Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w88 12/15 p. 25-27
  • Mapalilipat Mo ang mga Bundok!

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mapalilipat Mo ang mga Bundok!
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1988
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Ang Pagpapalipat ng mga Bundok sa Ngayon
  • Paglilingkurang Payunir—Ito ba’y Para sa Inyo?
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1987
  • “Bagay Kang Payunir!”
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2010
  • Paglilingkuran Bilang Payunir—Ito Ba’y Para sa Iyo?
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1998
  • Ang mga Payunir ay Nagkakaloob at Tumatanggap ng mga Pagpapala
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1994
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1988
w88 12/15 p. 25-27

Mapalilipat Mo ang mga Bundok!

MAYO 29, 1953, ang iniulat na unang pagkakataon na ang tao’y tumayo sa taluktok ng pinakamataas na bundok sa daigdig​—ang Bundok Everest, 8,848 metro ang taas sa dagat. Kasama ang alalay na mahigit na 450 mga lalaki, si Edmund Hillary ng New Zealand at si Tenzing Norgay, isang Nepalese Sherpa, ay matagumpay na nanaig sa mga panganib na dulot ng madulas na yelo, makapal na niyebe, at kakulangan ng oksiheno upang marating ang taluktok na kanilang aakyatin, lima-at-kalahating milyang taas na tunguhin.

Ang pag-akyat sa taluktok ng matatayog na bundok ay tunay na isang pambihirang tagumpay. Gayunma’y hindi ito maihahambing sa inilarawan ni Jesus sa kaniyang mga alagad: “Sinasabi ko sa inyo nang may kataimtiman, kung ang inyong pananampalataya ay kasinlaki ng isang buto ng mustasa masasabi ninyo sa bundok na ito, ‘Lumipat ka roon’, at lilipat; walang magiging anumang imposible para sa iyo.” Gunigunihin iyan, hindi lamang pag-akyat kundi pagpapalipat sa isang bundok!​—Mateo 17:20, The Jerusalem Bible.

Ano ang nag-udyok kay Jesus na sabihin ito sa kaniyang mga alagad? Mga isang saglit lamang noon nang sila’y nabigong pagalingin ang isang batang inaalihan ng demonyo. Idiniin ni Jesus kung bakit sila nabigo. Kinailangan nila ang higit pang pananampalataya. (Mateo 17:14-20) Ang pananampalataya ay inihambing niya sa isang buto ng mustasa, na kilalang-kilala nila. Bagaman isa sa “pinakamaliit,” ang buto ng mustasa pagkaraan ng mga ilang buwang paglaki ay maaaring maging isang halamang tulad-punungkahoy. (Mateo 13:31, 32) Sa gayon, idiniriin noon ni Jesus ang posibilidad na ang bahagyang pananampalataya kung ito’y wastong aalagaan at pagyayamanin​—ang waring imposible ay magiging posible.

Subalit pagkatapos na pagyamanin ang gayong pananampalataya, anong uri ng mga bundok ang mapalilipat ng mga alagad ni Jesus? Kung paanong ang isang literal na bundok ay maaaring napakatayog, ang tulad-bundok na mga balakid ay maaaring makahadlang sa ating pagsulong sa paglilingkod kay Jehova. Ano kaya ang “mga bundok” na iyon at paano rin natin “mapalilipat” ang mga iyon?

Si apostol Pablo ay isang halimbawa ng isang Kristiyano na napaharap sa maraming balakid. Sa 2 Corinto 6:4-10 at 2 Corinto 11:23-28, mababasa mo ang pinagdaanan niyang mga hirap, panggugulpi, pagkabilanggo, pagkalubog ng kaniyang sasakyang-dagat at marami pang ibang kalamidad. Bukod pa sa mga bagay na ito, nariyan ang makasagisag na “tinik sa laman,” marahil isang kapansanan ng kaniyang paningin. (2 Corinto 12:7; Gawa 14:15) Paano nga nangyaring napagtagumpayan niya ang gayong tulad-bundok na mga balakid at matagumpay na naisagawa niya ang kalooban ng Diyos para sa kaniya? “Sa lahat ng bagay ay may lakas ako dahil sa kaniya na nagbibigay-lakas sa akin,” ang sinulat ni Pablo. Ito’y “ang kapangyarihang higit sa karaniwan ay maaaring mula sa Diyos at hindi mula sa aming sarili.” (Filipos 4:13; 2 Corinto 4:7) Samakatuwid, si Pablo ay may sapat na pagtitiwala sa kakayahan ni Jehova na palakasin siya sa maselang na sandali. Siya’y may pananampalataya.

