Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g90 5/8 p. 10-12
  • Malapit Na ba ang Wakas ng Polusyon?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Malapit Na ba ang Wakas ng Polusyon?
  • Gumising!—1990
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Lupa​—Idinisenyo Upang Linisin ang Sarili?
  • Pag-alis sa Polusyon sa Moral
  • Droga, Pambubugbog, at Tagumpay
  • Isang Malinis na Lupa​—Isang Katiyakan
  • Iniibig ng Diyos ang mga Taong Malinis
    Manatili sa Pag-ibig ng Diyos
  • Polusyon—Sino ang Pinagmumulan Nito?
    Gumising!—1990
  • Ang Polusyon ay Susugpuin—Nang Lubus-lubusan!
    Gumising!—1988
  • Gusto ni Jehova na Maging Malinis ang Bayan Niya
    Kung Paano Mananatili sa Pag-ibig ng Diyos
Iba Pa
Gumising!—1990
g90 5/8 p. 10-12

Malapit Na ba ang Wakas ng Polusyon?

ANG pag-asa tungkol sa isang malinis na lupa ay tunay na kasiya-siya. Ngunit ito ba ay makatotohanan? Bueno, ang ilang bansa ay nagsisikap na mainam na pagbutihin ang kalagayan kung tungkol sa polusyon. Isang pagbaba sa polusyon ng hangin ay iniuulat ngayon dahil sa mahigpit na mga hakbang upang kontrolin ang nilalamang tingga sa mga usok mula sa mga tambutso ng kotse. Sa ilang dako, ang polusyon mula sa industriya ay tila bumaba rin. Ito, gayunman, ay hindi laging dahilan sa mahigpit na pamamahala. Bagkus, ito kung minsan ay bunga ng pag-aayos na muli ng industriya dahil sa suliraning pangkabuhayan ng daigdig.

Lupa​—Idinisenyo Upang Linisin ang Sarili?

Karagdagan pa, may likas na mga mekanismo sa paglilinis na kumikilos. Halimbawa, ang maliliit na halamang-dagat (phytoplankton) ay isa sa mahalagang elemento ng dagat laban sa polusyon, sang-ayon kay Dr. Aubert ng Medical Oceanography Center sa Nice, Pransiya. Ang pagkaliliit na mga organismong ito ay naglalabas ng likas na mga antibiotic na sumisira sa impeksiyon. Sa kasamaang-palad, ang mga ito ay nadadaig. Sa Italya, ang Venice at ang kalapit na Dagat Adriatico ay napuno ng algae. Sa Adriatico ang polusyon ay gumagawa ng “algae, isang mabaho at malansang jelly, dilaw, kayumanggi at kulay-abó, na kumakalat patimog ng daan-daang kilometro” sa tag-araw. (The Globe and Mail, Toronto, Canada) Ang isang salik ay ang paagusan ng tubig mula sa ilog Po, “na may dumi ng imburnal mula sa mahigit 15 milyong tao, basura mula sa maraming malalaking industriya ng Italya . . . at ang dumi ng mahigit na limang milyong baboy.”

Kumusta naman ang tungkol sa polusyon ng lupa? Isinisiwalat ng pananaliksik ng isang malaking kompaniya ng kemikal na kaugnay ng Kagawaran ng Enerhiya ng E.U. ang maraming uri ng baktirya, fungi, at mga amoeba sa lupa, hanggang 260 metro sa ilalim ng lupa. Si Dr. David Balkwell ng Florida State University ay nagsabi: “Ang mga organismong ito sa kalaliman ay maaaring dumadalisay sa aquifer [likas na tubig sa lupa].” Gayunman, inaasahan ni Dr. Balkwell na magaganyak ng mga genetikong inhinyero ang subterranean na mga organismong ito na “kainin ang espisipikong mga tagapagparumi.”

Makatotohanan, gayunman, dapat tayong maghinuha na ang kasalukuyang kalagayan ay waring hindi nagpapakita ng mabilis na wakas sa pisikal na pagpaparumi sa lupa. Gayunman, makatitiyak tayo na malapit na ang wakas ng polusyon. Bakit?

Pag-alis sa Polusyon sa Moral

Upang ang planeta ay maging isang tunay na malinis na tahanan para sa sangkatauhan, ang mga maninirahan nito ay dapat na maging malinis na mga tao, sa moral gayundin sa pisikal. Dapat na mapagtagumpayan ng mga tao ang kanilang pagkamaka-ako at magkaroon ng walang pag-iimbot na mga katangian, na nagpapakita ng konsiderasyon sa kanilang mga kapuwa-tao at sa kanilang kalapit na mga hayop. Magagawa ba ito?

