Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g89 10/22 p. 30
  • Mula sa Aming mga Mambabasa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mula sa Aming mga Mambabasa
  • Gumising!—1989
  • Kaparehong Materyal
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1990
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1990
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1989
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1989
Iba Pa
Gumising!—1989
g89 10/22 p. 30

Mula sa Aming mga Mambabasa

Mga Negosyante ng Kamatayan Anong kahibangan nga na magbigay ng isang milyon milyong dolyar sa bawat taon para sa mga armas, samantalang hinahayaang mamatay ang 14 na milyong mga bata dahil sa gutom! (Hunyo 8, 1989) Ang Gumising! ay gumagawa ng mabuting bagay sa paglalantad sa pagkalaki-laking krimen ng mga negosyante ng armas, samantalang ipinakikita kung paano malapit nang pasapitin ng Maylikha ang isang bagong sanlibutan kung saan maghahari ang kapayapaan at katiwasayan.

C. G. P., Pederal na Republika ng Alemanya

Ligtas na Pagkain May pananabik na binasa ko ang artikulong “Gawing Ligtas ang Inyong Pagkain” sa Hunyo 22, 1989, na Gumising! Halos isang taon at kalahati ang nakalipas, kami ay naglakbay sa isang banyagang bansa. Nagulat akong malaman na hinuhugasan nila ang mga pinggan ng mainit, may sabon na tubig subalit hindi ito binabanlawan bago patuyuin ang mga pinggan. Yamang hindi binabanggit ng inyong artikulo ang tungkol sa pagbabanlaw, ibig bang sabihin niyan na hindi ninyo ipinalalagay na ito ay kailangan?

S. B., Estados Unidos

Ang pagbabanlaw sa sinabunang mga pinggan ay isang mahalagang hakbang sa kalinisan, at pinahahalagahan namin ang pagbanggit ninyo nito.​—ED.

Nakapagtataka kung gaano karaming tao ang nag-iiwan ng pagkain sa temperatura ng silid ng mga ilang oras o hindi ginagawa ang payak na mga bagay na gaya ng paghuhugas ng kamay bago magluto. Nakarating na ako sa inyong punong tanggapan sa New York, at ako ay humahanga sa tuwina sa labis na kalinisan nito. Kailangang tularan nating lahat ang halimbawang iyon sa ating mga tahanan.

M. B., Estados Unidos

Kahindik-hindik na Pagtatanghal sa Langit Kamakailan lamang, tinanong ako ng aking apat-na-taóng-gulang na anak na babae kung saan galing ang kulog at kidlat. Sinagot ko siya subalit hindi ko masapatan ang kaniyang pagkamausisa. Tumingin ako sa mga aklat tungkol sa siyensiya subalit nasumpungan ko ang mga paliwanag doon na masyadong teknikal. Sinagot ng inyong artikulo (Mayo 22, 1989) ang aking mga katanungan sa isang malinaw at nauunawaang paraan. At anong laking impresyon ang ginawa ng mga larawang iyon sa aking mga anak! Pagkaraan ng mga ilang araw, ang kanilang mga kuwento bago matulog ay tungkol sa ‘kulog at kidlat.’

P.G., Pederal na Republika ng Alemanya

Genetikong Pagbabago Ako’y nag-aaral ng hortikultura o paghahalaman at katatanggap ko lamang ng aking sertipiko sa pagkateknisyan. Ang paksa sa aking eksamen ay “Genetic Manipulations.” Gunigunihin ninyo ang pagkagulat ko kinabukasan nang mabasa ko ang inyong artikulo (Hulyo 22, 1989) tungkol sa paksang iyon mismo. Ang impormasyon na inyong ibinigay ay maliwanag at pinakabago.

A. L., Pransiya

Tabako Ipinaliwanag ninyo ang mga panganib ng paninigarilyo sa maliwanag na paraan. (Hulyo 8, 1989) Ako’y isang maninigarilyo, at wala akong nakikitang masama sa bisyong iyon. Ano ba ang masama sa paninigarilyo sa isang responsableng paraan? Gaya ng isinulat ni Pablo, ‘Ibig kong gawin ang isang bagay subalit hindi ko maitigil ang paggawa ng isang bagay.’ Sa palagay ko, ang basta pagbanggit ng Kasulatan tungkol sa suliraning ito ay hindi sapat.

S. S., Pederal na Republika ng Alemanya

Maliwanag na ipinakikita ng pananaliksik sa medisina na walang “responsableng” paraan ng paninigarilyo. At ang bisyo ay tiyak na di-kanais-nais sa karamihan ng mga hindi naninigarilyo na sapilitang nilalanghap ang nakalalasong usok. Ang artikulo samakatuwid ay nagbibigay kapuwa ng maka-Kasulatang pangmalas tungkol sa paksa at ng makatotohanan, praktikal na mga hakbang upang tulungan ang mga maninigarilyo na daigin ang pagkasugapa sa nikotina. Kung uunawain ang konteksto, ang mga salita ni apostol Pablo na binanggit sa itaas ay nagpapakita na sa tulong ng Diyos, ang isa ay maaaring ‘sagipin’ mula sa lisyang gawa. (Roma 7:21-25)​—ED.

Pambansang mga Parke Talagang nasiyahan ako sa pagbabasa ng artikulong “Kung Paano Masisiyahan sa Inyong Pambansang mga Parke.” (Hunyo 22, 1989) Pinahahalagahan ko ngayon na ang mga landas sa pambansang mga parke ay para sa ating kaligtasan. Balang araw, makapupunta na tayo saanman nang walang takot sapagkat ang ating Dakilang Maylikha ay nangangako na gagawing isang ligtas at magandang paraiso ang lupa.

M. L., Estados Unidos

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share