Ang Pagpapalipat ng mga Bundok sa Ngayon

Hangarin mo ba na mapalawak pa ang iyong paglilingkod kay Jehova? Katulad ng daan-daang libong nasa lumalagong bilang ng buong-panahong mga mangangaral (mga payunir), ikaw man ay makadarama ng pagkaapurahan ng panahon na marahil taimtim na pinag-iisipan mo ang pagpapalawak ng iyong ministeryo. Gayunman, mayroon bang humahadlang na waring mahirap mapagtagumpayan na tulad ng isang mataas na bundok na nasa harapan mo? Kung gayon, ikaw ba’y makapagpapalipat ng mga bundok? Libu-libo ang nakagawa na sa kanilang pagsisikap na mapalawak ang kanilang paglilingkod kay Jehova. Narito ang ilan sa kanilang mga karanasan.

Isang kabataang sister na nagtapos sa paaralan na nangunguna sa kaniyang klase ay naghahangad na magpayunir, subalit ang mistulang bundok sa kaniya ay ang kawalan ng trabaho. Ganito ang kaniyang paglalahad:

“Ang aking negatibong kaisipan at pag-aalinlangan tungkol sa aking pagpapayunir ay naging hadlang para mapagtagumpayan ko ito. Palibhasa ako’y lubhang nababahala sa paghahanap ng trabaho bago ako magpasimula ng pagpapayunir, hindi ako naglalagak ng buong tiwala at kompiyansa kay Jehova at sa kaniyang kakayahan na maglaan para sa mga taong ang pagsamba sa kaniya ang inuuna. Ang laging nasa isip ko, ‘Una muna ay maghahanap ako ng trabaho, pagkatapos ay saka ko ibibigay ang aking aplikasyon sa pagpapayunir.’ Hindi ako nagpapayunir; totoo na sinasayang ko ang mahalagang panahon. Subalit, isa sa mga matatanda sa kongregasyon ang nagsabi na mientras naghihintay ako nang matagal upang magsimulang magpayunir, lalong magiging kaakit-akit ang buong-panahong trabaho, yamang walang makapipigil sa akin sa pagtanggi sa mga iyan.”

Ano ang ginawa ng sister na ito? “Ako’y nanalangin kay Jehova nang walang patid upang akayin ako ng kaniyang banal na espiritu at patnubayan ako sa aking mga pagkilos at pag-iisip.” Pagkatapos ng gradwasyon, ang sister na ito ay nag-auxiliary payunir, at pagkatapos siya ay nagregular payunir. Hindi nagtagal pagkatapos, siya’y nakasumpong ng angkop na trabahong sekular na hindi naman nakahahadlang sa kaniyang eskedyul bilang payunir.

Isang elder, na ang maybahay ay isang payunir at sila’y may dalawang anak na pinalalaki, ang nakadama na kailangang gumawa siya ng higit pa kaysa pagsusustento lamang sa kaniyang pamilya. Sa ilang mga tagapagmasid, ang mga kalagayang humahadlang sa kaniya sa pagpapayunir ay waring mahirap pagtagumpayan, gayunman ay ibig niyang mapalawak ang kaniyang ministeryo. Ano ba ang kailangang baguhin?

“Sa palagay ko ang pinakamalaking hadlang na kailangang pagtagumpayan ko ay ang aking sarili,” aniya. “Sa tuwina’y nagagalak akong maglingkod sa larangan, at sa pakikipag-usap sa mga nasa buong-panahong ministeryo at sa pagkakita sa tinatanggap nilang mga pagpapala, ako’y kanilang nahawa sa magandang saloobin na kanilang ipinakikita. Nakikini-kinita kong balang araw ay naroon na rin ako sa buong-panahong ministeryo. Ang problema sa aking kaisipan ay na pinag-isipan ko lamang ang pagpapayunir. Subalit hindi ako kailanman nagbigay ng petsa kung kailan ko gustong matupad ang tunguhing iyan.”

