Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g96 4/22 p. 23-24
  • Pinahahalagahan Mo ba ang Kalayaan sa Relihiyon?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pinahahalagahan Mo ba ang Kalayaan sa Relihiyon?
  • Gumising!—1996
  • Kaparehong Materyal
  • Kalahating Siglo sa Ilalim ng Totalitaryong Kalupitan
    Gumising!—1999
  • Mga Mensahero ng Kapayapaan sa Silangang Europa
    Gumising!—1997
  • Natuto Akong Magtiwala sa Diyos
    Gumising!—2006
  • Ang Pagsalakay ng Sobyet sa Relihiyon
    Gumising!—2001
Iba Pa
Gumising!—1996
g96 4/22 p. 23-24

Pinahahalagahan Mo ba ang Kalayaan sa Relihiyon?

Ng kabalitaan ng Gumising! sa Estonia

ANG Pärnu ay isang daungang lungsod at bakasyunan sa Estonia na isang maliit na bansa sa Baltic, isang dating republika ng Unyong Sobyet. Ang lungsod ay may populasyon na mahigit 50,000. Ang mga tao ngayon ay nagtatamasa ng kalayaang isagawa ang isang relihiyon na kanilang pinili​—isang kalayaan na hindi nila taglay mga ilang taon na ang nakalipas. Noong Hunyo 17, 1995, binanggit ng Pärnu Leht, isang lokal na pahayagan, na ang Pärnu ay may 11 relihiyon at na ang pahayagan ay nagbabalak na maglathala ng isang serye ng mga artikulo tungkol sa mga ito.

Ang unang artikulo ay nagsabi: “Kami’y nagsisimula sa kongregasyon na ang gawain ay maliwanag na nakaapekto sa ating lahat​—ang mga Saksi ni Jehova​—na ngayo’y nagtitipon sa isang bulwagan ng isang gawaan ng serbesa. . . . Noong 1931 sinimulang tawagin ng mga Estudyante ng Bibliya ang kanilang mga sarili na mga Saksi ni Jehova, at iyan ang pangalan nila hanggang sa ngayon. May mahigit na limang milyong Saksi ni Jehova sa buong daigdig. Ang punong tanggapan ng mga Saksi ni Jehova sa Estonia ay nasa Tallinn.”

Ang artikulo ay nagpapatuloy: “Ang kongregasyon ng mga tagapaghayag ni Jehova ay itinatag sa Pärnu isang taon at kalahati na ang nakalipas. Sa pasimula may 25 miyembro; ngayon ito ay lumago tungo sa 120 . . .

“Ang unang impresyon ay lubhang positibo. Ang mga tao​—karamihan ay mga batang mag-asawa​—ay palakaibigan, maayos manamit, at bukas ang isipan. Kahanga-hanga na ang mga anak ay totoong disiplinado, sapagkat hindi madali para sa isang munting bata na maupo sa isang dako sa loob ng isa at kalahating oras​—subalit gayon ang ginagawa nila.”

Inilalarawan kung paano naiiba ang mga Saksi ni Jehova sa iba pang mga relihiyon, ganito ang sabi ng pahayagan: “Idiniriin nila ang Paraiso na mangyayari sa hinaharap. Kapansin-pansin din kung paanong kabisadung-kabisado ng kongregasyon ang Bibliya, at sinisipi nila ito sa lahat ng panahon.” Sa pagtatapos ay sinabi ng artikulo: “Ang 120 kataong ito, na mga tagapaghayag ni Jehova, ay nagpasiya; at natitiyak nila na ito ang tamang pasiya. Ang kanilang pananampalataya at ang paghahayag nito ang sentro ng kanilang buhay.”

Hindi lahat sa Pärnu ay natutuwa sa unang paglalathalang ito sa binalak na mga serye ng artikulo tungkol sa mga relihiyon ng lungsod. Noong Hulyo 8, 1995, ang Pärnu Leht ay nag-ulat: “Nais naming ilathala ang isang petisyon na tinanggap namin mula sa apat na relihiyon may kaugnayan sa pasimula ng isang bagong tudling.” Ang petisyong ito, o liham, sa pahayagan ay nilagdaan ng mga kinatawan ng Orthodox Church sa Estonia, ng Estonian Union of Evangelical Lutheran Church, ng Estonian Evangelical Christians and Baptists, at ng Estonian Methodist Church.

Ang apat na kinatawang ito ng relihiyon ay nagreklamo: “Waring lubhang kakatwa sa amin na sinimulan ninyo ang serye sa pamamagitan ng isang artikulo tungkol sa mga Saksi ni Jehova.” Bukod pa riyan, sinabi nila: “May kaugnayan sa seryeng ito, nais naming banggitin na itinuturing naming imposibleng magbigay ng isang panayam sa Pärnu Leht.”

Ang mga kinatawan ng relihiyon ay naghinuha: “Sa isang pamayanan kung saan marami ang nalilito dahil sa mapilit na panggigipit mula sa iba’t ibang bagong relihiyon at mga sekta na nagpapalaganap ng ‘espirituwalidad,’ nakikita namin ang pangangailangan na isaalang-alang ng mga publikasyon ang lokal na kalagayan ng relihiyon at makilala ang makasaysayang mga relihiyon mula sa mga sekta at mga kilusang ekstremista. Ang mga miyembro ng Estonian Council of Churches, na kumakatawan sa mga relihiyong Kristiyano na nagtatamasa ng ekyumenikal na pakikipagtulungan, ay dapat maglaan ng isang maliwanag na patnubay rito.”

Gayunman, kasunod ng liham na ito, ang manunulat para sa Pärnu Leht ay nagbigay ng ganitong seryosong kaisipan: “Ang lahat na itinuturing nating tama ay maaaring hindi tama. At ang pangmalas at mga opinyon ng Diyos tungkol sa iba’t ibang kongregasyon ay maaaring hindi katulad ng mga pangmalas ng apat na kagalang-galang na mga relihiyong ito, at gayundin naman ang kabaligtaran. Walang sinuman sa atin ang hindi nagkakamali, maging ang mga relihiyon na may mga dantaong-gulang na mga tradisyon.”

Ano ang palagay mo tungkol sa nagbagong saloobin tungkol sa relihiyon sa dating mga republika ng Unyong Sobyet? Kami’y nagtitiwalang pinahahalagahan ng mga taong naghahanap ng katotohanan sa lahat ng dako ang kalayaan sa relihiyon na tinatamasa roon.

[Mapa sa pahina 23]

(Para sa aktuwal na format, tingnan ang publikasyon)

FINLAND

Helsinki

Dagat ng Baltic

ESTONIA

Tallinn

Pärnu

LATVIA

Riga

LITHUANIA

Vilnius

RUSSIA

St. Petersburg

Moscow

BELARUS

Minsk

[Mga larawan sa pahina 24]

Ang kongregasyon ng mga Saksi ni Jehova sa Pärnu

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share