KELITA
[posibleng mula sa salitang-ugat na nangangahulugang “napakaikli” [samakatuwid nga, nabansot]].
1. Isa sa mga Levita noong mga araw ni Ezra na kumilala sa kanilang pagkakasala sa pagkuha ng mga asawang banyaga at sa gayon ay nagpaalis sa mga iyon. Tinatawag din siyang Kelaias. (Ezr 10:23, 44) Posibleng siya rin ang Blg. 2 at 3.
2. Isang Levita na tumulong kay Ezra sa ‘pagpapaliwanag ng kautusan sa bayan’ noong 455 B.C.E.—Ne 8:7, 8; tingnan ang Blg. 1.
3. Isang Levita na ang inapo, kung hindi man siya mismo, ay nagpatotoo sa pamamagitan ng tatak sa “mapagkakatiwalaang kaayusan” noong panahon ni Nehemias. (Ne 9:38; 10:1, 9, 10) Kung si Kelita mismo, sa halip na isang inapo, ang naroroon nang gawin ang kasunduang ito, maaaring siya rin ang Blg. 1 o Blg. 2.