Sa nakalipas na mga dekada, nasumpungan ng mga Saksi ni Jehova na magagawa ito. Inilagay nila sa pagsubok ang umuugit-pagkatao na kapangyarihan ng Bibliya, at nasumpungan nila na ang aklat na ito ay may kapangyarihang baguhin ang mga tao, taglay ang kapaki-pakinabang na mga epekto sa kapaligiran. Halimbawa, ang mga opisyal sa istadyum ay nagpakita ng interes sa kaayusan at kalinisan ng maraming taong dumadalo sa malalaking kombensiyon ng mga Saksi ni Jehova. Ang madalas na komento ay na ‘ang istadyum ay iniiwang mas malinis kaysa nang ito’y pasukin ng mga Saksi.’

Isang kawani sa isang sports complex sa Lisbon, Portugal, ay nagsabi sa isa sa mga Saksi ni Jehova: “Kapag ako’y tinatanong ng mga tao kung ano ang palagay ko sa inyo, hindi ako makapagsinungaling. Sinasabi ko sa kanila na ang mga Saksi ni Jehova ay may mabubuting ugali, may kalinisan at organisayon. . . . Kung sakaling mayroon kayong madumhang isang bagay, nililinis ninyo ang 99!”

Ang paggiit ng mga Saksi sa pisikal na kalinisan ay nauugnay sa kanilang mataas na mga simulain sa moral. Anong mga simulain? Yaong nakabalangkas sa Bibliya, na siyang nasusulat na Salita ng Diyos. Tungkol sa mga nagsisibalik sa dating kasamaan, ang Bibliya ay nagsasabi na ang mga lakad ng Diyos ay ‘mas mataas kaysa kanilang mga lakad, at ang kaniyang mga pag-iisip kaysa kanilang mga pag-iisip.’ (Isaias 55:​7-9) Gayunman, maaari nating matutuhan ang mga lakad ng Diyos sapagkat inilalaan ng Diyos ang kaniyang mga batas doon sa mga nagnanais mamuhay sa mga ito. Ang edukasyon mula sa Diyos ay mahalaga para sa ating kinabukasan.

Angaw-angaw na mga Saksi ngayon ang nagsusumikap na mamuhay sa malinis na mga pamantayang moral na ito, at sila’y nakikinabang nang husto. Gayunman, para sa marami, ito ay nangahulugan ng malaking pagbabago sa kanilang mga pag-uugali at mga istilo-sa-buhay.

Droga, Pambubugbog, at Tagumpay

Kunin halimbawa ang kaso ni Marie, isa sa pamilya na binubuo ng 13 mula sa magulong lugar sa isang lungsod sa Inglatera.

“Ang aking pamilya ay kilala sa pagiging siga, at gaya ng iba sa kanila, ako’y kilalang siga. Sa gulang na 15 taon, ako’y nakunan. Pagkalipas ng dalawang taon, isinilang ang aking anak na babae, at ako mag-isa ang naiwang mangalaga sa kaniya. Ang aking nobyo ay nakapiit sa isang [correctional] school. Tumakas siya, at ako ay muling nagdalang-tao. Sinubok ko ang lahat ng paraan upang wakasan ang pagbubuntis na ito at sa wakas ay nagtagumpay ako, subalit halos ikamatay ko.

“Ang aking nobyo ay nagsimulang humitit ng marijuana at naging napakarahas sa akin, kahit na ako ay nagdadalang-taong muli. Ako man ay nasangkot, kapuwa sa pahitit at pagbibili ng damo. Ngayon ako ay nakatira sa isang bahay na punung-puno ng mga kalapating mababa ang lipad. Ako ang nag-aalaga ng kanilang mga anak.

“Nang ako’y magkagusto sa ibang lalaki, inihinto ng aking unang nobyo ang ugnayang iyon sa pamamagitan ng pagsaksak sa kaniya ng walong beses. Dahil diyan siya ay muling naaresto. Pagkalaya niya sa bilangguan kami ay nagpakasal at kaming dalawa ay lubhang napasangkot sa droga.”

Pagkatapos makipagkita sa mga Saksi ni Jehova at makipag-aral sa kanila ng Bibliya, ang kabataang ito ay nagsimulang dumalo sa mga pulong Kristiyano at unti-unting nagkaroon ng pagbabago. Sabi ni Marie:

“Natanto ko na ang paninigarilyo at ang pagdodroga ay masama. Pagkatapos kong sabihin sa aking asawa na ihihinto ko na ang lahat ng ito, ibubuga niya sa mukha ko ang usok ng kaniyang marijuana, tinutukso akong magbalik sa pagdodroga. Nagdalang-tao na naman ako. Pagkatapos, ang aking asawa ay hindi na umuuwi ng bahay sa buong magdamag.

