Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • lfb aralin 21 p. 54-p. 55 par. 2
  • Ang Ikasampung Salot

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Ikasampung Salot
  • Mga Aral na Matututuhan Mo sa Bibliya
  • Kaparehong Materyal
  • Humarap kay Paraon Sina Moises at Aaron
    Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya
  • Ang Unang Tatlong Salot
    Mga Aral na Matututuhan Mo sa Bibliya
  • Sino Si Jehova?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1993
  • Iniligtas ng Diyos ang Israel
    Ang Bibliya—Ano ang Mensahe Nito?
Iba Pa
Mga Aral na Matututuhan Mo sa Bibliya
lfb aralin 21 p. 54-p. 55 par. 2
Isang Israelita na nagpapahid ng dugo sa hamba ng kanilang pinto

ARAL 21

Ang Ikasampung Salot

Sinabi ni Moises sa Paraon na hindi na siya magpapakita ulit. Pero bago siya umalis, sinabi rin niya sa Paraon: ‘Mamayang hatinggabi, mamamatay ang lahat ng panganay sa Ehipto, mula sa anak ng Paraon hanggang sa anak ng mga alipin.’

Inutusan ni Jehova ang mga Israelita na maghanda ng espesyal na hapunan. Sinabi niya: ‘Magkatay kayo ng isang-taóng-gulang na lalaking tupa o kambing, at ipahid ninyo ang dugo nito sa hamba ng inyong pinto. Ihawin n’yo ang karne, at kainin kasama ng tinapay na walang pampaalsa. Magbihis kayo, at isuot ang sandalyas ninyo, at maghanda sa paglalakbay. Ngayong gabi, palalayain ko kayo.’ Ang saya-saya siguro ng mga Israelita, ’di ba?

Noong hatinggabi na, pinuntahan ng anghel ni Jehova ang bawat bahay sa Ehipto. Ang panganay sa loob ng mga bahay na walang pahid ng dugo sa gilid ng pintuan ay namatay. Pero nilampasan ng anghel ang mga bahay na pinahiran ng dugo. Namatayan ng anak ang bawat pamilyang Ehipsiyo, mayaman man o mahirap. Pero walang namatay na anak ang mga Israelita.

Kahit ang anak ng Paraon, namatay din. Hindi na ito nakayanan ng Paraon. Sinabi niya agad kina Moises at Aaron: ‘Sige! Umalis na kayo at sumamba sa Diyos n’yo. Dalhin n’yo nang lahat ang alagang hayop n’yo at umalis na kayo!’

Kabilugan ng buwan nang umalis ang mga Israelita sa Ehipto. Grupo-grupo sila ayon sa kanilang pamilya at tribo. May 600,000 Israelitang lalaki, at maraming babae at bata. Marami ring ibang tao na sumama para sambahin si Jehova. Sa wakas, nakalaya ang mga Israelita!

Para alalahanin kung paano sila iniligtas ni Jehova, naghahanda sila ng ganoon ding espesyal na hapunan taon-taon. Tinawag iyon na Paskuwa.

Nagmartsa ang mga Israelita paalis sa Ehipto

“Pinanatili kitang buháy sa dahilang ito: para maipakita ko ang kapangyarihan ko sa pamamagitan mo at para maipahayag ang pangalan ko sa buong lupa.”​—Roma 9:17

Tanong: Ano ang ikasampung salot? Ano ang ginawa ng mga Israelita para hindi sila madamay sa salot na iyon?

Exodo 11:1–12:42; 13:3-10

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share