Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g90 4/8 p. 9-11
  • Mga “Extraterrestrial”—Paghanap sa Kasagutan

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga “Extraterrestrial”—Paghanap sa Kasagutan
  • Gumising!—1990
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Ang Bibliya ay Sumasagot
  • Kumusta Naman ang Tungkol sa Buhay sa Ibang Planeta?
  • Hindi Tayo Nag-iisa
  • Mga “Extraterrestrial”—Ang Matagal Nang Napapangarap
    Gumising!—1990
  • Mga “UFO”—Mga Mensahero Mula sa Diyos?
    Gumising!—1996
  • Mga “Extraterrestrial”—Nasaan Sila?
    Gumising!—1990
  • Mabibigyan ng Maylalang ng Kahulugan ang Iyong Buhay
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1999
Iba Pa
Gumising!—1990
g90 4/8 p. 9-11

Mga “Extraterrestrial”​—Paghanap sa Kasagutan

NOONG Pebrero 17, 1600, isang lalaking nagngangalang Giordano Bruno ay sinunog nang buháy sa isang plasa sa Roma, Italya. Bakit? Ang kaniyang mga isinulat ay nakagalit sa simbahan. Kabilang sa iba pang mga bagay, itinuro niya na maraming tinatahang mga daigdig sa sansinukob. Noong ika-11 siglo, ipinahayag ng simbahan ang doktrinang iyon, ang pagkamarami ng mga daigdig, na isang hidwang paniniwala. Ang ituro ito ay nangangahulugan ng kamatayan. Namatay si Bruno.

Hanggan noong ika-19 na siglo, ang debate sa kung baga umiiral ang buhay sa iba pang mga daigdig ay dinala sa larangan ng relihiyon. Sa loob ng mga dantaon, iginiit ng relihiyosong mga lider at mga siyentipiko sa ilalim ng kanilang impluwensiya na ang lupa ang sentro ng sansinukob; na ang sansinukob ay nilikha noong 4004 B.C.E.; at marami pang ba.

Hindi kataka-taka, kung gayon, na ang maraming siyentipiko at iba pa ay walang gaanong paggalang sa relihiyon. At, dahil dito, marami ang nawalan din ng paggalang sa Bibliya, inaakalang ito ang pinagmulan ng lahat ng maling ideyang iyon. Malayung-malayo ito sa katotohanan.

Ang Bibliya ay hindi nag-aangking isang aklat-aralin sa siyensiya. Gayunman, tamang-tama ito pagdating sa paksa tungkol sa sansinukob o sa anumang siyentipikong bagay. Halimbawa, hindi kailanman sinasabi ng Bibliya na ang lupa at ang tao ang sentro ng sansinukob. Sa kabaligtaran, malinaw na ipinakita ng kinasihang mga manunulat nito kung gaano kaliit ang tao kung ihahambing sa pagkalawak-lawak na sansinukob.​—Awit 8:​3, 4.a

Kaya nga, sang-ayon sa Bibliya, may buhay ba roon?

Ang Bibliya ay Sumasagot

Sang-ayon sa Bibliya, ang extraterrestrial na buhay ay hindi lamang umiiral kundi saganang umiiral. Ito’y mas masalimuot, mas kawili-wili, at mas kapani-paniwala kaysa anumang bagay na napangarap ng mga ebolusyunista, mga manunulat ng science-fiction, at mga tagagawa ng pelikula. Tutal, ang isang extraterrestrial ay basta isang persona o nilikha na mula sa labas ng lupang ito at ng atmospera nito.

Ang mga siyentipiko ay nagtatanong kung maaari kayang may mga anyo ng buhay sa ibayo pa roon na hindi natin nakikita. Tinitiyak sa atin ng Bibliya na ang gayong mga nilikha ay umiiral nga. Subalit sila ay hindi mga produkto ng ebolusyon. Gaya ng lahat ng buhay sa sansinukob, sa anumang anyo, ang mga ito ay mula sa Bukal ng Buhay, ang Diyos na Jehova. Siya ay isang espiritung Persona, at siya ay lumikha ng laksa-laksang iba pang espiritung mga nilalang na iba’t ibang uri: mga anghel, mga kerubin, at mga serafin. Sila ay gumagawa ng iba’t ibang gawain at atas sa kaniyang masalimuot na makalangit na organisasyon.​—Awit 104:​4; Hebreo 12:​22; Apocalipsis 19:14.

Kumusta Naman ang Tungkol sa Buhay sa Ibang Planeta?

Iginigiit naman ng ilang kilalang tao sa relihiyon na ang Diyos ay hindi lilikha ng anumang daigdig nang walang layunin at na ang lahat ng tinatahang daigdig kung magkagayon ay may tumatahan. Iyan ba ang sinasabi ng Bibliya? Hindi. Ipinakikita ng Bibliya na malamang na ang Diyos sa puntong ito ay hindi lumikha ng matalinong mga tao sa anumang planeta maliban sa ating planeta. Bakit gayon?

