Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g97 4/8 p. 30
  • Mula sa Aming mga Mambabasa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mula sa Aming mga Mambabasa
  • Gumising!—1997
  • Kaparehong Materyal
  • Habu—Isang Ahas na Dapat Igalang
    Gumising!—1996
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1996
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1996
  • Mga UFO—Makikilala ba kung Ano Ito?
    Gumising!—1990
Iba Pa
Gumising!—1997
g97 4/8 p. 30

Mula sa Aming mga Mambabasa

Mga Pagkakaiba na Bumabahagi Ibig namin kayong pasalamatan dahil sa seryeng “Dapat ba Tayong Mabahagi Dahil sa mga Pagkakaiba?” (Hulyo 8, 1996) Kami’y nagtatrabaho bilang bahagi ng isang pangkat ng mga internasyonal na boluntaryo rito sa Mexico sa loob ng halos isang taon na. Kahit sa paglipas ng ilang buwan, patuloy pa rin naming nararanasan ang hirap sa pakikibagay, subalit hindi namin maunawaan kung bakit. Nakatulong sa amin ang artikulo na makilala na ang problema ay culture shock. Sinunod namin ang sinabi na “ang pagpapahalaga sa ibang kultura ay maaaring magpayaman sa ating buhay” at nakasusumpong na kami ng higit na kaligayahan sa aming atas.

C. H. at J. H., Mexico

Naantig ang damdamin ko sa paraan ng paghaharap at pagkagawa ng magandang paksang ito. Ang pagkakaiba ay tunay na pumukaw ng pagkakapootan sa kasaysayan ng tao. Makatutulong sa akin ngayon ang seryeng ito upang malasin ang ibang kultura nang may higit na pag-unawa. Sana’y mabasa ng lahat sa daigdig ang mga artikulong ito at mabago ang kanilang negatibong pangmalas sa iba!

G. O., Nigeria

Napaiyak ako dahil sa artikulo. May kaibigan ako na kasundo ko naman sa lahat ng panahon. Subalit lagi kong nararamdaman na tila may di-nakikitang halang sa pagitan namin. Naunawaan ko ngayon na kami’y nagmula sa magkaibang-magkaibang kultura. Malaki ang magagawa ng impormasyong ito kung paano ko siya pakikitunguhan sa hinaharap.

A. F., Estados Unidos

Habang ginagawa ko ang aking tesis sa kolehiyo tungkol sa antropolohiya, gumugol ako ng ilang linggo sa isang bansa sa Aprika. Marami akong nakilalang mga lokal na Saksi ni Jehova at nakadalo ako sa kanilang mga pagpupulong. Isang nakatutuwang karanasan iyon! Gaya ng sabi ng artikulo, nakapagpapayaman ang makakilala ng mga tao mula sa ibang kultura. Nakabuo ako ng bago at makabuluhang mga pakikipagkaibigan.

S. B., Italya

Habu Humanga ako nang lubos sa artikulong “Habu​—Isang Ahas na Dapat Igalang.” (Hulyo 8, 1996) Isinulat ito sa kapana-panabik na paraan, at napakaganda ng mga larawan!

E. P., Ukraine

Ang artikulo ay nakapagtuturo at nakatatawa. Subalit may isang puntong salungat sa aking alam. Sinipi ninyo ang isang aklat na nagmumungkahi ng pagsipsip ng lason sa mismong lugar na tinuklaw. Talaga bang ligtas ito?

C. D., Nigeria

Lumalabas na ang karamihan ng mga awtoridad sa panggagamot ay hindi sumasang-ayon sa pinagkunan namin na aming sinipi sa aming artikulo. Ang totoo, ipinalalagay ng ilang doktor na ang pagsipsip sa lason ay maaaring mapanganib para sa isang gumagamot at wala itong gaanong maitutulong sa natuklaw. Sumasang-ayon ang mga doktor na ang pinakamahalagang unang panlunas ay dalhin agad ang natuklaw na tao sa ospital.​—ED.

Mga UFO Salamat sa artikulong “Ang Pangmalas ng Bibliya​—Mga “UFO”​—Mga Mensahero Mula sa Diyos?” (Hulyo 8, 1996) Sa aming lugar may mga taong naniniwala sa mga ulat tungkol sa mga tagaibang planeta. Dahil sa iniisip nila na hindi ito tinatalakay ng Bibliya, sila’y nag-aalinlangan sa Bibliya. Nakatulong ang artikulo sa amin na maunawaang sinisikap na iligaw ni Satanas at ng mga demonyo ang mga tao at na hindi katalinuhan na maniwala sa mga ulat na walang saligan tungkol sa mga tagaibang planeta.

A. W., Taiwan

Tulip Salamat sa napakagandang artikulo na pinamagatang “Ang Tulip​—Isang Bulaklak na May Maunos na Kahapon.” (Hulyo 8, 1996) Talagang naging kawili-wili para sa akin ang impormasyon tungkol sa pinagmulan nito gayundin ang mga tip para makapagpatubo ng mga tulip.

D. G., Estados Unidos

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share