Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w13 6/1 p. 16
  • Sagot sa mga Tanong sa Bibliya

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2013
  • Kaparehong Materyal
  • Tunay na Kapayapaan—Saan Kaya Magmumula?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1997
  • Sino ang Aakay sa Sangkatauhan sa Kapayapaan?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1990
  • “Ang Kapayapaan ng Diyos” ang Mag-ingat Nawa sa Inyong Puso
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1991
  • Kapayapaan ng Diyos Para sa mga Tinuruan ni Jehova
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1987
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2013
w13 6/1 p. 16

SAGOT SA MGA TANONG SA BIBLIYA

Bakit napakailap ng kapayapaan sa daigdig?

Tanging ang gobyerno na makapagpapabago sa puso ng mga tao ang magdudulot ng kapayapaan sa daigdig

Dalawang pangunahing dahilan ang tinutukoy sa Bibliya. Una, bagaman ang mga tao ay nakagawa ng mga kahanga-hangang bagay, hindi sila nilalang na may kakayahang magtuwid ng kanilang sariling mga hakbang. Ikalawa, bigo ang mga plano ng tao dahil “ang buong sanlibutan ay nasa kapangyarihan ng isa na balakyot,” si Satanas na Diyablo. Kaya naman ang mga pagsisikap ng tao ay hindi nakapagdulot ng kapayapaan sa daigdig.​—Basahin ang Jeremias 10:23; 1 Juan 5:19.

Naging mailap din ang kapayapaan sa daigdig dahil sa pagkamakasarili at ambisyon ng tao. Tanging ang pandaigdig na gobyerno na makapagtuturo sa mga tao na ibigin ang tama at magmalasakit sa isa’t isa ang magdudulot ng kapayapaan sa daigdig.​—Basahin ang Isaias 32:17; 48:18, 22.

Sino ang magtatatag ng kapayapaan sa lupa?

Nangako ang Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat na magtatatag siya ng isang gobyernong mamamahala sa lahat ng tao. Ito ang papalit sa mga gobyerno ng tao. (Daniel 2:44) Ang Anak ng Diyos, si Jesus, ay mamamahala bilang Prinsipe ng Kapayapaan. Aalisin niya ang lahat ng kasamaan sa lupa at tuturuan ang mga tao na mamuhay nang payapa.​—Basahin ang Isaias 9:6, 7; 11:4, 9.

Sa ilalim ng patnubay ni Jesus, milyun-milyon na sa buong daigdig ang gumagamit ng Salita ng Diyos, ang Bibliya, para turuan ang mga tao na magkaroon ng mapayapang kaugnayan sa iba. Di-magtatagal, iiral na ang kapayapaan sa buong daigdig.​—Basahin ang Isaias 2:3, 4; 54:13.

Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang kabanata 3 ng aklat na ito, Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?, na inilalathala ng mga Saksi ni Jehova

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share