Gawing Mabisa ang Paggamit ng mga Artikulong may Pantanging Layunin
1 Sa buong daigdig, mula noong 1979 hanggang 1987, ang produksiyon ng magasin ay lumundag mula sa 394,899,446 tungo sa 585,369,060, na halos ay 50-porsiyentong pagsulong. At mahigit sa 1,135,585,000 mga kopya ng Ang Bantayan at Gumising! ang nailathala sa nakaraang dalawang taon. Subali’t ang katanungan ay, Maaari ba nating gawing higit na mabisa ang paggamit ng ating mga magasin?
2 Upang matulungan kayong gawin ito, ang Ating Ministeryo sa Kaharian ay magbibigay nang patiunang patalastas hinggil sa mga artikulong may pantanging layunin o mga artikulong kukuha ng pantanging interes ng isang partikular na grupo ng mga tao sa inyong teritoryo. May ibibigay na mga mungkahi kung kanino maaaring tumawag-pansin ang mga ito. Kung nais ng mga mamamahayag ng ekstrang kopya, ang mga ito ay kailangang pididuhin karakaraka.
3 Halimbawa, ang Setyembre 8 ng Gumising! ay magtatampok ng paksang “Mga Magulang—Kayo Man ay May Araling-Bahay!” Ang mga artikulo ay dapat na makatawag-pansin sa bawa’t guro sa paaralan at sa nangangasiwa ng paaralan sapagka’t idiniriin ng mga ito ang pananagutan ng mga magulang na makipagtulungan sa sistema ng paaralan sa pagtuturo sa kanilang mga anak.
4 Ang Oktubre 8 ng Gumising! ay may lubusang pagtalakay sa sakit na AIDS, na kukuha ng tunay na interes ng maraming mga tao, lakip na yaong nasa propesyon ng medisina. At ang Oktubre 22 ng Gumising! ay tatalakay sa isyu ng diborsiyo at pangangalaga sa bata. Nanaisin ninyong mag-iwan ng kopya sa bawa’t abogado at tagapayo ng pamilya sa inyong teritoryo.