Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g98 9/22 p. 31
  • Kung Bakit Marami ang Tumatanggi sa Dugo

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Kung Bakit Marami ang Tumatanggi sa Dugo
  • Gumising!—1998
  • Kaparehong Materyal
  • Imbestigasyon Tungkol sa “Nahawahang Dugo” sa Canada
    Gumising!—1995
  • Pagliligtas sa Buhay sa Pamamagitan ng Dugo—Papaano?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1991
  • Pagsasalin ng Dugo—Gaano Kaligtas?
    Papaano Maililigtas ng Dugo ang Inyong Buhay?
  • Ligtas ba ang Dugo na Nasuring Walang HIV?
    Gumising!—2008
Iba Pa
Gumising!—1998
g98 9/22 p. 31

Kung Bakit Marami ang Tumatanggi sa Dugo

SA ISANG di-malilimot na desisyon, pinananagot ng korte ng Ontario ang Canadian Red Cross dahil sa pagkakaroon ng HIV ng dalawang sinalinan ng dugo​—na kapuwa tumanggap ng nahawahang dugo mula sa iisang tagapagkaloob nito. “Kapag nanganib ang buhay ng mga sinalinan dahil sa kapaha-pahamak na bagay gaya ng kontaminadong dugo,” sabi ni Hukom Stephen Borins, “kailangan ang kagyat na pagkilos.”

Noong mga taon ng 1980, mga 1,200 taga-Canada ang nagkaroon ng HIV, at karagdagan pang 12,000 ang nagkaroon ng hepatitis C​—na pawang dahil sa nahawahang dugo at mga produktong galing sa dugo. Upang makatulong na mabawasan ang bilang ng mga nahahawa, higit na sinusuring mabuti ang mga tagapagkaloob nito. Subalit hindi lahat ng mga tagapagkaloob ay nagtatapat ng tungkol sa kanilang naging karanasan sa sekso. Halimbawa, isiniwalat ng isang surbey sa Estados Unidos na 1 sa 50 tagapagkaloob ang hindi nag-ulat ng mga salik na nagsasapanganib, gaya ng gawaing homoseksuwal o pakikipagtalik sa babaing mababa ang lipad.

Dagdag na problema pa ay ang katotohanan na hindi maaasahan ang ginagawang pagsusuri sa dugo. Ayon sa magasing New Scientist, “kapag ang isang tao ay nagkaloob ng dugo nang wala pang tatlong linggo matapos mahawahan ng HIV, hindi natutuklasan ng pinakahuling mga pagsusuri ang mga virus. Para naman sa hepatitis C, ang ‘pagitang’ ito ay maaaring tumagal nang mahigit na dalawang buwan.”

Nitong nakalipas na mga taon, biglang kumaunti ang mga taga-Canada na nagnanais magbigay​—o tumanggap​—ng dugo. Ang kolumnistang si Paul Schratz ay sumulat: “Sa nangyayaring pagkawala ng interes sa pagkakaloob, at sa pagdami ng mga hindi makapagkaloob, salamat sa Diyos at pinangungunahan ng mga Saksi ni Jehova ang pagsasaliksik sa mga panghalili sa dugo.”

Kapansin-pansin, iniuulat ng The Toronto Star na nitong nakalipas na isang taon, mga 40 katao “na pumasok sa mga ospital sa Canada ang may-kabulaanang nag-aangkin na sila’y mga Saksi ni Jehova sapagkat ayaw nilang magpasalin ng dugo.” Ipinahihiwatig ng surbey na mas gugustuhin ng mga 90 porsiyento ng mga taga-Canada ang ilang panghalili sa dugo. Kung gayon, hindi na isang usapin lamang sa relihiyon ang paggamit ng dugo.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share