Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w97 3/1 p. 3
  • Ang Paglaganap ng Pundamentalismo

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Paglaganap ng Pundamentalismo
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1997
  • Kaparehong Materyal
  • Pundamentalismo—Ano ba Ito?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1997
  • Bahagi 20—Ika-19 na Siglo Patuloy—Nalalapit Na ang Pagsasauli!
    Gumising!—1989
  • Isang Mas Mabuting Paraan
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1997
  • Karaniwang mga Tanong
    Gumising!—2010
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1997
w97 3/1 p. 3

Ang Paglaganap ng Pundamentalismo

PUNDAMENTALISMO​—mga ilang dekada ang mabilis na nagdaan, ito ay isa lamang maliit na kilusan sa loob ng Protestantismo. Ibang-iba na ngayon! Si Bruce B. Lawrence, isang komentarista sa relihiyon, ay sumulat na 30 taon na ang nakalilipas, iilan lamang ang makaiisip na sa bandang katapusan ng ika-20 siglo, ang pundamentalismoa ay magiging gayong kahalaga at napakadalas pa nga na tema ng mass media at ng pagsasaliksik sa mga pamantasan.

Gayunman, ganiyan ang nangyayari. Ang mga ulat sa pahayagan tungkol sa mararahas na demonstrasyon sa kalye, mga pagpaslang, mga kilusan laban sa aborsiyon, pulitikal na pagmamaniobra ng mga maimpluwensiyang grupong relihiyoso, at mga lantarang pagsusunog ng mga aklat na itinuturing na mapamusong ay palaging nagpapaalaala ng mga pagkilos ng mga pundamentalista. Sinabi ng lingguhang pampinansiyal na babasahing Mondo Economico sa Italya na halos sa lahat ng dako ang pundamentalismo ay “umaatake sa ngalan ng Diyos.”

Malimit na ilarawan ang mga pundamentalista bilang labis at panatiko, nagpapakana ng mga sabuwatan at nagsasagawa ng mga pag-atake ng mga terorista. Nababahala ang mga tao sa paglago ng gayong mga grupo tulad ng Comunione e Liberazione sa Romanong Katolisismo, Gush Emunim sa Judaismo, at ng Christian Coalition sa Protestantismo ng Hilagang Amerika. Bakit lumalaganap ang pundamentalismo? Ano ang nag-uudyok nito? Iyon kaya marahil “ang paghihiganti ng Diyos,” gaya ng ipinahihiwatig ng Pranses na sosyologong si Gilles Kepel?

[Talababa]

a Ang isang pundamentalista ay isa na mahigpit na nanghahawakan sa tradisyunal, konserbatibong mga pamantayan sa relihiyon. Ang kahulugan ng “pundamentalismo” ay tatalakayin nang lubusan sa susunod na artikulo.

[Picture Credit Line sa pahina 3]

Nina Berman/Sipa Press

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share