Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 11/92 p. 8
  • Dalubhasang Paggamit sa Salita ng Katotohanan

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Dalubhasang Paggamit sa Salita ng Katotohanan
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1992
  • Kaparehong Materyal
  • Gamitin Nang Wasto ang Salita ng Diyos
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2001
  • Maging Bihasa sa Inyong Ministeryo
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1990
  • Wastong Ikinapit ang Kasulatan
    Makinabang sa Edukasyon Mula sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo
  • Gamitin Nang May Kahusayan ang “Tabak ng Espiritu”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2010
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—1992
km 11/92 p. 8

Dalubhasang Paggamit sa Salita ng Katotohanan

1 Ang kakayahan natin sa dalubhasang paggamit ng Salita ng Diyos ay makakaapekto sa pagtugon ng mga tao sa ating pabalita. Kaya sinabi ni Pablo: “Pagsikapan mong humarap na subok sa Diyos, manggagawang walang anomang ikinahihiya, na gumagamit na matuwid sa salita ng katotohanan.”—2 Tim. 2:15.

2 Ang pagiging dalubhasa sa paggamit sa Bibliya ay dapat na linangin. Ang personal na pag-aaral at pagdalo sa pulong ay mahalaga. Gayumpaman, dapat nating isagawa kung ano ang ating natutuhan sa pamamagitan ng palagiang paggamit ng Bibliya sa ministeryo. Kailangan din nating tamuhin ang tulong at patnubay ng Diyos.—1 Juan 3:22.

3 Ipako ang Pansin sa Salita ng Diyos: Mahalagang kilalanin ng mga tao na ang ating dinadalang mensahe ay hindi atin kundi nagmumula sa nasusulat na Salita na Diyos. (Juan 7:18) Ang pagpapakita sa tao kung ano ang sinasabi ng Diyos mula sa Bibliya ay may malaking epekto. Ang tapat-pusong mga tao ay naaakit sa makapangyarihang mensahe ng Bibliya.

4 Karamihan sa mga tao ay hindi pamilyar sa Bibliya. Sa paggamit nito, higit pa ang dapat nating gawin kaysa pagbasa lamang ng teksto. Dapat nating isipin kung papaano natin ihaharap ang kasulatan. Maaaring gumamit ng mga tanong o problema upang antigin ang interes. Gayundin, pagkatapos na basahin ang kasulatan, kailangan nating idiin ang mga susing salita at ikapit iyon upang maipasok ang ideya.—Tingnan ang Giya sa Paaralan, araling 24 at 25.

5 Ang Alok: Sa Disyembre ay iaalok natin sa mga taong interesado ang New World Translation of the Holy Scriptures kasama ng Ang Bibliya—Salita ng Diyos o ng Tao? Papaano natin lalapitan ang mga tao taglay ang alok na ito? Pagkatapos na ipakilala ang ating sarili maaari nating sabihin: “Sa ngayon, marami ang tumitingin sa mga indibiduwal o mga publikasyon para sa patnubay. Ano sa palagay ninyo ang pinakamabuting bukal ng praktikal na patnubay? [Hayaang sumagot.] Isaalang-alang ang sinasabi ng Bibliya hinggil sa tunay na pinagmumulan ng karunungan. [Basahin ang Kawikaan 2:6, 7.] Ang karunungan ng tao ay napatunayang kulang na kulang. Gayumpaman, ang karunugan ng Diyos ay napatunayang maaasahan at kapakipakinabang. [Basahin ang Isaias 48:17, 18.] Kung gayon, dapat tayong tumingin sa Diyos, na naglalaan ng patnubay upang mapagtagumpayan natin ang ating mga suliranin.” Pagkatapos ay maaari kayong bumaling sa kabanata 12 ng aklat na Salita ng Diyos at basahin ang parapo 2.

6 Pagkatapos na gamitin ang Kawikaan 2:6, 7 upang itampok ang karunungan ng Diyos, iharap ang New World Translation at ipaliwanag sa maybahay kung bakit ninyo iginagalang at pinahahalagahan ang Bibliya. Ipabatid sa kaniya na ang mga turo nito ay maglalaan sa kaniya ng matatag na pag-asa sa hinaharap. Maaari din kayong magkaroon ng pagkakataong ituro ang ilang matalinong payo mula sa Bibliya hinggil sa pang-araw-araw na problema na maaaring umakay sa isang pag-aaral sa Bibliya.

7 Si Jesus ay laging tumutukoy sa mga Kasulatan upang tulungan ang tapat-pusong mga tao at sagutin ang mga sumasalangsang sa kaniya. Kaugalian ni Pablo na ‘magpaliwanag at patunayan sa pamamagitan ng reperensiya’ ang mga bagay na itinuro niya. (Gawa 17:2, 3) Ang ating pagtitiwala at kagalakan sa ministeryo ay lalaki habang nagsisikap tayong maging higit na bihasa sa paggamit ng Salita ng katotohanan.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share