Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g97 6/8 p. 27
  • Mula sa Aming mga Mambabasa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mula sa Aming mga Mambabasa
  • Gumising!—1997
  • Kaparehong Materyal
  • Mga Katutubong Amerikano—Ang Wakas ng Isang Panahon
    Gumising!—1996
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1997
  • Kung Bakit Maibiging Kaayusan ang Pagtitiwalag
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2015
  • Saan Sila Nagmula?
    Gumising!—1996
Iba Pa
Gumising!—1997
g97 6/8 p. 27

Mula sa Aming mga Mambabasa

Pagtitiwalag Pinasasalamatan ko ang artikulong “Ang Pangmalas ng Bibliya: Kung Bakit ang Pagtitiwalag ay Isang Maibiging Kaayusan.” (Setyembre 8, 1996) Ako mismo ay natiwalag noong 1987 at nakabalik noong 1988, pagkatapos na matutuhan ang aking leksiyon. Natulungan ako ng maibiging kaayusang ito na gumawa ng mga pagbabago sa aking istilo ng pamumuhay at sa mga kasama. Tunay ngang pinagpala tayo sa pagkakaroon ng isang organisasyon na kumikilala sa mga pamantayan sa Bibliya!

R. R., Estados Unidos

Ako rin naman ay natiwalag sa kongregasyon. Nadama ko noon na iyon ay mahigpit at na iyon ang pinakamalupit na bagay na magagawa sa isang tao. Nagkamali ako! Bago ang pagtitiwalag, nagsikap nang husto ang matatanda sa kongregasyon upang matulungan akong magsisi. Hindi ko lamang pinahalagahan ang tulong nang panahong iyon. Ang pagkakatiwalag ay nagpangyari na ako’y maging totoong mapagpakumbaba. Pinakilos ako nito na makita kung gaano kaselan ang ating kaugnayan kay Jehova.

B. T., Estados Unidos

Mga Katutubong Amerikano Salamat sa seryeng “Mga Amerikanong Indian​—Anong Kinabukasan ang Naghihintay sa Kanila?” (Setyembre 8, 1996) Noon pa ma’y interesado na ako sa kasaysayan ng mga Katutubong Amerikano. Minsan pa, humanga ako sa pagiging prangka, makatuwiran, at sa makasaysayang kawastuan ng inyong mga magasin.

A. M., Italya

Hindi kayo kailanman nakakita ng isang Katutubong Amerikanong guro o abogado sa pabalat na pahina ng isang magasin. Sinaunang mga larawan, na katulad sa pabalat na pahina ng inyong isyu, ang laging inihaharap. Ang patuloy na paggamit ng ganitong mga larawan ay nakahahadlang sa ating mga pagsisikap laban sa karaniwang paglalarawan.

K. M. T., Estados Unidos

Tiyak na hindi namin layunin na panatilihin ang anumang nakapipinsalang karaniwang paglalarawan. Ang larawan sa pabalat ay dinisenyo upang iharap ang mga Katutubong Amerikano sa isang positibo at marangal na paraan. Ang tradisyonal na kasuutan ay ginamit sapagkat iyon ay angkop sa paksa at madaling makilala ng aming mga mambabasa sa buong daigdig. Kapansin-pansin, maraming mambabasang Katutubong Amerikano ang nagpahayag ng pasasalamat para sa artikulo at sa mga larawan. Nais ng ilan na panatilihing-buháy ang ilang sinaunang paraan at magsusuot pa rin ng tradisyonal na damit sa ilang okasyon.​—ED.

Yamang nagtatrabaho ako sa isang museo bilang isang etnologo na nagpapakadalubhasa sa Hilagang Amerika, ako’y lubhang interesado sa paksang ito. Posible kaya na mapadalhan ako ng sampung kopya ng isyung ito, na aking ipamamahagi sa iba na interesado sa mga Amerikanong Indian?

P. B., Alemanya

Nalulugod kaming paunlakan ang kahilingang ito.​—ED.

Ang kaunting nalalaman ko tungkol sa mga Indian ay mula sa mga pelikula. Nakita ko sa mga artikulong ito na hindi ipinakita ng Hollywood ang tunay na katotohanan. Nagbago ang pangmalas ko sa mga Indian.

T. M., Estados Unidos

Ang mga ninuno ko ay may halong Katutubong Amerikano, kaya sabik na sabik akong basahin ang isyung ito. Gayunman, salungat sa popular na palagay, si Sitting Bull ay hindi isang lider ng sagupaan sa Little Bighorn.

P. H., Estados Unidos

Waring kahit na si Sitting Bull ay personal na nakibahagi o hindi nakibahagi sa sagupaan ay pinagtatalunan ng mga istoryador. Ang opinyon na waring nangingibabaw sa karamihan ng mga iskolar ay masusumpungan sa iginagalang na magasing “Natural History,” na nagsasabi: “Ayon sa salaysay ng mga Indian, kung minsan ay itinuturing si Sitting Bull bilang kalaban ni Custer sa sagupaan, hindi nakibahagi sa labanan ngunit naging abala sa paggawa ng gamot upang palakasin ang mga mandirigmang Indian.” Hindi natin alam kung magkakaroon man ng karagdagang impormasyon na makapaglilinaw sa bagay na ito.​—ED.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share