Kung ang Diyos ay lumikha ng gayong mga tao, ginawa niya iyon bago niya nilalang sina Adan at Eva. Ang gayong mga nilikha ay alin sa nanatiling tapat sa kanilang Maylikha, o gaya nina Adan at Eva, ay nagkasala at nahulog sa di-kasakdalan.

Subalit kung sila ay naging di-sakdal, nangangailangan sila ng isang manunubos. Gaya ng pagkakasabi rito ng isang sumusulat ng sanaysay: “Taglay ng isa ang nakatatakot na kaisipang ito na noong Biyernes [ang araw nang patayin si Jesu-Kristo], tuwing Biyernes, may dako sa sansinukob kung saan si Jesus ay binibitin para sa kasalanan ng isa.” Subalit iyan ay hindi maka-Kasulatan. Sinasabi sa atin ng Bibliya na si Jesus “ay namatay patungkol sa kasalanan na minsan at magpakailanman.”​—Roma 6:10.

Kumusta naman kung ang mga nilikhang ito ay nanatiling tapat? Bueno, nang sina Adan at Eva ay magkasala, sa katunayan, kanilang pinag-alinlanganan ang karapatan ng Diyos na mamahala sa daigdig ng matatalinong tao. Kung may iba pang planetang umiiral noong panahong iyon, isang daigdig na punô ng matatalinong tao na namumuhay na kasuwato at tapat sa ilalim ng pamamahala ng Diyos, hindi kaya sila tawagin ng Diyos bilang mga saksi upang patunayan na ang pamamahala ng Diyos ay talagang kapaki-pakinabang? Ang konklusyong ito ay waring hindi maiiwasan, yamang ginamit na niya kahit na ang di-sakdal na mga tao bilang mga saksi sa kaniyang kapakanan sa mismong usaping iyan.​—Isaias 43:10.

Nangangahulugan ba iyan, kung gayon, na nilikha ng Diyos ang lahat ng di-mabilang na milyun-milyong araw (at mga planeta kung ito’y umiiral) nang walang layunin? Hindi. Bagaman nalalaman natin, dahil sa pagiging walang katulad ni Jesu-Kristo, na ang lupa ang tanging tinatahang planeta sa sansinukob ngayon, at bagaman nalalaman din natin, na ito ay mananatiling natatangi magpakailanman bilang ang planeta kung saan ipinagbangong-puri ng Maylikha ang pagiging matuwid ng kaniyang pamamahala, kung ano ba ang maaasahan natin sa hinaharap ay hindi natin alam.

Hindi Tayo Nag-iisa

Sa araw-araw, taun-taon, patuloy na ginagalugad ng mga astronomo sa SETI ang kalangitan para sa mga palatandaan mula sa intelihenteng buhay. Inaakala nilang ang kanilang pananaliksik ay maaari pang kumuha ng isa pang dekada, o maaari itong kumuha ng isang dantaon. Anong laking kabalintunaan! Ginugugol nila ang kanilang buhay, ang kanilang pag-asa, at pagkarami-raming pera sa paghahanap ng isang tanda na tinanggap na ng sangkatauhan mga dantaon na ang lumipas. Sapagkat ang Bibliya mismo ay isang mensahe mula sa isang Matalinong extraterrestrial, at ito’y nakahihigit sa lahat ng paraan sa mga tanda na naguguniguni kahit na ng pinakaoptimistikong mga siyentipiko.​—Tingnan ang kahon sa pahina 10.

Paano tumugon ang tao sa tanging tunay na mensaheng extraterrestrial? Sa pangkalahatan, paano ba tumutugon ang mga tao sa Bibliya? Hindi nila ito pinapansin. Sadyang ikinakapit nila ito nang di-wasto sa kanilang sariling layunin. Hinahamak nila ang Nagpadala nito sa pamamagitan ng katakut-takot na pagtatanghal ng walang-saligan at mapamahiing mga turo. Tinatawag pa nga nila itong isang pandaraya at ikinakaila ang pag-iral mismo ng Nagpadala nito. Hindi na kailangan pang sabihin, ang ating Maylikha ay hindi nalugod sa tugon ng sangkatauhan. Gayunman, patuloy pa rin siyang nakipagtalastasan. Sa pamamagitan ng kaniyang Salita, tinuturuan niya ang angaw-angaw na mga tao ngayon sa mga daan ng kapayapaan. Kinakatawan ng mga taong ito si Jehova at dinadala nila ang kaniyang mga salita sa sanlibutan. Subalit maliit na minoridad lamang ng sangkatauhan ang nakikinig sa kanila. Ang sanlibutan sa pangkalahatan ay ayaw makinig.​—Isaias 2:​2-4; Mateo 24:14.

