Maaari ba Kayong Mag-auxiliary Payunir sa Nobyembre?
1 Ang Organisado Upang Ganapin ang Ating Ministeryo, pahina 114, ay nagsasabi: “Anoman ang inyong personal na kalagayan sa buhay, kung kayo’y nabautismuhan na, may mabuting pag-uugali, makapagsasaayos na abutin ang kahilingan na 60 oras isang buwan sa ministeryo sa larangan at naniniwala na makapaglilingkod kayo ng isa o higit pang mga buwan bilang auxiliary payunir, malulugod ang matatanda na isaalang-alang ang inyong aplikasyon para sa pribilehiyong ito ng paglilingkod.” Samakatuwid, ang paglilingkurang auxiliary payunir ay maaaring tamasahin ng halos lahat ng bautisadong mamamahayag. Maaari ba kayong makibahagi sa pribilehiyong ito sa Nobyembre?
2 Noong Nobyembre, 1986, 4,459 ang nag-auxiliary payunir, na ito’y 5 porsiyento ng kabuuang mamamahayag. Hindi ba magiging mainam kung hindi bababa sa 10 porsiyento ang makapag-auxiliary payunir sa Nobyembre sa taóng ito? Bakit hindi gawin itong tunguhin sa inyong kongregasyon?
3 Huwag magpasiya agad na hindi ninyo kayang maglingkod. Matanda at bata—ang iba’y malusog at ang iba’y masakitin—ang nakapaglingkod bilang auxiliary payunir sa loob ng isa o higit pang buwan. Nangangailangan ito ng sakripisyo at pagsisikap, subali’t sulit naman sa mga pagpapalang tatanggapin.—Luk. 13:24; 1 Cor. 9:16.
4 Nakatutulong ang paggawa ng isang praktikal na eskedyul na magpapahintulot sa inyo na gumugol ng promedyo na dalawang oras sa paglilingkod araw-araw. Huwag kaligtaang idulog ito kay Jehova sa panalangin, at anyayahan ang ibang sumama sa inyo. Buong-puso namin kayong inaanyayahan na makisama sa maraming mag-aauxiliary payunir sa Nobyembre.