Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 10/90 p. 7
  • Pagpapahalaga sa Ating mga Payunir

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pagpapahalaga sa Ating mga Payunir
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1990
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • BAKIT?
  • SA KONGREGASYON
  • PASIGLAHIN ANG MGA PAYUNIR
  • Pagtangkilik sa mga Payunir
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1992
  • Ang mga Pagpapala sa Ministeryong Pagpapayunir
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1997
  • Ang mga Pagpapala ng Pagpapayunir
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2003
  • Ang Patuloy na Pagsulong ay Humihiling na Gawing Payak ang mga Pamamaraan
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1986
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—1990
km 10/90 p. 7

Pagpapahalaga sa Ating mga Payunir

1 Ang mga manggagawa para sa Kaharian ng Diyos ay nagpapalakasan sa isa’t isa. (Col. 4:11) Kapag isinasaalang-alang natin na ang pangunahing gawain ng Kristiyanong kongregasyon ay ang mangaral ng mabuting balita, may matinding dahilan upang pahalagahan ang mga buong panahong manggagawa na nasa gitna natin.—Mar. 13:10; Roma 16:2; Fil. 4:3.

BAKIT?

2 Sa tuwirang paraan, ang mga payunir ay nagpapatibay sa kongregasyon sa pamamagitan ng paggawa kasama ng mga mamamahayag na kulang pa ang karanasan sa iba’t ibang larangan ng gawaing pangangaral. Saklaw nito ang pagpapatotoo sa pamamagitan ng magasin, paghahanda at pagsasagawa ng mga pagdalaw-muli, pagtatatag at mabisang pagdaraos ng pantahanang pag-aaral sa Bibliya. Bukod dito, ang mga payunir ay makapagbibigay ng halimbawa sa impormal na pagpapatotoo taglay ang tibay ng loob. Ang kanilang pagtangkilik sa kaayusan sa gitnang sanlinggong paglilingkod ng grupo ay nagbibigay sa kanila ng pagkakataon na makatulong sa iba. Ang kanilang positibong impluwensiya sa larangan ay nadarama lalo na kapag ang mga payunir ay tumatangkilik sa paglilingkod sa larangan sa dulong sanlinggo, panahon na ang karamihang mamamahayag ay lumalabas.

3 Ang mga payunir ay nakatutulong sa kongregasyon sa lubos-lubusan at malimit na pagkubre sa teritoryo. Ito’y nagpapangyaring higit na makilala ng mga tao ang ating pabalita at madama natin ang pagiging higit na palagay kapag dumadalaw sa kanila dahilan sa nakikilala nila tayo.

SA KONGREGASYON

4 Ang marami ay napatibay na pumasok sa buong panahong paglilingkod dahilan sa ang kanilang puso ay nasaling ng sigasig at sigla ng tapat na mga payunir. Ang isang kapatid na babae ay nag-aatubiling magpayunir dahilan sa walang payunir sa kongregasyon. Subali’t nang mapasigla ng tagapangasiwa ng sirkito, nagpatuloy siya at nagpatala. Ang iba ay sumunod din, at ang kongregasyon ngayon ay marami nang masisigasig na payunir.

5 Maaaring may panahon na hihilingin ng mga matatanda na tumulong ang isang payunir sa isang tao na naging di palagian at di aktibo. Sa pagtulong na ito ay maaaring kalakip ang pagdaraos ng pag-aaral sa Bibliya sa indibiduwal. Ang pananampalataya at sigasig ng payunir ay makatutulong sa pagpapasiglang muli sa pag-ibig ng tao sa katotohanan at pagpapasigla sa kaniya na gumawa upang tuparin ang kaniyang mga obligasyon sa pag-aalay.—1 Tes. 5:14.

PASIGLAHIN ANG MGA PAYUNIR

6 Ang mga payunir, samantalang malaki ang nagagawa upang pasiglahin ang iba, sa ganang sarili ay nangangailangan din ng pampatibay-loob upang patuloy na maging maligaya sa kanilang paglilingkuran. (Roma 1:12) Kayo ba ay nakikipag-usap sa positibong paraan hinggil sa ministeryo ng pagpapayunir? Kailan huli ninyong pinapurihan ang isang payunir dahilan sa kaniyang espiritu ng pagsasakripisyo-sa-sarili? Pinahahalagahan ng mga payunir lalo na ang pagkakaroon ng kasama sa paglilingkod sa larangan sa mga oras na iilan lamang mga mamamahayag ang lumalabas. Maaari ba ninyong samahan ang mga payunir at marahil ay gumugol ng mas mahabang oras sa pagtangkilik sa gawaing pangangaral?

7 Papaano pa ninyo mapasisigla ang mga payunir? Bukod pa sa pagbibigay ng komendasyon, maaari ninyong ipahayag ang inyong pagpapahalaga sa ganitong masisipag na mga manggagawa sa pamamagitan ng karaniwan ng paraan tulad ng pagkaing kasama nila, kusang loob na pagtulong sa kanilang pamasahe, at sa iba pang paraan ng pagtangkilik sa kanila na maaari ninyong gawin.—Ihambing ang 1 Tesalonica 5:12, 13.

8 Sa pangunguna ng mga matatanda at ministeryal na lingkod sa kongregasyon, ang mga payunir at mamamahayag ay makapagbibigay ng lubos na pagtangkilik sa organisadong kaayusan para sa paglilingkod. Tayong lahat kung gayon ay makagagamit ng ating mga kaloob sa “paglilingkod sa isa’t isa.”—1 Ped. 4:10, 11.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share