Pumidido ng Magasin Para sa Pantanging Kampanya
Ang Bantayan sa Abril at Mayo ay magtatampok ng mga artikulo na naglalantad sa Babilonyang Dakila. Ang resolusyong pinagtibay sa “Banal na Katarungan” na mga Pandistritong Kombensiyon ay ilalathala sa Abril 15 ng Bantayan. Nanaisin nating gumawa ng pinakamalawak na pamamahagi nito hangga’t maaari tulad na rin ng iba pang magasin sa loob ng dalawang buwang kampanya ng suskripsiyon.
Bilang karagdagan pa sa pantanging pagsisikap na ito ng lahat na maipamahagi Ang Bantayan at Gumising!, walang pagsalang marami ang magpapatala bilang mga auxiliary payunir at mangangailangan ng ekstrang magasin sa kampanyang ito. Dapat na alamin kaagad ng mga kongregasyon ang kanilang pangangailangan at pumidido karakaraka ng mga magasin para sa Abril at Mayo.