Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g98 12/8 p. 30
  • Mula sa Aming mga Mambabasa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mula sa Aming mga Mambabasa
  • Gumising!—1998
  • Kaparehong Materyal
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1993
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1998
  • Nakabubuting Kaigtingan, Nakasasamang Kaigtingan
    Gumising!—1998
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—2002
Iba Pa
Gumising!—1998
g98 12/8 p. 30

Mula sa Aming mga Mambabasa

Mapagtitiwalaan ba ang Siyensiya? Ang inyong serye ng mga artikulong “Hanggang Saan Mapagtitiwalaan ang Siyensiya?” (Marso 8, 1998) ay isang napapanahon na babala. Tinulungan ako nito na maging mas realistiko sa mga imbensiyon at mga natutuklasan sa siyensiya, na marami sa mga ito ay maaaring magdulot ng nakapipinsalang mga epekto sa mga tao at sa kaniyang kapaligiran. Kasabay nito, inaakay ng serye ang mga mambabasa sa Bibliya​—isang bagay na lubusang mapagtitiwalaan.

A. I. B., Brazil

Ang Apache Kami’y totoong interesado sa kasaysayan ng mga Indian at marami na kaming nabasang mga aklat tungkol sa kanila. Kaya ibig namin kayong pasalamatan sa artikulong “Ano Na ang Nangyari sa ‘Apache’?” (Marso 8, 1998) Tinalakay nito ang paksa sa paraang malinaw at nakakakumbinsi.

G. C. at  R. S., Italya

Caste System Ako po’y 12 taong gulang, at kahapon lamang ay iniatas sa akin ang isang takdang aralin tungkol sa caste system. Ako po’y may lahing Indian. Natanggap ko po ngayong araw na ito ang inyong artikulong “Ang mga Kristiyano at ang ‘Caste.’” (Marso 8, 1998) Hindi lubusang naipaliwanag ng aking mga aklat sa paaralan ang paksa na gaya ng pagpapaliwanag ninyo.

S. S. N., Estados Unidos

Nakakaya ang Kaigtingan Nakabasa na ako ng mga artikulo sa kilalang mga magasin tungkol sa pagharap sa pagkahapo, burnout, at panlalatâ. Subalit malimit na pinag-iisip ako ng mga ito kung makakaya ko pang magpatuloy! Natuwa akong makita na sa 15 iminungkahi ninyo hinggil sa pagharap sa kaigtingan, walang binanggit na sumuko at tumigil na. (“Maaari Mong Makayanan ang Kaigtingan!,” Marso 22, 1998) Sa halip, ipinakita ng mga ito kung paano mababawasan ang kaigtingan habang nagpapatuloy na mabuhay ang isa.

J. B., Bolivia

Tamang-tama ang pagdating ng mga artikulo, yamang ako’y nababalisa. Ako’y isang buong-panahong ebanghelisador, at akala ko ay hindi ako dapat magkaroon ng gayong mga problema. Napaluha ako habang binabasa ko ang mga artikulong ito. Natanto ko na si Jehova ay nagmamalasakit sa kaniyang mga lingkod at nauunawaan niya kung ano ang nangyayari sa atin.

D. M., Italya

Iyon lamang ang kailangan kong mabasa, yamang ako’y pinahihirapan ng psoriasis, isang napakaigting na kalagayan. Kung minsa’y nadarama ko na ako’y walang halaga kay Jehova, subalit ipinaunawa sa akin ng inyong artikulo na hindi ganito ang kalagayan. Talagang siya’y nagmamalasakit sa akin​—anupat inilaan niya ang lahat ng impormasyon na kailangan ko tungkol sa kaigtingan.

S. S., Brazil

Buong puso ko kayong pinasasalamatan sa kahong “PTSD​—Normal na Reaksiyon sa Isang Di-Normal na Karanasan.” Napakasaklap ng aking pagkabata, at bagaman nagugunita ko pa rin ang mga alaala ng kahapon, ako’y talagang naaliw ng artikulo.

R. N., Estados Unidos

Talagang nagbigay-liwanag sa akin ang mga artikulo. Yamang tumitindi ang mga panggigipit ni Satanas, kailangan natin ang ganitong uri ng impormasyon upang manatili sa pananampalataya. Ipinabatid nito sa akin na kayo’y totoong interesado sa aming mga problema at na ibinibigay ninyo sa amin kung ano ang kailangan namin upang mabata ang mga ito.

V. T., Fiji

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share