Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 4/92 p. 1
  • Ang Pinakamahalagang Araw sa 1992

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Pinakamahalagang Araw sa 1992
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1992
  • Kaparehong Materyal
  • Memoryal (Hapunan ng Panginoon)
    Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan
  • Ang Memoryal—Isang Okasyon na May Malaking Kahalagahan!
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1997
  • Memoryal
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Memoryal—Ang Kristiyanong Pagdiriwang
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1991
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—1992
km 4/92 p. 1

Ang Pinakamahalagang Araw sa 1992

1 Ang pinakamahalagang petsa sa inyong kalendaryo sa taóng ito ay Biyernes, Abril 17. Pagkatapos lumubog ang araw sa petsang ito, ating ipagdiriwang ang Memoryal ng kamatayan ni Kristo. (1 Cor. 11:20, 24) Bakit ang petsa ng kamatayan ni Jesus ay isang araw para sa pantanging pag-alaala?

2 Ang Memoryal—Kahalagahan Nito: Ang kamatayan ni Jesus ay isang pangyayari na may pansansinukob na kahalagahan. Sa pagsulat sa inianak sa espiritung Kristiyanong kongregasyon, sinabi ni apostol Pablo: “Sapagkat sa tuwing kanin ninyo ang tinapay na ito, at inuman ninyo ang saro ay inyong inihahayag ang pagkamatay ng Panginoon hanggang sa dumating siya.” (1 Cor. 11:26) Kaya ang Memoryal ay pumupukaw ng pantanging pansin sa kahalagahan ng kamatayan ni Jesu-Kristo sa pagsasagawa ng kalooban ni Jehova. Itinatampok nito ang kahulugan ng kamatayan ni Jesus bilang hain at ang epekto ng kaniyang kamatayan sa mga kasamang tagapagmana ng makalangit na Kaharian.—Juan 14:2, 3; Heb. 9:15.

3 Sa pananatili sa katapatan hanggang sa kaniyang kamatayan, pinabanal ni Jesus ang pangalan ng kaniyang Ama at ipinakitang ang isang sakdal na tao ay makapagtatapat sa Diyos sa ilalim ng iba’t ibang uri ng pagsubok na maaaring dalhin ni Satanas laban sa kaniya. Ang kaniyang kamatayan ay naglaan din ng sakdal na haing tao na kailangan upang tubusin ang mga supling ni Adan at pangyarihing ang lahat ng sasampalataya ay mabuhay magpakailanman sa isang paraisong lupa. Dahilan sa lahat ng maisasakatuparan ng kamatayan ni Jesus, lubhang angkop para sa kaniya na turuan ang kaniyang mga alagad na alalahanin ang kaniyang kamatayan.—rs p. 239-40 (266-7 sa Ingles).

4 Papaano Natin Maipakikita ang Pagpapahalaga: Napakaraming selebrasyon ang sanlibutan sa loob ng isang taon, at malaking pagsisikap ang ginagawa upang itaguyod iyon. Sa kabilang panig, ang Hapunan ng Panginoon ay kaisa-isang pagdiriwang na ipinag-utos na gawin ng mga debotadong tagasunod ni Jesus. Walang alinlangan, ito ang pinakadakilang pagdiriwang para sa lahat ng mga tunay na Kristiyano. Di ba’t ang malalim na pagpapahalaga sa Hapunan ng Panginoon ay dapat magpakilos sa atin na ituon dito ang pansin sa Abril?

5 Marahil ay magagamit natin ang ilang minuto bawat linggo sa Abril upang talakayin sa ating mga tinuturuan sa Bibliya ang mga kasulatang nagtatampok sa kahalagahan ng kamatayan ni Kristo at ipakita sa kanila ang saligan para sa Memoryal. Mapasisigla rin natin sila na maingat na subaybayan ang pagbasa sa Bibliya mula sa Abril 12 hanggang 17. Ito’y magpapalalim ng pagpapahalaga sa Hapunan ng Panginoon.

6 Dahilan sa kahalagahan ng pagdiriwang ng Memoryal, gawin nating lahat ang ating magagawa upang tulungan ang iba na makadalo. Ang nakatutulong na mga paalaala para sa mga matatanda ay ibinibigay dito sa pahina 7 ng Ating Ministeryo sa Kaharian.

7 Harapin nawa natin ang pinakamahalagang araw na ito sa 1992 taglay ang malinaw na pagkaunawa at malalim na pagpapahalaga sa kahulugan ng kamatayan ni Jesus para sa sangkatauhan. Oo, makadalo nawa tayong lahat sa Abril 17 samantalang ang lahat ng mga tunay na mananamba ni Jehova ay may katapatang sinusunod ang utos ni Jesus na kanilang “inihahayag ang pagkamatay ng Panginoon hanggang sa dumating siya.”

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share