NEKODA
[Batik-batik].
1. Ang ninuno ng isang grupo ng mga Netineo na bumalik mula sa pagkatapon sa Babilonya noong 537 B.C.E.—Ezr 2:1, 43, 48; Ne 7:46, 50.
2. Ang ninuno ng isang grupo na ‘hindi masabi ang sambahayan ng kanilang mga ama at ang kanilang pinanggalingan.’ (Ezr 2:59, 60; Ne 7:61, 62) Yamang ang mga pangalan nina Delaias at Tobias na kasama ni Nekoda sa mga talatang ito ay hindi lumilitaw sa ibang talaan ng bumalik na mga tapon, ipinapalagay na ang Nekodang ito ay iba sa Blg. 1.