“Pagkalipas ng walong buwan kinuha niya ang lahat ng kaniyang mga gamit sa bahay at iniwan ako. Nanalangin ako kay Jehova na tulungan akong mabata ito, at tinulungan naman niya ako. Pagkatapos, pagkaraan ng tatlong buwan, nagbalik ang aking asawa. Nanalangin ako para sa lakas na gawin kung ano ang tama. Minsan pa’y sinikap kong gawing matagumpay ang aking pag-aasawa, subalit sa loob ng anim na buwan ako ay may 14 na tahi sa paligid ng aking mata, bunga ng karahasan ng aking asawa; ang droga pa rin ang kaniyang unang pag-ibig. Ang aming bahay ay naging pangunahing bodega ng droga sa buong dakong iyon. Punung-puno ito ng mga ‘kaibigan’ niya, karamihan ay langong-lango sa droga.

“Sa tulong ni Jehova, naglakas-loob ako at hinarap ko ang mga lalaki. Magalang kong hiniling na lumabas sila kung nais nilang magpatuloy sa paghitit ng kanilang droga. Nang marinig iyon ng aking asawa, hindi siya nakapagpigil, tinawag niya ako sa kusina, at iniuntog ang ulo ko sa dingding. Sinikap kong sabihin sa kaniya na ako’y nababahala sa kaniyang mga anak at nais ko silang bigyan ng pagkakataon na lumaki sa isang malinis, kaaya-ayang kapaligiran. Binulyawan ng asawa ko ang kaniyang mga kaibigan. Naghintay ako, na nananalangin. Pumasok siyang muli sa kusina, at akala ko papatayin niya ako.

“Gayunman, mula noon, ang mga bagay ay lubhang huminahon. Nang dakong huli kami ay lumipat. Kapag dumadalaw ang mga sugapa sa droga, hindi na sila nagmumura o nag-uusap tungkol sa kanilang imoral na mga buhay na gaya ng dati. Sa wari’y may paggalang na sila sa amin.”

Ang paninindigan ni Marie sa malinis na moral at hindi maruming buhay ay nakaantig sa puso ng kaniyang asawa, at siya man sa wakas ay nakipag-aral ng Bibliya sa mga Saksi ni Jehova. Si Marie at ang kaniyang asawa ay kapuwa bautismadong mga Saksi na ngayon at abalang tumutulong sa iba na linisin ang kanilang buhay sa tulong ng kaalaman ng Bibliya. Sabi ni Marie:

“Kapag naririnig kong nananalangin ang aking asawa, o kapag naririnig ko siyang nagpapahayag ng kaniyang pag-ibig kay Jehova, gayon na lamang ang tibok ng puso ko! Ang pagbabago ng kaniyang hitsura ay pinagtatakhan ng kaniyang dating mga kaibigan. Ngayon ang aming pamilya ay talagang nagkakaisa. Kailanman ay hindi pa ako nakadama ng labis na kaligayahan, at hindi ako humihinto sa pagpapasalamat kay Jehova sa paghango niya sa amin mula sa maruming sistemang ito ng mga bagay.”

Isinisiwalat ng tagumpay na iyon ng paglaban sa polusyon sa moral ang kapangyarihan ng Salita ng Diyos. Higit pa riyan, itinuturo nito ang pag-asa sa isang maagang wakas ng lahat ng uri ng polusyon. Ano ba ang sinasabi ng Bibliya tungkol dito?

Isang Malinis na Lupa​—Isang Katiyakan

Isinisiwalat ng isang maingat na pag-aaral ng Bibliya na tayo ay nabubuhay na sa “mga huling araw” ng kasalukuyang sistema ng mga bagay. (2 Timoteo 3:​1-5) Ang kalagayan ng kapaligiran ay isa lamang piraso ng katibayan na nagpapatunay rito. Ano ang ibig sabihin nito tungkol sa ating pag-asa sa isang malinis na lupa?

Nangangahulugan ito na malapit nang makialam ang Diyos sa mga suliranin ng tao. Hindi na magtatagal at kikilos siya sa makapangyarihang paraan upang alisin ang lahat ng moral at pisikal na polusyon mula sa ating planeta. Sa aklat ng Apocalipsis siya ay nangangako na “ipapahamak yaong mga nagpapahamak sa lupa.”​—Apocalipsis 11:18.

Tunay, ang Diyos lamang ang may kapangyarihan na magpangyari ng isang malinis, walang polusyong lupa. Kapana-panabik na malaman na nilalayon niyang gawin ang gayon. Kapag kumilos na siya, sa malapit na hinaharap, ito’y magiging gaya ng sabi niya mismo: “Narito! Ginagawa kong bago ang lahat ng bagay.” (Apocalipsis 21:5) Pagkatapos, sa wakas, ang ating planeta ay magiging angkop na tahanan para sa malinis, matuwid na mga tao, na masisiyahan sa kasaganaan nito magpakailanman.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share