Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 10/85 p. 1-2
  • Pagpapamalas sa “Espiritu ng Pananampalataya”

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pagpapamalas sa “Espiritu ng Pananampalataya”
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1985
  • Kaparehong Materyal
  • Sasama Na ba Kayo sa Ranggo ng mga Payunir?
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1986
  • Paglilingkurang Payunir—Ito ba’y Para sa Inyo?
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1987
  • Ang Regular Payunir na Paglilingkuran—Isang Paanyayang Aakay sa Higit na Kaligayahan
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1987
  • Paglilingkuran Bilang Payunir—Ito Ba’y Para sa Iyo?
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1998
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—1985
km 10/85 p. 1-2

Pagpapamalas sa “Espiritu ng Pananampalataya”

1 Nangangailangan ng tunay na pananampalataya upang may katapangang magsalita ng pabalita ng Kaharian ng Diyos. Ang apostol Pablo ay sumulat: “Nguni’t yamang mayroong gayon ding espiritu ng pananampalataya, na gaya ng nasusulat . . . kami naman ay nagsisisampalataya at kaya’t kami naman ay nangagsasalita.” (2 Cor. 4:13) Ang bayan ni Jehova sa ngayon ay nagtataglay ng gayong pananampalataya. At tayo ay nagsalita nga—ng mahigit sa 505 milyong oras sa 1984 taon ng paglilingkod! Kabilang sa mga nanguna sa pagpapamalas ng tunay na Kristiyanong pananampalatayang ito ay ang mga payunir. Ang mga mamamahayag ng kongregasyon ay kapuri-puring nagpamalas din ng tunay na pananampalataya.

2 Bilang isang mamamahayag ng Kaharian kayo ay nagtataglay ng mahalagang dako sa makabagong lipunang teokratiko. Ang pananampalataya na ito na ang mga huling araw lakip ang pagkakaroon ng pagkaapurahan ay makapagpapakilos sa inyo na suriing may pananalangin ang inyong kalagayan upang makita kung makagagawa pa kayo nang higit bilang isang mamamahayag ng Kaharian, at marahil ay makapagpayunir pa. Kayo ba ay may pampamilyang pananagutan? Mga pananagutan sa kongregasyon? Marahil ay hindi gaanong mahusay ang inyong kalusugan. Ang ilan ay mayroong suliranin sa pananalapi. Ang iba naman ay maaaring nakadarama na sila ay lubhang matanda na. Para sa ilan ang mga ito ay makatuwirang dahilan sa hindi pagpasok sa gawaing payunir. Subali’t ang sampu-sampung libo sa ating mga kapatid ay naglagay sa paglilingkurang payunir bilang tunguhin sa harapan nila at kapag ipinahihintulot ng pagkakataon ay maligayang pumapasok sa ranggo ng mga payunir.

3 “Ang kapanatagan sa mga bagay na hinihintay” natin bilang mga Kristiyano ay dapat na makaimpluwensiya sa ating mga pagpapasiya at malalim na makaapekto sa ating buhay. Kung kayo ay nasa huling taon na ng high school, tanungin ang inyong sarili: ‘Papaano ko ba maipakikitang mabuti ang aking pag-ibig sa Diyos at kay Kristo bilang isang kabataang malaya sa anumang pananagutan?’ Ang paghahangad ba ng materyal ay nag-aalis ng kagalakan sa ibayong paglilingkod sa ilan na nasa inyong sambahayan? Nasumpungan ng ilan na nagretiro sa kanilang hanapbuhay na ang kanilang bagong kalagayan ay nagbubukas ng pintuan para sa paglilingkurang payunir. Anuman ang inyong kalagayan, ang inyong pananampalataya ay maaaring ganap na maipahayag sa pamamagitan ng may katapatang pagsasaalang-alang sa inyong kalagayan taglay ang pangmalas na maglingkuran bilang isang regular payunir.—Heb. 11:1.

4 Ang ranggo ng payunir ay sumulong mula 5,583 noong Setyembre, 1984 tungo sa 7,241 noong Mayo, 1985. Pagkatapos noong Hunyo ang pinakamataas na bilang na 419 na mga bagong regular payunir ang inaprobahan. Maaari ba kayong sumama sa sumusulong na bilang ng mga payunir? Marahil ay mapag-iisipan ninyo ito sa Nobyembre, o marahil ay sa pagpapasimula ng taong 1986.

5 Makagagawa ba kayo ng tiyak na mga plano upang magpayunir kahit na isang taon lamang? Ang pagtupad ninyo sa pangako ay magbibigay sa inyo ng karagdagang dahilan upang gawin iyon. Kung hindi ninyo maisaayos ang inyong mga kalagayan upang maglingkod ngayon bilang isang regular payunir, ang inyo bang paglilingkod bilang isang mamamahayag ng kongregasyon ay mapasusulong o maaari ba kayong maglingkod bilang isang auxiliary payunir sa pana-panahon o nang patuluyan? Ang pananampalataya ay lumalaki kapag isinasagawa. Ang inyong pananampalataya at pagtitiwala ay maaaring mapalaki sa pamamagitan ng pagiging auxiliary payunir, at baka mapatunayan ninyo na taglay ang tulong at pagpapala ni Jehova kayo ay makapaglilingkod bilang isang regular payunir.—Mal. 3:10; Luk. 14:28-30.

6 Ang “espiritu ng pananampalataya” ay tunay na nakikita sa bayan ni Jehova sa buong daigdig ngayon. Yaong nagpapakita ng gayong pananampalataya sa pamamagitan ng pagpapasulong ng kanilang bahagi sa gawaing pangangaral at pagtuturo ay mayamang pinagpapala ni Jehova at nakakasumpong ng tunay na kagalakan at layunin sa buhay. Maaari ba ninyong mapasulong ang inyong bahagi, marahil ay sa pamamagitan ng pagiging auxiliary payunir sa Nobyembre? Bakit hindi isaalang-alang na payamanin ang inyong sarili sa espirituwal sa pamamagitan ng pagiging auxiliary o regular payunir sa malapit na hinaharap?

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share