Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g95 5/8 p. 31
  • Isang Alimango na May Pambihirang Lasa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Isang Alimango na May Pambihirang Lasa
  • Gumising!—1995
  • Kaparehong Materyal
  • Isa sa Pinakakapaki-pakinabang na Nuwes sa Lupa
    Gumising!—2003
  • Pagkatuto Mula sa mga Jarawas
    Gumising!—1990
  • “Punong Kapaki-pakinabang sa Lahat Para sa Tao”
    Gumising!—1993
  • Aralin 6
    Mga Leksiyon Ko sa Bibliya
Iba Pa
Gumising!—1995
g95 5/8 p. 31

Isang Alimango na May Pambihirang Lasa

Ng kabalitaan ng Gumising! sa Solomon Islands

ANG alimangong niyog​—eksotiko ba ang dating sa iyo?a Ito’y masusumpungan sa ilan lamang dako, kasali na ang mga isla ng New Georgia, bahagi ng Solomon Islands.

“Alimangong niyog? Oo, mayroon dito,” sabi ng tagaroon, “ngunit kailangan mong maghanap sa gabi.” Ang mga alimangong ito na lumalabas sa gabi ay nagtatago sa loob ng nabubulok na mga punungkahoy sa masukal na kagubatan sa araw. Lumalabas sa gabi, sila’y kumakain, oo, ng mga niyog, na inaalis ang mga bunot ng niyog sa pamamagitan ng kanilang malakas na mga sipit, subalit kumakain din sila ng sari-saring malalambot na luntiang pananim. Upang makita ang nakapagtatakang nilalang na ito, dapat hanapin ng isa ang mga palatandaan ng mga bunot ng niyog na naiwan sa pasukan ng maiitim na hukay sa nabubulok na mga katawan ng bumagsak na mga punungkahoy.

Ipinaliliwanag ng mga taga-isla na kung Hunyo at Hulyo, ang mga alimango ay humuhukay ng lungga sa ilalim ng lupa, at doon, pagkatapos maghunos ng kanilang panlabas na balat, sila’y gumagawa ng isang bago, mas malaking kalasag bago lumabas. Yamang ang ilang alimangong niyog ay nabubuhay nang hanggang 50 taon, mapahahalagahan ng isa kung bakit ang mga ito’y lumalaki nang gayon na lamang. Habang nagmamasid ako, lumabas ang isa mula sa lungga nito, na ang sukat ng paa ay halos 50 centimetro.

Nakalulungkot nga, ang wari bang kaligtasan ng kanilang lunggang pinaghuhunusan ay walang depensa laban sa manghuhuli, na nakikilala ang kahulugan ng bilugang hukay sa lupa na nagtatanda sa simula ng lungga. Kapagdaka ang walang kalaban-labang nilalang ay hinahatak palabas, tungo sa mesa ng dalubhasa sa pagkain. Gustung-gusto ng mga restauran sa Asia ang alimangong ito, lalo na ang laman nito sa malambot, bilog, at mahinang likurang bahagi nito.

Kaya dito sa Solomon Islands, ang posibilidad na ang alimangong niyog ay malipol ay totoong nakababahala. Ang Kagawaran ng Pangingisda ay nagtatakda sa bilang ng nangingitlog na mga babaing alimango at sa laki ng alimango na maaaring iluwas ng bansa. Ang iba ay nagmungkahi ng paggawa ng mga palaisdaan na mula rito ay maaaring pakawalan ang mga alimango sa kanilang likas na tirahan. Subalit higit pang pananaliksik ang kakailanganin, yamang hindi pa sapat ang nalalaman tungkol sa kanilang mga kaugalian sa pagpaparami.

Ang kaso ng umuunting populasyon ng alimangong niyog ay lalo pang nagdiriin sa pangangailangan para sa isang pandaigdig na sistema na magtatatag ng isang timbang na kapaligiran. Sa ilalim nito, ang bawat isa sa kamangha-manghang makalupang nilalang ng Diyos ay makagaganap ng kaniyang bahagi sa pagtupad sa hula ng Awit 148:5-10: “Purihin nila ang pangalan ni Jehova; sapagkat siya mismo ang nag-utos, at sila’y nalikha. . . . Purihin ninyo si Jehova mula sa lupa, . . . ninyong nagsisiusad na bagay at mga ibong lumilipad.”

[Mga talababa]

a Kilala rin bilang robber crab.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share