Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g90 6/22 p. 30
  • Mula sa Aming mga Mambabasa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mula sa Aming mga Mambabasa
  • Gumising!—1990
  • Kaparehong Materyal
  • Mga Kabataan Ngayon—Madaling Mabiktima ng Satanismo?
    Gumising!—1994
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1990
  • Isang Nakamamatay, Lumalagong Panganib
    Gumising!—1989
  • Dapat Bang Maimpluwensiyahan ng Zodiac ang Iyong Buhay?
    Gumising!—2000
Iba Pa
Gumising!—1990
g90 6/22 p. 30

Mula sa Aming mga Mambabasa

Pagkabingi Nabasa ko ang inyong balita tungkol sa pagkabingi sa “Pagmamasid sa Daigdig.” (Oktubre 22, 1989) Totoo na nakasisira sa pandinig ang napakalakas na musika. Hindi ako nakikinig kapag sinasabi sa akin ng mga tao na hinaan ko ang aking pinakikinggang musika. Ngayo’y pinagbabayaran ko ang hindi ko pakikinig sa kanila. Ako’y 19 anyos at ang pagkabingi ay napakasakit.

K. G., Estados Unidos

Astrolohiya Ang inyong artikulo tungkol sa astrolohiya (Nobyembre 22, 1989) ay nagsasabing ang Silangan at Kanlurang astrolohiya ay kapuwa hinahati ang zodiac sa 12 bahagi at pinapanganlan ang bawat buwan sa isang hayop. Ito ay mali. Ang kanluraning astrolohiya ay nag-aatas ng isang tanda ng zodiac sa bawat buwan. Subalit sa Silangan, ang mga tanda ay kumakapit sa buong taon.

C. B., Pransiya

Totoo na ang isang siklo ng 12 hayop (bawat hayop ay kumakatawan ng isang taon) ay karaniwang ginagamit ng mga Intsik upang ituro ang taon ng kapanganakan ng isa. Kaya isang popular na kaugalian para sa isang Intsik na tukuyin ang kaniyang sarili na kabilang sa ‘taon ng baka’ o anumang sagisag noong taon na siya’y isilang. Gayunman, gaya ng binanggit sa aming artikulo, ang 12 hayop ring ito ay ginagamit din upang tumukoy sa astrolohikal na mga siklo ng 12 oras, araw, at buwan.​—ED.

Mga Reaksiyon ng Mambabasa sa Labas na “Satanismo” Sa labas ng Pebrero 22, 1990, isang mambabasa ang nagpahayag ng pagkasindak sa pabalat ng magasin tungkol sa Satanismo. (Oktubre 22, 1989) Noong ako’y bata, isinangkot ako ng aking mga magulang sa Satanismo sa pinakamasama at pinakamarahas na mga aspekto nito. Ang alaalang iyon ay napatimo sa isipan, napipigil sa loob ko hanggang nitong taóng ito, at ngayon pa lamang ako seryosong nanlalaban dito. Talagang natulungan ako ng magasing iyon. At pinahahalagahan ko ang pabalat. Ang Gumising! ay dapat na gumising sa mga tao! Nang iniaalok namin ang magasin sa aming gawaing pangangaral, nasumpungan namin na walang sinuman ang tumanggi sa labas na iyon. Maaaring makapagpasakamay kami ng daan-daan pa!

L. H., Estados Unidos

Labis akong nagpapasalamat sa impormasyong inyong inilathala tungkol sa Satanismo. Ako’y lubhang napasangkot sa Satanismo bilang isang bata. Ang mga kakilabutang dinanas ko ay di-masabi. Subalit nakagiginhawang malaman na hindi ko kailangang ikaila ang aking kahapon bilang isang biktima ng pag-abuso sa ritwal at na maaari ko pa ring kamtin ang pagsang-ayon ng Diyos. Hindi pinagtakpan ng mga artikulo ang mga katotohanan. Ang mga bata ay pinahihirapan, hinahalay, at pinapatay. Kailangang malaman ng mga tao na ito’y nangyayari!

P. M., Estados Unidos

Kasibulanggulang Salamat sa iyong artikulong “Ang mga Kabataan ay Nagtatanong . . . Ano ang Nangyayari sa Aking Katawan?” (Enero 22, 1990) Ang nanay ko ay namatay nang ako ay dalawang taon, at nang magsimula ang aking siklo ng pagreregla, wala akong mapagsabihan nito. Ang aking tatay ay masyadong mahiyain, at ako naman ay totoong mapagmataas upang makinig sa aking ate. Mas matanda na ako ngayon, subalit marami pa rin akong hindi nalalaman. Ipinaliwanag ito sa akin ng iyong artikulo na mas mahusay kaysa karamihan ng mga aklat. Salamat sa inyong pag-unawa sa kung ano ang aming nadaranasan.

D., Estados Unidos

Mga Biyenan Mula nang kami ng mister ko ay magpakasal mahigit na sampung taon ang nakalipas, panay away na lang ang nangyari sa aming magbiyenan. Gaya ng inihula ni Jesus, dumami pa ang mga problema pagkatapos ng aking pag-aalay kay Jehova halos limang taon na ang nakalipas. (Mateo 10:35) Sa nakalipas na buwan, ang alitan ay tumindi pa hanggang sa punto na ako ay nagkakasakit kung minsan. At hindi ko masabi ang laki ng aking pagpapasalamat sa mga artikulo tungkol sa mga biyenan. (Pebrero 22, 1990) Napakaraming matalinong unawa ang inilalaan tungkol sa mga damdamin at mga pangamba ng biyenang-babae anupa’t nauunawaan ko ngayon kung bakit ang ilang mga bagay ay sinabi at ginawa noon. Taglay ang higit pang pagpapagal sa aking bahagi, marahil balang araw tayong lahat ay magiging magkaibigan.

J. P., Estados Unidos

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share