroheno sa temperaturang -253° C. Habang iniinit ang likido, ito ay pinadaraan sa makina at sinusunog ng matinding init, gumagawa ng malakas na tulak. Subalit minsang ang gatong ay marahas na nasunog, ito ay lumilikha ng isang potensiyal na panganib, gaya ng inilalarawan ng pagsabog ng space shuttle na pinaaandar-hidroheno na Challenger noong 1986.

Ang Estados Unidos ay gumagawa ng isang eruplano na paaandarin ng hidroheno na may kakayahang lumipad kapuwa sa panlabas na kalawakan at sa loob ng atmospera. Ito ay pinanganlang Orient Express, yamang ayon sa teoriya ito ay makalilipad mula sa Washington, D.C., tungo sa Tokyo sa loob ng dalawang oras. Ang unang paglipad nito ay nakaiskedyul sa 1994.

[Picture Credit Line sa pahina 31]

Savfoto

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share