Pagkatapos ng pagbubulay-bulay na may kalakip na panalangin, ang kapatid na ito ay nagsimulang kumilos tungo sa kaniyang tunguhin na buong-panahong paglilingkod. Siya’y lumapit sa kaniyang superbisor sa trabaho, ipinaliwanag ang kaniyang intensiyon, at humiling na payagan siyang magtrabaho ng mga ilang oras lamang sa bawat sanlinggo. Kung tungkol sa patakaran ng kompanya, ang sistema ng eskedyul na ibig niya ay wala pang kaparis.

Ganito ang kaniyang pagpapatuloy: “Tinapos ng aking superbisor ang aming pag-uusap sa pagsasabing malamang na hindi ibigay sa akin ang eskedyul na hinihiling ko. Natitiyak ko na kung ang desisyon ay depende lamang sa kaniya, ang sagot ay magiging hindi. Kaya ang pagsang-ayon ay darating lamang sa pamamagitan ng tulong ni Jehova. Makalipas ang isang linggo at kalahati, inaprobahan ang aking bagong eskedyul buhat sa panguluhan. Matapos akong magpasalamat sa aking superbisor, ako’y sumakay sa aking kotse, lumayo ng mga ilang bloke, huminto sa tabi, at nagpahayag ako ng pasasalamat at pagpapahalaga kay Jehova. Oo, ang aking tunguhin na buong-panahong paglilingkod ay maaari nang matupad.”

Paanong ang isang may asawang sister ay “napalipat” ang kaniyang bundok? Ganito ang bida niya: “Ako’y may apat na anak at isang asawang di-sumasampalataya. Nang pag-isipan ko ang pagpapayunir, may napaharap sa akin na mga ilang balakid. Unang-una, ang aking asawa ay pansamantalang walang hanapbuhay, yamang ang kaniyang trabaho ay pana-panahon, at ako’y nagtatrabaho nang part-time upang makatulong sa mga gastusin. Kaya’t naisip ko na kahit na mayroon akong pagnanasa, hindi ako makapagpapayunir dahil sa aking kalagayan. Gayunman, dito kinailangan kong baguhin ang aking kaisipan. Natanto ko na kung patuloy na iisipin kong hindi ako makapagpapayunir, kailanman ay hindi ako makapagsisikap na subukin iyon. Ang susunod na mahalagang tanong na kinailangang sagutin ko ay, Saan ako kukuha ng lakas na magpayunir? Natuklasan ko ang sagot sa Filipos 4:13. Ako’y hindi lamang nanalangin kay Jehova tungkol sa bagay na iyon kundi ako’y nagsimulang umasa nang higit at higit sa kaniya. Gumawa rin ako ng praktikal na mga pagkilos upang makarating sa tunguhin ko sa pamamagitan ng pagsasaayos ng isang mabuting eskedyul at pagpapatala bilang isang auxiliary payunir. Sa paglakad ng panahon, patuloy na binuksan ni Jehova ang daan upang ako’y makapasok sa paglilingkurang payunir. Ang aking asawa’y nakabalik sa trabaho, at nagawa ko rin na ang aking trabahong part-time ay maging isang araw na lamang isang linggo. Hindi nagtagal pagkatapos nito, ako’y naging isang regular payunir.”

Bukod dito, ang pribilehiyo ng pag-aaral sa Pioneer Service School ay nabuksan sa kaniya, na naging isang malaking tulong sa kaniya sa ministeryo. “Ibig kong sabihin sa kaninuman na nag-iisip tungkol sa pagpapayunir na manalangin kay Jehova at ilagak iyon sa kaniyang mga kamay,” ang sabi niya. “Pagkatapos ay kumilos ka, at kaniyang pagpapalain ka dahilan sa pagsisikap mo.”​—Awit 37:5.

Hindi baga ang mga karanasang ito’y tumutulong sa inyo na kung paanong pagka may pananampalataya ang isang Kristiyano ay natutulungan siya na madaig ang tulad-bundok na mga balakid? Kung gayon, kung hangarin mo na magpayunir, suriin mo ang iyong mga kalagayan. Makipag-usap ka sa iba na nagpapayunir, at matuto ka buhat sa kanilang mga karanasan. Gumawa ka ng praktikal na mga hakbang tungo sa iyong tunguhin. At higit sa lahat, manalangin kay Jehova tungkol sa iyong hangarin; pagkatapos ay umasa kang siya ang magpapala sa iyong mga pagsisikap. Oo, ikaw man ay makapagpapalipat din ng mga bundok!

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share