Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g96 4/22 p. 30
  • Mula sa Aming mga Mambabasa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mula sa Aming mga Mambabasa
  • Gumising!—1996
  • Kaparehong Materyal
  • Mangyayari Kayang Muli ang Holocaust?
    Gumising!—2001
  • Mga Saksi ni Jehova at ang Holocaust—Ano ang Sinasabi ng Bibliya?
    Iba Pang Paksa
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1989
  • Bakit Nangyari ang Holocaust? Bakit Hindi Ito Pinigilan ng Diyos?
    Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
Iba Pa
Gumising!—1996
g96 4/22 p. 30

Mula sa Aming mga Mambabasa

Holocaust Palagi kong iniisip kung bakit walang sinuman ang tumalakay hinggil sa Holocaust. Ang serye na “Ang Holocaust​—Sino ang Nagsiwalat?” (Agosto 22, 1995) ang sumagot sa aking mga katanungan. Ang mga Saksi ni Jehova ang nagsiwalat, at ipinagmamalaki ko ang aking kapuwa mga Saksi!

C. B., Estados Unidos

Pahintulutan ninyo ako​—isang di-miyembro​—na batiin kayo dahil sa paraan ng pagtalakay ninyo sa paksang Holocaust. Ang inyong timbang na paraan ng pagtalakay sa ipinakitang buktot na di-makataong pakikitungo ang pinakanagbibigay-liwanag na nabasa ko. Ang tatag ng loob ng inyong kapuwa Saksi noong panahong iyon ay isang bagay na, nakalulungkot, hindi gaanong alam ng daigdig.

L. B., Inglatera

Ang aking ama ay namatay sa Sachsenhausen. Ang aking kuya ay namatay rin dahil sa pagbilanggo ng mga Nazi. Tandang-tanda ko pa rin ang pag-uusig ng mga Nazi sa mga Saksi ni Jehova. Kaya ako naudyukan na ipahayag ang aking pagpapahalaga sa mga artikulo. Napakahusay!

F. D .J., Canada

Ako’y talagang humanga sa mga artikulo. Subalit hindi ako sumasang-ayon na ang mga Saksi ni Jehova lamang ang “tinig sa gitna ng katahimikan.” Ang mga Komunista ay nagbabala rin sa mga tao laban kay Hitler bago siya umakyat sa kapangyarihan. Marami ang napunta sa mga kampong piitan.

B. W., Alemanya

Kinikilala naman ng “Gumising!” na si Hitler ay maraming kalaban sa pulitika. Gayunman, pantanging tinukoy ng mga artikulo ang pagkukulang ng relihiyosong mga organisasyon, na karamihan ay nakipagtulungan sa rehimeng Nazi. Kinilala ng mga Nazi mismo ang mga Saksi ni Jehova bilang ang kanilang pangunahing relihiyosong kalaban. Kaya ang mga Saksi ang tanging relihiyosong grupo na binigyan ng sarili nilang sagisag ng pagkakakilanlan sa mga kampong piitan​—ang may ubod nang samang reputasyon na lilang trianggulo.​—ED.

Lindol sa Hapón Napaiyak ako sa pagbabasa ng artikulong “Biglaang Sakuna sa Hapón​—Kung Paano Hinarap ng mga Tao.” (Agosto 22, 1995) Namatay sa lindol ang mahal na mahal kong Kristiyanong kapatid na babae. Napakasigasig niya. Batid ko na siya’y bubuhaying-muli at makikita ko siyang muli. Ako’y lubos na nagpapasalamat sa lahat ng espirituwal at materyal na tulong na tinanggap namin mula sa kongregasyon at sa Samahan. Pero, umiiyak pa rin ako kapag naiisip ko ang nangyari noong araw na iyon.

T. M., Hapón

Ang organisado at mabilis na pagkilos sa bahagi ng mga Saksi ay talagang hinangaan ko. Nang mabasa ko ang may pagmamalasakit na mensahe mula sa mga kapatid sa kongregasyon sa Korea, umiyak ako nang umiyak. Talagang masaya ako na isiping ako’y kabilang sa gayong mapagmahal na organisasyon.

M. K., Hapón

Seksuwal na Panggigipit Salamat sa inyong artikulong “Ang mga Kabataan ay Nagtatanong . . . Seksuwal na Panggigipit​—Paano Ko Maiingatan ang Aking Sarili?” (Agosto 22, 1995) Ako’y 17 taóng-gulang, at may nakilala akong isang di-Kristiyanong binata sa paaralan. Pinagtiwalaan ko siya, subalit nang maglaon ako’y ginipit niya at ng kaniyang mga kaibigan nang may mahahalay na pang-aakit at pagbabanta. Kinailangan kong umalis ng paaralan upang makaalpas sa gayong kalagayan. Marami akong natutuhan mula sa artikulong ito. Ngayon ay batid ko na kung ano ang gagawin pagdating sa pakikitungo sa di-kasekso.

T. G., Portugal

Ako’y ginipit at pinagbantaan sa seksuwal na paraan ng aking katrabaho. Dahil sa ako’y inabuso sa sekso noong ako’y bata pa, kalimitang nahihirapan akong manlaban. Gayunman, paulit-ulit ko siyang sinabihan na tigilan na niya ako. Sa wakas ay isinumbong ko siya sa aming amo, at pagkatapos ay nilubayan niya ako. Talagang pinahalagahan ko ang artikulo. Kailangang malaman ng kababaihan kung paano pakitunguhan ang problemang ito.

V. A., Estados Unidos

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share