Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w90 1/1 p. 7
  • “Maningas sa Espiritu” sa Mexico

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • “Maningas sa Espiritu” sa Mexico
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1990
  • Kaparehong Materyal
  • Kaligayahan ang Humalili sa Panlulumo
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1990
  • Aborsiyon—Ang Kaalaman ay Nagdadala ng Pananagutan
    Gumising!—1987
  • Sinikap ng mga Doktor na Kunin ang Aming Anak na Babae
    Gumising!—1989
  • Kapag Nagkaanak Na Kayo
    Puwedeng Maging Masaya ang Iyong Pamilya
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1990
w90 1/1 p. 7

Report ng mga Tagapagbalita ng Kaharian

“Maningas sa Espiritu” sa Mexico

“ANG buong bansa ay waring nagniningas at pumapalag sa kasiglahan ng gawain.” Ganiyan ang isinulat ng sangay ng Watch Tower Society sa Mexico, at ano ngang pagkatotoo ng pangungusap na iyan! Ang kasiglahan ng gawain sa bansang iyan ay pinatutunayan ng bagay na magpahanggang noong Agosto, may sunud-sunod na 70 buwanang peak, na umabot sa sukdulang 277,436 na mamamahayag. Isa pa, mahigit na 425,000 mga pag-aaral sa Bibliya ang iniulat, at ang dumalo sa Memoryal noong nakaraang taon ay umabot sa 1,040,000. Anong inam na basehan para sa pagsulong sa hinaharap!

Isang tampok ng 1989 ay ang pagbabago ng kalagayan ng mga Saksi ni Jehova sa Mexico. Kaya naman, ang Bibliya ay sa unang pagkakataon magagamit na sa pangangaral sa bahay-bahay, at ang mga pulong ay maaaring pasimulan sa panalangin. Ito ay nagkaroon karakaraka ng epekto. Sa loob ng dalawang buwan, ang bilang ng mga mamamahayag ay naragdagan ng mahigit na 17,000.

Ang kagalakan ng mga kapatid dahil sa nangyaring ito ay makikita sa kanilang mga komento. Ang isa’y sumulat: “Nang basahin ang liham sa kongregasyon, iyon ay makalawang nahinto dahil sa malakas na palakpakan. Labis na nakagagalak nga!” Isa pa ang nagsabi: “Hindi namin mapigil ang mga luha ng kagalakan. Ang mga resulta’y mahahalata sa bagay na lahat ay nagsisikap na makarating sa oras. Nais ng bawat isa na siya’y naroroon na para makasali sa pambungad na panalangin.”

“Sa aming teritoryo,” ang sabi ng isa pang Saksi, “isang babaing masigasig sa programa ng pag-aaral sa Bibliya ng Iglesiya Katolika ang nagkumento: ‘Kung dati’y nagkukomento lamang sila at nag-iiwan ng kanilang mga magasin, [mga Saksi ang tinutukoy] ay wala na tayong masabing gaputok man, ngayon na kanilang binubuklat ang Bibliya sa mga bahay-bahay, lagot na tayo!’ ”

Pinag-iibayo rin ng mga Saksi ni Jehova sa Mexico ang impormal na pagpapatotoo sa tulong ng Bibliya. Isang sister ang lumapit sa isang babae na nagtanong kung ano ang palagay niya tungkol sa aborsiyon. Ang tugon ng Saksi: “Ang opinyon ko ay hindi kasinghalaga ng sinasabi ng Bibliya.” Pagkatapos basahin ang ilang mga talata, ang sister ay nangatuwiran: “Sa Maylikha ang buhay ay napakahalaga, maging ang buhay man niyaong mga hindi pa isinisilang.”

Pagkatapos ay ipinagtapat ng babae na siya’y buntis sa kaniyang panganay, ngunit ipinakikita ng pagsusuri sa kaniya na ang sanggol ay isisilang nang may kapansanan. Ibig ng kaniyang doktor na palaglagin niya ang sanggol, at sumang-ayon naman ang kaniyang asawa, subalit ang babae ay nag-aalangan. Ang mamamahayag ay nangatuwiran pa rin buhat sa Bibliya, ibinigay ang kaniyang pangalan at pagkatapos ay naghiwalay na sila.

Limang taon ang nakalipas at sa isang pandistritong kombensiyon, isang mag-asawang may apat-na-taóng-gulang na anak ang ibig na makipagkita sa sister at sa kaniyang asawa. Iyon din ang babaing nakausap niya! Ano kaya ang nangyari? Pagkatapos ng kaniyang pakikipag-usap sa Saksi, ipinasiya ng babae na huwag ipalaglag ang kaniyang sanggol. Ang kaniyang doktor ay tumangging makipagkita uli sa kaniya, at maging ang kaniyang asawa man ay nagbantang iiwanan siya kung ang sanggol ay isisilang nang may kapansanan. Nang sumapit ang panahon upang isilang ang sanggol, siya’y naparoon upang humingi ng tulong sa unang-unang doktor na masusumpungan niya.

Karakaraka pagkatapos na maisilang ang sanggol, sinabi ng doktor: “Maligayang bati, nanay! Napakaganda ang inyong baby.” Palibhasa’y hindi makapaniwala sa kaniyang narinig, kaniyang hiniling sa doktor na suriing maingat ang sanggol. Pagkatapos ay ikinuwento niya sa doktor ang kaniyang istorya. Walang nasabi ang doktor kundi: “Ito ay isang milagro.” Ikinagalak ng babae ang bagay na siya’y nagkaroon ng lakas ng loob na igalang ang pangmalas ni Jehova tungkol sa kabanalan ng buhay. At ang kaniyang maganda, malusog na sanggol ay pinanganlan niyang gaya ng pangalan ng sister. Karakaraka nang magkaroon siya ng sapat na lakas, kaniyang hinanap ang mga Saksi at sinimulan niya ang pakikipag-aral sa kanila ng Bibliya. Nang wala pang isang taon, siya at ang kaniyang asawang lalaki ay nabautismuhan.

Si apostol Pablo ay nagpayo: “Maging maningas sa espiritu. Magpaalipin kay Jehova.” (Roma 12:11) Ang mga Saksi ni Jehova sa Mexico, tulad ng tunay na mga Kristiyano saanmang lugar, ay buong pusong tumutugon sa payong ito. Kaya naman ang buong bansa ay nagniningas at pumapalag sa kasiglahan ng espirituwal na gawain. Anong saganang pinagpapala ni Jehova ang kaniyang mga tapat na lingkod!

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share