The Bible—Accurate History, Reliable Prophecy
Ano ang katibayan na kasuwato ng kasaysayan ang ulat ng Bibliya? Anong natupad na mga hula ang nagbibigay sa atin ng kumpiyansa na matutupad ang iba pang hula? Tatalakayin ang mga tanong na ito sa video na The Bible—Accurate History, Reliable Prophecy, ang ikatlong video presentation sa DVD na The Bible—A Book of Fact and Prophecy. Matapos manood, masasagot mo ba ang mga tanong na ito?
(1) Sino ang Pinagmulan ng mapagkakatiwalaang impormasyon sa Bibliya? (Dan. 2:28) (2) Paano tumpak na inilalarawan ng Bibliya ang sinaunang Ehipto, at paano natupad ang hula na nakaulat sa Isaias 19:3, 4? (3) Paano pinatunayan ng arkeolohiya ang paglalarawan ng Bibliya sa mga Asiryano, sa kanilang mga hari, at sa wakas ng Asirya? (Na. 3:1, 7, 13) (4) Anong mga hula may kinalaman sa Babilonya ang natupad? (Jer. 20:4; 50:38; 51:30) (5) Anong hula tungkol sa Medo-Persia ang natupad? (Isa. 44:28) (6) Paano natupad ang Daniel 7:6 at 8:5, 8 may kaugnayan sa Gresya? (7) Paano natupad ang Daniel 7:7 sa pagbangon ng Roma bilang kapangyarihang pandaigdig? (8) Sinu-sinong Cesar ang binabanggit sa Bibliya? (9) Ano ang nangyari sa mga Kristiyano sa ilalim ng pamamahala ni Nero? (10) Paano natupad ang mga hula sa Apocalipsis 13:11 at 17:10? (11) Ano ang pagkakakilanlan ng ikawalong hari? (12) Anong mga eksena sa video ang nagpapatunay na totoo ang sinasabi ng Eclesiastes 8:9? (13) Anong mga hula ang pinakahihintay mong matupad sa hinaharap? (14) Paano mo magagamit ang video na ito upang kumbinsihin ang iba na ang Bibliya ay mula sa Diyos?