Pagbalikat ng Ating Sariling Pananagutan
1 Ang pagtanggap ng pananagutan ay waring isang pabigat sa mga tao ngayon. Marami ang umiiwas dito. Dahil dito, iniiwanan ng mga lalaki ang kanilang mga asawa, iniiwanan ng mga ina ang kanilang mga anak, humihinto sa pag-aaral sa paaralan ang mga kabataan, at umiiwas ang mga mamamayan sa pagbabayad ng buwis. Ang taong responsable ay mapagkakatiwalaan, handang managot sa kaniyang iginagawi. Dahil dito, malinaw na sinasabi ng Salita ng Diyos sa mga Kristiyano na “ang bawat isa ay magdadala ng kaniyang sariling pasan.” (Gal. 6:5) Angkop-na-angkop kung gayon ang tema para sa pansirkitong asamblea sa 1992 na “Pagbalikat ng Ating Sariling Pananagutan”! Ang seryeng ito ay magpapasimula sa Pebrero. Lahat sa atin ay dapat magplanong dumalo.
2 Sa pamamagitan ng mga pahayag, pagtatanghal, karanasan, at panayam, malinaw na babanghayin ang sari-saring pananagutang taglay natin bilang mga Kristiyano. Sa Sabado ng hapon, isang apat-na-bahaging symposium ang ihaharap na magpapaliwanag kung papaano natin buong-galak na magagampanan ang ating mga pananagutan. Ang ating mga kabataan ay may pananagutan din naman, at ang pahayag ng tagapangasiwa ng sirkito sa Sabado ng hapon ay pangunahing ipatutungkol sa kanila. Sa Sabado rin ay may pagkakataong mabautismuhan ang mga bagong nag-alay ng sarili. Ang lahat ng nagpaplanong magpabautismo sa pansirkitong asamblea ay dapat ipaalam ito maaga pa sa punong tagapangasiwa upang maihanda ito.
3 Sa Linggo ng umaga itatampok ng isa pang apat-na-bahaging symposium ang ating Kristiyanong pananagutan na mangaral. Saka, sa Linggo ng hapon, ang pahayag pangmadla na may pamagat na “Ang Bagong Sanlibutan ng Diyos—Sino ang Karapat-dapat na Pumasok?” ay ibibigay ng tagapangasiwa ng distrito.
4 Ang lahat sa atin ay magnanais na gumawa ng kaayusan na dumalo at lubos na makinabang sa mainam na dalawang-araw na programang ito. Ipatatalastas ng inyong tagapangasiwa ng sirkito kung saan at kailan gaganapin ito para sa inyong kongregasyon.