Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g99 8/8 p. 30
  • Mula sa Aming mga Mambabasa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mula sa Aming mga Mambabasa
  • Gumising!—1999
  • Kaparehong Materyal
  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2002
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1998
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1999
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1998
Iba Pa
Gumising!—1999
g99 8/8 p. 30

Mula sa Aming mga Mambabasa

Paghuhugas ng Kamay Ako po’y 11 anyos at gusto ko pong pasalamatan kayo sa artikulong “Hugasan at Patuyuin ang Iyong mga Kamay!” (Nobyembre 22, 1998) Naganyak ako nito na maghugas ng aking mga kamay bago kumain at matapos gumamit ng palikuran. Sa aming bayan, pangkaraniwan na ang mga impeksiyon, kaya nakatulong nang malaki ang artikulo.

M.F., Italya

Simpleng Kaluguran Salamat sa bahaging “Mas Gusto ng mga Bata ang Simpleng Kaluguran” na nasa “Pagmamasid sa Daigdig.” (Nobyembre 22, 1998) Hindi ko kapisan ang aking mga anak, at pinapayagan lamang ako na makita sila minsan tuwing ikatlong buwan. Hindi ko alam kung ano ang gagawin kapag magkakasama kami, kaya marami akong pinaplano, sa pangambang baka mabagot sila. Malapit nang sumapit ang araw na magkakasama kami nang mabasa ko ang bahaging ito. Tamang-tama ang pagdating nito!

M. Y., Hapon

Mga Ahas Maraming salamat sa inyong artikulong “Mga Karaniwang Maling Akala Tungkol sa mga Ahas.” (Oktubre 22, 1998) Talagang nilinaw ng pitong punto na iniharap ninyo ang maraming bagay na hindi alam ng mga tao tungkol sa kawili-wili, subalit di-nauunawaang mga hayop na ito.

R. K., Estados Unidos

Pag-iwas na Masunog Nabahala ako nang mabasa ko ang bahaging “Mga Pag-iingat Habang Nagluluto,” sa “Pagmamasid sa Daigdig.” (Disyembre 8, 1998) Binanggit nito ang mungkahi ng isang newsletter na magluto sa kalan na nasa unahan. Gayunman, salungat ito sa naririnig kong ipinapayo sa mga magulang​—na dapat nilang gamiting lagi ang kalan na nasa likuran, na hindi naaabot ng mga bata.

M. B., Inglatera

Pinahahalagahan namin ang paalaalang ito tungkol sa pag-iingat. Ang payong iniulat namin ay pangunahin nang nakatuon sa matatanda, na ang ilan sa kanila ay may manggas na nadidilaan ng apoy habang inaabot ang mga kaldero sa kalan na nasa likuran. Natural lamang na ang mga kalderong pinaglulutuan ay laging ilalayo ng mga ina sa kanilang maliliit na anak.​—ED.

Kung Ano ang Hitsura ni Jesus Maraming salamat sa serye ng mga artikulo na “Jesus​—Ano ba Talaga ang Hitsura Niya? Ano Na Siya Ngayon?” (Disyembre 8, 1998) Kadalasang di-wasto ang paglalarawan kay Jesus sa mga simbahan, larawan, at mga pelikula. Lalo akong nasiyahan na mabasa ang bahaging ginagampanan ngayon ni Jesus at sa gagampanan niya sa hinaharap. Hindi na siya isang munting sanggol lamang na nasa sabsaban.

M. W., Austria

Ngayon lamang ako nasiyahan nang gayon na lamang sa isang artikulo! Kumbinsido ako na ang seryeng ito ay tutulong sa maraming tao na magtiwala sa mga Saksi ni Jehova at sa ating mga magasin.

B. D., Yugoslavia

Kay-inam na mabasang si Jesus ay hindi isang mahinang tao at na hindi mapanglaw ang kaniyang mukha, gaya ng inilalarawan sa popular na sining. Sa halip, siya’y isang malakas at matipunong tao na tumulad sa kaniyang Ama, ang “maligayang Diyos.”​—1 Timoteo 1:11.

R. O. R., Brazil

Sa pahina 8, sinabi ninyo na “inilipat ng Diyos ang buhay ni Jesus sa bahay-bata ng isang birheng Judio.” Yamang si Jesus ay sakdal, nangangahulugan ba ito na wala siyang bakas ng mga gene ni Adan?

J. G., Estados Unidos

Bago ipaglihi si Jesus, sinabi ni anghel Gabriel kay Maria: “Ang banal na espiritu ay darating sa iyo, at ang kapangyarihan ng Kataas-taasan ay lililim sa iyo. Sa dahilan ding iyan ang isisilang ay tatawaging banal, Anak ng Diyos.” (Lucas 1:35) Maliwanag, pinapangyari ng banal na espiritu ng Diyos na mahinog ang isang selulang itlog sa bahay-bata ni Maria, anupat inilipat sa lupa ang buhay ng panganay na Anak ng Diyos mula sa dako ng mga espiritu. Walang alinlangang tiniyak ng banal na espiritu na mapapawi ng puwersa ng buhay ng sakdal na lalaking Anak na ito ang anumang Adanikong di-kasakdalan sa selulang itlog ni Maria, samantalang pinananatili ang ilang henetikong katangian. Malamang, si Jesus ay kahawig ni Maria.​—ED.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share