Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g95 6/8 p. 23
  • Ang Iyong Kotse—Kanlungan o Bitag?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Iyong Kotse—Kanlungan o Bitag?
  • Gumising!—1995
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • MGA SAGOT:
  • Kung Paano Bibili ng Segunda Manong Kotse
    Gumising!—1996
  • Ligtas na Kumpunihin ang Iyong Sasakyan
    Gumising!—2004
  • Likas na mga Sakuna—Pagtulong sa Iyong Anak na Harapin Ito
    Gumising!—1996
  • Paano Ko Makukumbinsi ang Aking mga Magulang na Handa na Akong Magmaneho?
    Gumising!—1989
Iba Pa
Gumising!—1995
g95 6/8 p. 23

Ang Iyong Kotse​—Kanlungan o Bitag?

“Pagkatapos ng halos bawat sakuna,” babala ng FEMA (U.S. Federal Emergency Management Agency), “nasumpungan ng mga pangkat ng tagapagligtas na ang mga biktima ay maaari sanang nakaligtas kung batid lamang nila kung sila’y mananatili o iiwan ang kanilang mga kotse.” Oo, ang maling pagpapasiya ay maaaring kumitil ng iyong buhay. Alam mo ba ang iyong gagawin kung maganap ang isang sakuna? Sagutin ang sumusunod na pagsusulit, at pagkatapos ay ihambing ang iyong mga sagot sa mga ibinigay sa ibaba.

1. LINDOL

□ Manatili sa kotse

□ Lumabas sa kotse

2. BUHAWI

□ Manatili sa kotse

□ Lumabas sa kotse

3. BAGYO NG YELO

□ Manatili sa kotse

□ Lumabas sa kotse

4. BAHA

□ Manatili sa kotse

□ Lumabas sa kotse

MGA SAGOT:

1. Lindol: MANATILI SA KOTSE.

Bagaman ang suspension system ng kotse ay magpapangyari rito na maalog nang husto, malamang na mas ligtas ka sa loob​—malibang malapit ka sa mga gusali, overpass, o mga kawad.

2. Buhawi: LUMABAS SA KOTSE.

Ang pagiging nasa loob ng kotse ang malamang na pinakamapanganib na lugar kapag may buhawi. Subalit paano kung walang ligtas na masisilungan sa malapit? Ganito ang sabi ng FEMA: “Dumapa sa kanal o sa ibang hukay na nakalagay ang iyong mga bisig sa iyong ulo.”

3. Bagyo ng Yelo: MANATILI SA KOTSE.

Maliban na makakita ka ng ligtas na lugar sa di-kalayuan, pinakamabuti na maghintay ng sasaklolo. Maaaring paandarin ang makina sa pana-panahon upang maglaan ng init, subalit panatilihing nakabukas nang bahagya ang bintana upang maiwasang malason ng carbon monoxide. Panatilihing nakasindi ang ilaw sa loob ng kotse bilang hudyat para sa mga tagapagligtas.

4. Baha: LUMABAS SA KOTSE.

“Kung ang kotse ay mapasadlak sa tubig-baha,” babala ng FEMA, “agad na lumabas at magtungo sa mas mataas na lugar. Ang tubig-baha ay maaari pa ring tumaas, at ang kotse ay maaaring tangayin sa anumang oras.” Huwag makipagsapalaran. Ang tubig ay maaaring maging mas malalim kaysa iyong inaakala, at ang antas ay maaaring biglang tumaas.

Ang FEMA ay nagpapayo na iyong ingatan ang impormasyong ito sa lalagyan sa harapan ng iyong kotse. At iminumungkahi nito na sa lahat ng kalagayan, “ang pinakamahalagang alituntunin ay: Huwag mataranta.”

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share