Gayunman, mabuti naman, ang bawat isa sa atin ay maaaring makipagtalastasan sa pinakadakilang Persona sa sansinukob, at ito ay nang walang tulong ng magastos na teknolohiya, hindi na kailangan pang maghintay ng mga taon upang ang mga mensahe ay makatawid sa kalawakan. Maaari kang makinig ngayon sa pamamagitan ng pag-aaral ng iyong Bibliya at patunayan sa iyong sarili kung ito nga ay talagang galing sa isang nakahihigit sa taong Pinagmumulan. Maaari kang tumugon sa pamamagitan ng panalangin at sa paraan ng iyong pamumuhay. Tayo ay hindi nag-iisa. Ang ating Maylikha ay nangangako na “siya ay hindi malayo sa bawat isa sa atin.”​—Gawa 17:​27; tingnan din ang 1 Cronica 28:9.

Hindi rin niya tinapos ang pakikipagtalastasan sa mga tao. Ipinangako niyang lubusang baguhin ang landasin ng kasaysayan ng daigdig, upang wakasan ang mapusok na pagtungo ng tao sa pagkawasak-sa-sarili sa pamamagitan ng ganap ng pag-aalis sa hindi gumaganang sistema ng mga bagay na ito at halinhan ito ng isang pamahalaan na siya ang may gawa, isa na talagang kikilos sa ikabubuti ng lahat. (Daniel 2:​44; Isaias 9:​6, 7) Oo, ang susunod na pakikipagtalastasan mula sa pinakadakilang extraterrestrial na Talino ay sinasabing darating sa anyo ng pagkilos, hindi sa mga salita.​—2 Tesalonica 1:​6-9.

[Talababa]

a Para sa katibayan na ang Bibliya ay kasuwato ng napatunayang siyensiya, pakisuyong tingnan ang aklat na Ang Bibliya​—Salita ng Diyos o ng Tao? na inilathala ng Watchtower Bible and Tract Society of New York, Inc.

[Kahon sa pahina 10]

Mga Mensahe na Ang Mensahe Hindi Nila

Inaasahan ng mga Pinapansin​—ang Salita

Siyentipiko sa Paghahanap ng Diyos, ang Bibliya:

Nila ng “Extraterrestrial”

na Talino:

*Maaaring maling mga hudyat, *Talagang galing sa isang

yamang ito’y karaniwan; nakahihigit sa taong

posibleng mga panlilinlang. extraterrestrial na Talino.

​—Isaias 55:​9;

2 Timoteo 3:16.

*Maaaring mag-alok ng *Talagang kasalukuyang

edukasyon at ng mga nagbibigay ng edukasyon sa

pakinabang ng milyun-milyong angaw-angaw, taglay ang mga

taon ng karanasan. pakinabang ng karunungang

mas matanda pa sa

sansinukob.​— Job 36:​26;

Awit 103:​14; Isaias 48:​17;

Apocalipsis 4:11.

*Maaaring magturo sa atin *Talagang nagtuturo ng

na iwasan ang nuklear na kapayapaan sa angaw-angaw

pagkalipol sa apoy at ang ngayon; ang Autor nito ay

lahat ng digmaan. nangangakong iingatan ang

lupa magpakailanman at

lilipulin ang mga

nagwawasak nito.​—Awit 104:​5;

Isaias 2:2-4; Apocalipsis 11:18.

*Maaaring mag-alok ng lunas *Ipinakita ng Autor nito ang

sa mga sakit at maging sa kaniyang kakayahang lunasan

kamatayan; kamatayan lamang ang lahat ng sakit; siya’y

dahil sa aksidente ang mananatili. nangangakong wawakasan ang

kamatayan at aalisin ang mga

epekto nito, pinangyayari ang

buhay na walang hanggan.​—

Lucas 7:​22; Juan 20:​30, 31;

Apocalipsis 21:4.

*Maaaring wakasan ang *Ngayon pa ang Autor ng

‘pansansinukob na kalungkutan’ Bibliya ay “hindi malayo sa

ng tao. bawat isa sa atin.”

​—Gawa 17:27.

*Maaaring imposibleng isalin; *Ay madaling kunin ng

kukuha ng libu-libo​—marahil sambahayan ng tao. Maaari

milyun-milyong​—taon upang nating basahin ito ngayon at

tumugon at makipag-usap. tumugon. Ang ating mga

mensahe ay agad tinatanggap.

​—Juan 17:​3; 1 Tesalonica 5:​17;

1 Pedro 3:12.

*Lahat ng nabanggit ay *Ang ating pananampalataya

salig sa haka-haka at sa nabanggit sa itaas ay

pala-palagay. salig sa katibayan at

katuwiran.​—Hebreo 11:1.

[Larawan sa pahina 11]

Maaari tayong makipagtalastasan sa pinakadakilang Persona sa sansinukob

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share