Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 2/96 p. 2
  • Maghanda Para sa Gawain sa Magasin sa Abril

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Maghanda Para sa Gawain sa Magasin sa Abril
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1996
  • Kaparehong Materyal
  • Ang Abril Ba ay Magiging Isang Pantanging Buwan Para sa Inyo?
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1993
  • Magagawa Ba Natin ang Abril 2000 na Ating Pinakamabuting Buwan Kailanman?
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2000
  • Ang Namumukod-Tanging mga Magasin ay Itinatampok
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1990
  • Ano ang Inyong mga Plano Para sa Abril?
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1989
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—1996
km 2/96 p. 2

Maghanda Para sa Gawain sa Magasin sa Abril

Gaya ng ipinakikita sa ating 1996 Calendar, ang Hapunan ng Panginoon ay ipagdiriwang sa taóng ito sa Abril 2. Dahilan sa kasiglahang idinudulot ng dakilang okasyong ito, hayaang makisama ang lahat sa masigasig na pamamahagi ng magasin sa buong Abril. Tunay na napapanahong mga magasin ang gagamitin natin! Ang Bantayan para sa Abril 1 ay magtutuon ng pansin sa pahayag pangmadla sa nakaraang taóng pandistritong kombensiyon na, “Purihin ang Haring Walang-Hanggan!” Ang Abril 15 ng Bantayan ay gagamit ng tema ng pantanging pahayag pangmadla nang nakaraang Abril na, “Malapit na ang Wakas ng Huwad na Relihiyon.” At ang pantanging pahayag sa taóng ito sa Abril 21 na, “Pananatiling Walang Kapintasan sa Gitna ng Isang Likong Lahi,” ay dapat na magbigay ng karagdagang pampasigla sa ating gawaing pang-Kaharian. Itatampok natin sa panahong iyon ang Abril 22 ng Gumising! sa paksang “Kapag Wala Nang Digmaan.”

Bilang kasunod sa kampanya ng Kingdom News noong nakaraang Abril, ang Abril na ito ay dapat na maging isang namumukod-tanging buwan para sa pamamahagi ng magasin. Ngayon na ang panahon para gumawa ng mga plano. Marami ang magnanais na magpatala bilang mga auxiliary pioneer. Bilang paghahanda dito, dapat pumidido ng ekstrang kopya ng mga magasin sa Abril. Maaaring gumawa ng mga plano para sa mga Araw ng Magasin, na mababahaginan ng bawat isa, sa umaga, sa tanghali, at/o sa gabi. Tayo nawang lahat ay “maging tagatupad ng salita.” Gaya ng inihula hinggil sa Mesiyas sa Awit 69:9, tayo nawa’y makapagsabi rin: “Uubusin ako ng sigasig para sa iyong bahay.”—Sant. 1:22; Juan 2:17.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share