Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g97 8/22 p. 10-11
  • Ano ang Lunas?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ano ang Lunas?
  • Gumising!—1997
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Saligan Para sa Pag-asa
  • Ang Gagawin ng Diyos
  • Ano ang Sinasabi ng Bibliya Tungkol sa Krisis sa Tubig sa Mundo?
    Iba Pang Paksa
  • Kung Saan Mas Malala ang Krisis
    Gumising!—1997
  • Tubig
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Paghahanap sa Tubig ng Buhay
    Gumising!—2001
Iba Pa
Gumising!—1997
g97 8/22 p. 10-11

Ano ang Lunas?

MAINIT na pinagtatalunan ng mga dalubhasa ang mga lunas sa masalimuot na mga problema ng tao sa tubig. Nais ng World Bank na mamuhunan ng $600 bilyon sa sanitasyon at mga programa sa tubig sa susunod na sampung taon. Ang halaga ng hindi pamumuhunan ay maaaring mas mataas pa. Halimbawa, sa Peru, ang sampung-linggong epidemya ng kolera, na dala ng maruming tubig, ay nagkahalaga kamakailan ng halos $1 bilyon​—tatlong ulit ng salaping ipinuhunan sa panustos na tubig ng bansa noong buong dekada ng 1980.

Subalit, sa kabila ng mabubuting intensiyon niyaong mga nagtataguyod nito, ang mga proyekto sa tubig ay kadalasang walang gaanong naitutulong sa mga dukha. Ang pagdami ng tao sa mga megacity ng nagpapaunlad na mga bansa ay napakabilis at magulo. Ang mahihirap ay nakatira sa siksikan at mahinang klaseng mga barungbarong na walang tubig sa gripo o sanitasyon. Palibhasa’y walang makuhang serbisyo sa tubig sa tulong ng gobyerno, kailangan nilang magbayad ng mahal sa mga nagtitinda ng tubig, kadalasa’y maruming tubig.

Maliwanag, ang pangglobong krisis sa tubig ay masalimuot at nagsasangkot sa magkakaugnay na mga salik: kakapusan ng tubig, polusyon, karalitaan, sakit, at ang dumaraming pangangailangan ng dumaraming populasyon. Maliwanag din na hindi malutas ng mga tao ang mga problemang ito.

Saligan Para sa Pag-asa

Gayunman, ang kinabukasan ay hindi malungkot na gaya ng inihuhula ng marami. Bakit? Sapagkat ang lunas sa krisis sa tubig ng daigdig ay wala sa mga tao; ito’y nakasalig sa Diyos. Siya lamang ang kapuwa may kakayahan at determinasyon na lutasin ang lahat ng mga problema sa tubig.

Walang kaduda-dudang ang Diyos na Jehova ang makalulutas sa mga problemang ito. Siya ang Disenyador at Maylalang hindi lamang ng lupa kundi rin naman ng mga tubig na narito. Siya ang nagpakilos sa kahanga-hangang siklo ng tubig pati na ang lahat ng iba pang likas na mga siklo upang maging posible ang buhay sa lupa. Ipinakikilala ng Apocalipsis 14:7 si Jehova bilang “ang Isa na gumawa ng langit at ng lupa at dagat at mga bukal ng mga tubig.”

Taglay ni Jehova ang lakas upang supilin ang tubig ng daigdig. Siya “ang Isa na nagbibigay ng ulan sa ibabaw ng lupa at naghahatid ng tubig sa mga bukid.” (Job 5:10) Tungkol sa kaniya ay sinasabi ng Bibliya: “Kaniyang ginagawang matambong lawa ng tubig ang ilang, at mga bukal ng tubig ang walang-tubig na pook.”​—Awit 107:35.

Paulit-ulit na pinatunayan niya ang kaniyang kakayahang maglaan ng tubig. Halimbawa, siya ang nagtustos ng tubig sa mga Israelita noong panahon ng kanilang 40 taon sa ilang, kung minsan ay sa makahimalang paraan. “Nagpabukal siya mula sa bato at nagpababa ng tubig na parang mga ilog,” ang sabi ng Bibliya. “Narito! Kaniyang hinampas ang bato upang dumaloy ang mga tubig at ang mga bukal ay magsiapaw.”​—Awit 78:16, 20.

Ang Gagawin ng Diyos

Hindi pahihintulutan ng Diyos na magpatuloy magpakailanman ang krisis sa tubig. Inihuhula ng Bibliya na dumarating ang panahon kapag siya’y kikilos alang-alang sa lahat niyaong mga nasa buong lupa na nagnanais mamuhay sa ilalim ng maibiging pamamahala ng kaniyang makalangit na pamahalaan, na malapit nang mamahala sa lupa.​—Mateo 6:10.

Wawakasan ng pamahalaang iyon, o Kaharian, ang mga sakit na dala ng tubig, pati na ang lahat ng iba pang mga karamdaman. Tinitiyak ng Bibliya sa mga matapat sa Diyos: “Tiyak ngang pagpapalain [ng Diyos] ang iyong tinapay at ang iyong tubig, at [kaniya] ngang aalisin ang sakit sa gitna mo.” (Exodo 23:25) Bukod pa riyan, ang mga nagpaparumi sa tubig sa lupa ay aalisin habang kaniyang ‘dinadala sa pagkasira yaong mga sumisira sa lupa.’​—Apocalipsis 11:18.

Ang buong lupa ay sasagana sa ilalim ng maibiging pangangalaga ng Diyos. Hinding-hindi na muling makikipagpunyagi nang walang-lubay ang tao upang humanap ng sariwa’t malinis na tubig. Ang Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat, na laging nagsasalita ng katotohanan, ay kumasi sa kaniyang propeta na sumulat tungkol sa hinaharap: “Sapagkat sa ilang ang katubigan ay bubulwak na, at ang mga hugusan sa disyertong kapatagan. At ang lupang tigang sa init ay magiging gaya na ng isang matambong lawa, at ang uhaw na lupa gaya ng mga balong ng tubig.”​—Isaias 35:6, 7; Hebreo 6:18.

[Larawan sa pahina 10]

Ang Diyos ay nangangako: “Sa ilang ang katubigan ay bubulwak na, . . . at ang uhaw na lupa [ay magiging] gaya ng mga balong ng tubig.” ​—Isaias 35:6, 7

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share