Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g99 6/22 p. 30
  • Mula sa Aming mga Mambabasa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mula sa Aming mga Mambabasa
  • Gumising!—1999
  • Kaparehong Materyal
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1998
  • Ang Kahalagahan ng Pag-iisa
    Gumising!—1998
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1999
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1998
Iba Pa
Gumising!—1999
g99 6/22 p. 30

Mula sa Aming mga Mambabasa

Bagyong Pauline Maligaya ako sa tuwing naipaaalaala sa akin na ako’y bahagi ng isang organisasyon na talagang nagmamalasakit sa mga tao. Salamat sa napakahusay na artikulong “Dalawang Mukha ng Isang Sakuna.” (Oktubre 8, 1998) Talagang nakasisiyang malaman na kinikilala ng iba na ang mga Saksi ni Jehova ay “organisado at tapat”!

D. F. S., Brazil

Pag-iisa Ang artikulong “Ang Pangmalas ng Bibliya: Ang Kahalagahan ng Pag-iisa” (Oktubre 8, 1998) ay parang kapit sa akin. Isang bagay na mahalaga para sa akin ang pag-iisa upang patuloy akong maging mahusay sa espirituwal at emosyonal na paraan. Gayunman, tatandaan ko ang punto na ang pag-iisa ay “isang makabuluhang dako para sa pagdalaw ngunit isang mapanganib na lugar para manatili roon.”

L. G., Estados Unidos

Vatican at ang Holocaust Sa nakalipas na mga taon, dumadalaw sa aking bahay ang mga Saksi, at nagkaroon kami ng kaiga-igayang panahon. Gayunman, nakaiinis ang inyong artikulong “Ang Simbahang Katoliko at ang Holocaust” (Oktubre 22, 1998). Si Papa Pius XII ay isang banal na tao na ginawa ang lahat ng kaniyang magagawa upang tulungan ang mga Judio, at libu-libong buhay ang nailigtas ng kaniyang mga pagsisikap!

J. P., Estados Unidos

Hindi namin layon na inisin ang mga mambabasang Katoliko kundi ang magbigay ng tumpak na ulat may kinalaman sa kontrobersiya sa dokumento ng Vatican na “We Remember: A Reflection on the Shoah.” Ang mga pangungusap sa artikulo ay mga opinyon ng iginagalang na mga mananalaysay, manunulat, at mga hukom​—na ang ilan ay mga Romano Katoliko mismo. Maliwanag, kapuri-puri ang anumang bahaging maaaring ginampanan ng Vatican sa pagliligtas ng mga buhay. Sa kabila nito, totoong hindi nagsalita nang hayagan ang papa laban sa rehimeng Nazi. Ang paggawa ng gayon ay maaari sanang nagligtas ng milyun-milyong buhay.​—ED.

Nag-iibigan sa Isa’t Isa Ang seryeng “Mag-iibigan Pa Kaya sa Isa’t Isa ang Lahat ng Tao?” (Oktubre 22, 1998) ay ekselente! Nakatulong ito sa akin na pigilin ang malakas na simbuyong kung minsan na taglay ko upang magkimkim ng hinanakit at pagkapoot. Maraming salamat! Sana’y tumulong sa akin ang pampatibay-loob na tinanggap ko mula sa inyong mga publikasyon upang ako’y maging isang lingkod ng Diyos na Jehova.

G. C., Italya

Mga Misyonerong Malakas ang Loob Pagkatapos mabasa ang artikulong “Hindi Na Kami Nabubuhay Para sa Aming mga Sarili” (Oktubre 22, 1998), gusto ko kayong pasalamatan sa nakapagpapatibay-pananampalatayang impormasyong ito. Maraming tao na walang-interes ang nakakaharap namin dito sa Britanya. Subalit bale wala ito kung ihahambing sa naranasan nina Jack at Linda Johansson. Talagang naantig ako ng artikulo at nagpapasalamat ako sa kung ano ang taglay ko.

L. J., Inglatera

Kaming mag-asawa ay mga ilang taon nang buong-panahong ministro, at batid namin na ang pakikibagay sa isang bagong atas ay maaaring maging isang malaking hamon. Prangka ang mga Johansson sa pagsasabi ng kanilang nadama nang sila’y lumipat. Ipinakita sa amin ng kanilang kuwento na hindi lamang kami ang may ganitong damdamin at na dapat na patuloy kaming manalig kay Jehova.

S. E. C., Brazil

Dibdibin ang Katotohanan Ako po’y 12 taóng gulang, at nasiyahan po ako sa artikulong “Ang mga Kabataan ay Nagtatanong . . . Paano Ko Didibdibin ang Katotohanan?” (Oktubre 22, 1998) Ngayong pasukan na sa eskuwela, medyo mas mahirap maghanda para sa mga pulong Kristiyano. Subalit kailangang bilhin ko ang panahon. Sa palagay ko, matutulungan ng artikulong ito ang maraming kabataan na magkaroon ng pagmamahal kay Jehova at magkaroon ng malalim na pagkakaugat sa katotohanan.

C. S., Portugal

Tinanong ko ang aking sarili ng tanong ding ito tungkol sa katotohanan noong nakaraang taon. Hindi ko tiyak kung talagang iniibig ko ang katotohanan o ito’y dahil lamang sa aking pamilya. Pagkatapos, ginawa ko ang gaya ng hinimok ninyo​—pinatunayan ko ito sa aking sarili sa pamamagitan ng pananaliksik sa Bibliya. Maligayang masasabi ko ngayon na dinidibdib ko na ang katotohanan. Umaasa akong maging isang buong-panahong ebanghelisador!

H. N., Estados Unidos

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share