Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w15 9/1 p. 16
  • Sagot sa mga Tanong sa Bibliya

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2015
  • Kaparehong Materyal
  • Kung Bakit Mahalaga sa Iyo ang mga Hula sa Bibliya
    Gumising!—1988
  • Namamahala Na ang Kaharian!
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2022
  • The Bible—Accurate History, Reliable Prophecy
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2010
  • Pag-aralan ang mga Hula sa Bibliya
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2023
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2015
w15 9/1 p. 16

SAGOT SA MGA TANONG SA BIBLIYA

Bakit may mga hula sa Bibliya?

Kausap ni Jesus ang ilan sa kaniyang mga apostol sa Bundok ng mga Olibo

Bakit inilalarawan ng bibliya ang mga pangyayari sa ating panahon?—Lucas 21:10, 11.

Maraming detalyadong hula sa Bibliya. Walang tao ang detalyadong makahuhula ng mangyayari sa hinaharap. Kaya ang katuparan ng mga hula sa Bibliya ay nakakakumbinsing ebidensiya na ang Bibliya ay Salita ng Diyos.​—Basahin ang Josue 23:14; 2 Pedro 1:20, 21.

Ang mga hula sa Bibliya na natupad na ay matibay na saligan para manampalataya tayo sa Diyos. (Hebreo 11:1) Pinatitibay rin nito ang pagtitiwala natin na matutupad ang mga pangako ng Diyos tungkol sa isang magandang kinabukasan. Kaya ang Bibliya ay nagbibigay sa atin ng tiyak na pag-asa.​—Basahin ang Awit 37:29; Roma 15:4.

Paano tayo tinutulungan ng mga hula sa Bibliya?

May mga hula na nagbibigay sa mga lingkod ng Diyos ng babala para kumilos. Halimbawa, nang makita ng mga Kristiyano noong unang siglo na natutupad ang ilang hula, umalis sila sa Jerusalem. Nang mawasak ang lunsod dahil tinanggihan ng karamihan si Jesus, ang mga Kristiyano ay nasa ligtas na lugar na, malayo sa Jerusalem.​—Basahin ang Lucas 21:20-22.

Sa ngayon, ipinakikita ng mga natupad na hula na malapit nang wakasan ng Kaharian ng Diyos ang mga kaharian at gobyerno ng tao. (Daniel 2:44; Lucas 21:31) Kaya dapat apurahang kumilos ngayon ang bawat tao para makamit ang pagsang-ayon ni Jesu-Kristo, na hinirang ng Diyos bilang Hari.​—Basahin ang Lucas 21:34-36.

Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang kabanata 2 ng aklat na Ano Ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya? na inilalathala ng mga Saksi ni Jehova

Available din sa www.jw.org/tl

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share