Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 9/10 p. 3
  • Tanong

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Tanong
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2010
  • Kaparehong Materyal
  • Pakikinabang Mula sa Ating mga Pahayag Pangmadla
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1998
  • Tanong
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1990
  • Serye ng mga Pahayag Pangmadia sa Aklat na Worldwide Security
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1987
  • Serye ng mga Pahayag Pangmadla sa Bagong Aklat na Creation
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1986
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—2010
km 9/10 p. 3

Tanong

◼ Dapat bang mamahagi ang mga Saksi ni Jehova ng inirekord o isinulat na mga pahayag?

Napapatibay tayo at napapasigla ng mga pahayag na salig sa Bibliya. (Gawa 15:32) Kaya natural lang na gusto nating ibahagi ang mga nakapagpapatibay na impormasyong iyon sa mga hindi nakadalo. At dahil marami nang gadyet sa pagrerekord ngayon, napakadali nang irekord at ipamahagi sa iba ang isang pahayag. Ang ilan ay may koleksiyon ng mga inirekord na pahayag, pati na ng mga pahayag na ibinigay maraming taon na ang nakalilipas. Ipinahihiram nila o ipinamamahagi ang mga iyon sa mga kaibigan taglay ang mabuting motibo. Ang iba naman ay gumagawa ng mga Web site kung saan puwedeng makapag-download ng pahayag.

Totoo, maaari naman tayong magrekord ng mga pahayag para sa ating sarili o sa mga miyembro ng ating pamilya. Puwede ring isaayos ng mga elder na irekord ang mga ito para mapakinggan ng mga kapatid na maysakit o may kapansanan na hindi makadalo sa mga pulong. Pero may mabubuting dahilan para hindi natin ipamahagi ang isinulat o inirekord na mga pahayag.

Ang mga pahayag ay kadalasan nang nakadepende sa lokal na pangangailangan ng mga kapatid. Kaya baka mali ang maging pagkaunawa natin sa isang ipinamahaging pahayag dahil hindi natin alam ang sitwasyon nang ibigay ito. Isa pa, dahil mahirap matiyak kung sino ang nagpahayag at kailan, mahirap ding masiguro kung tumpak at pinakabago ba ang impormasyong iniharap dito. (Luc. 1:1-4) Gayundin, kapag ipinamahagi ang mga isinulat o inirekord na pahayag, maaaring magbigay o tumanggap ang ilan ng di-nararapat na atensiyon at paghanga.—1 Cor. 3:5-7.

Ang tapat at maingat na alipin ay nagsisikap na maglaan ng “takdang” espirituwal na pagkain “sa tamang panahon.” (Luc. 12:42) Kasama dito ang kaayusan para sa mga pahayag na ibinibigay sa mga kongregasyon ng mga Saksi ni Jehova at mga rekording na mada-download sa opisyal na Web site na jw.org. Makapagtitiwala tayo na ang tapat at maingat na alipin at ang Lupong Tagapamahala ay maglalaan ng kailangan natin upang tayo ay mapatatag sa pananampalataya.—Gawa 16:4, 5.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share