Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 4/91 p. 1-7
  • Paggawa ng Pagsulong sa Ministeryo

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Paggawa ng Pagsulong sa Ministeryo
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1991
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • MGA KAIBIGANG TUTULONG SA INYO
  • PAGSUBAYBAY SA MGA NAGPAKITA NG INTERES
  • MAGTAKDA AT ABUTIN ANG MGA TUNGUHIN
  • Magpakita ng Personal na Interes—Sa Pamamagitan ng Paghahanda
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2006
  • Positibong Pagkilos Tungo sa Higit na Pagsulong
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1992
  • Pasulungin ang Iyong Ministeryo
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2008
  • Pagtulong sa mga Bagong Mamamahayag
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1988
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—1991
km 4/91 p. 1-7

Paggawa ng Pagsulong sa Ministeryo

1 Mayroong matandang kasabihan tungkol sa pagsulong na nagsasabi: “Magsimula ka sa iyong kinaroroonan. Nguni’t huwag manatili sa iyong kinalalagyan.” Kay angkop na kasabihan ito sa paggawa ng pagsulong sa ministeryo! Nang kayo’y magsimula sa ministeryo, maaaring ang nagagawa lamang ninyo’y isang maikling presentasyon ng pabalita sa Kaharian. Subali’t kung nagdaan na ang ilang taon at kayo’y hindi na sumulong pa mula roon, na nananatili sa inyong kinalalagyan, ano ang maaari ninyong gawin?

2 Ang unang hakbang ay ang humiling kay Jehova ng karunungang kailangan sa dalubhasang pagtuturo. (Kaw. 15:14; Sant. 1:5) Ang ikalawang hakbang ay ang gumawa na kasuwato ng inyong panalangin. Magtakda ng panahon upang repasuhin ang mga presentasyon sa aklat na Nangangatuwiran. Humanap ng isa na maaaring magamit ninyo nang mabisa, na inuulit-ulit ang presentasyon hanggang ito’y maging kabisado ninyo. Ang ikatlong hakbang ay ang sumama sa inyong mga kapatid sa larangan upang inyong magamit ang inihanda ninyong presentasyon.

MGA KAIBIGANG TUTULONG SA INYO

3 Maaaring sinasabi ninyong, ‘Madaling sabihin, mahirap gawin.’ Totoo, subali’t mayroon kayong mga kaibigang tutulong sa inyo. Kung kayo’y bata pa, makipag-usap sa inyong mga magulang o sa mga may karanasang mamamahayag at mabubungang mga ministro. Humiling ng mga mungkahi sa kanila kung papaano makikipag-usap sa mga tao sa pintuan. Maaaring imungkahi nila ang mga sesyon ukol sa pagsasanay upang doo’y masubukan ninyo ang inyong presentasyon. Maaaring sila’y tumayong maybahay, na nagbabangon ng mga pangkaraniwang pagtutol na napapaharap sa mga pintuan. Sa pamamagitan ng pagsasanay ay matututuhan ninyo ang mahusay na pakikipag-usap sa mga tao.

4 Mayroon kayong iba pang mga kaibigang makatutulong sa inyo. Naririyan ang mga payunir na natuto ng mga pamamaraan sa pangangaral mula sa karanasan o sa pamamagitan ng pagdalo sa Pioneer Service School. Ang inyong konduktor sa pag-aaral o ang tagapangasiwa sa paglilingkod ay maaaring nasa kalagayan ding gumawang kasama ninyo sa bahay-bahay at nang maipakita pa nang higit kung papaano kayo makikipag-usap at makikipagkatuwiranan sa mga tao.

PAGSUBAYBAY SA MGA NAGPAKITA NG INTERES

5 Tayo ay interesado sa pagbibigay ng karagdagang espirituwal na tulong sa mga tao na kumuha ng ating literatura. Ito’y nangangahulugang tayo’y kailangang bumalik upang pumukaw ng higit pang interes. Bago gumawa ng pagdalaw-muli, repasuhin kung ano ang inyong sinabi sa unang pagdalaw upang mas mabisa ninyong mapaghandaan ang paksang kumuha ng kanilang interes. Ingatan din sa isipan, na samantalang tayo’y nagtatanim at nagdidilig, si Jehova ang nagpapalago nito. Hilingin ang kaniyang patnubay bago gumawa ng pagdalaw. (1 Cor. 3:6; 2 Cor. 9:10) Habang tinutulungan nating matuto ang iba, tayo rin ay nakagagawa ng personal na pagsulong.

6 Ang susunod na mahalagang hakbangin ay ang pagpapasimula at pagdaraos ng isang pag-aaral sa Bibliya. Kung hindi pa ninyo naabot ang baytang na ito sa inyong ministeryal na pagsulong, patuloy na lumapit kay Jehova sa panalangin at hilinging tulungan kayong masumpungan at mapakain ang mga tulad-tupa. Maaaring masumpungan ninyong nakatutulong ang pagmasdan kung papaanong ang isang mahusay na guro ay nagdaraos ng isang pag-aaral sa Bibliya at pagkatapos ay tularan ang kaniyang mga paraan ng pagtuturo. Gayundin, repasuhin ang impormasyon sa pagtuturo gaya ng masusumpungan sa Ang Bantayan ng Pebrero 1, 1985, pahina 8-17. Sa pamamagitan ng paghahanda ng inyong sarili, kayo ay handang makapagsagawa ng isang pag-aaral kapag sinagot ang inyong mga panalangin.

MAGTAKDA AT ABUTIN ANG MGA TUNGUHIN

7 Ang pag-abot sa mga tunguhin para sa mas mabisang pagtuturo, mga pagdalaw-muli, at pagdaraos ng mga pag-aaral ay nangangailangan ng panahon. Maaari ba kayong maglagay ng isa pang tunguhin, ang pagiging isang auxiliary payunir o regular payunir? Habang kayo’y patuloy na gumagawa ng pagsulong sa inyong ministeryo, kayo’y maaaring maging sanhi ng ikatitibay ng iba. Maraming pagpapala mula kay Jehova ang maaari ninyong tamuhin kung hindi kayo mananatili sa inyong kinalalagyan kundi patuloy na gagawa ng pagsulong.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share