Nakaligtas ang Isang Matandang Salin ng Bibliya
Noong 1994/95 ay makikita sa British Library ang isang kumpleto-ang-teksto na 1526 na edisyon ng salin ni William Tyndale sa Kristiyanong Griegong Kasulatan na inilimbag noong ipinatapon siya sa Worms, Alemanya. Ang aklat na ito ay binili mula sa Bristol Baptist College ng Inglatera sa halagang halos $1,600,000, yamang ipinalalagay na ito ang tanging natitirang kumpletong kopya—ang karamihan sa humigit-kumulang na 3,000 kopyang ipinuslit sa Inglatera ay sinunog sa panunulsol ng obispo ng London. Gayunman, lumitaw ang isa pang kumpletong kopya ng edisyong ito, sa isang aklatan sa Stuttgart, Alemanya. Palibhasa’y mali ang markang nailagay at nakaligtaan sa loob ng daan-daang taon, nanatili hindi lamang ang orihinal na pabalat nito kundi pati ang napakahalagang titulong pahina nito.
[Picture Credit Line sa pahina 15]
By kind permission of the Principal, Fellows and Scholars of Hertford College, Oxford
© Württ. Landesbibliothek/Fotograf: Joachim Siener