Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 3/92 p. 1
  • Tiyaking Dumalaw-Muli

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Tiyaking Dumalaw-Muli
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1992
  • Kaparehong Materyal
  • Paghaharap ng Mabuting Balita—Sa Pamamagitan ng Pagsubaybay Kaagad sa Interes
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1987
  • Mag-ipon ng Katapangan Upang Gumawa ng mga Pagdalaw-Muli
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1997
  • Isinasagawa Ba Ninyo ang Inyong mga Pagdalaw-muli?
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1989
  • Ang mga Pagdalaw-Muli ay Umaakay sa mga Pag-aaral sa Bibliya
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2003
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—1992
km 3/92 p. 1

Tiyaking Dumalaw-Muli

1 Ang pagsasagawa ng mga pagdalaw muli ay isang mahalagang bahagi ng ating paggawa ng mga alagad. (Mat. 28:19, 20) Kinikilala natin na nasasangkot ang mga buhay, anupat tayo ay gumagawa ng lahat ng pagsisikap na malinang ang ipinakitang panimulang interes.

2 Dapat nating kilalaning ang bawat indibiduwal na nagpakita ng interes ay karapatdapat sa isang pagdalaw-muli, kinuha man ang literatura o hindi. Marami ang nagnanais na pag-usapan ang mensahe ng Bibliya subalit ayaw kumuha ng literatura. Kaya kapag may napansing interes, dapat na tayo’y dumalaw at sikaping linangin iyon.

3 Pagsubaybay sa mga Nailagay na Babasahin: Yamang ang mga nailagay na literatura ay mas nakahihigit sa bilang ng mga pagdalaw muli, malaki ang potensiyal ukol sa pagsulong. Ang isang payunir ay nakapaglagay ng aklat subalit napansin niya ang kaunting interes ng maybahay. Isang hapon matapos na gawin ang lahat niyang iba pang mga pagdalaw, nagpasiya ang kapatid na dalawin ang taong ito. Napasimulan ang isang pag-aaral sa Bibliya.

4 Ang isang kapatid na lalake ay nakapaglagay ng dalawang magasin sa isang lalake subalit nakalimutan siya sa pag-aakalang hindi siya talagang interesado. Pagkatapos ng ilang araw, sumulat ang lalake sa lokal na kongregasyon na humihiling ng bautismo. Tinanong ang isang kapatid na misyonera kung ano ang dahilan at siya’y nakatulong sa 74 para maging mga mamamahayag. Wika niya: “Lubusan naming isinagawa ang pagmamagasin, at patuloy ang ginagawa kong pagdalaw sa mga taong tumanggap ng mga magasin hanggang sa nakapagpasimula ako sa kanila ng mga pag-aaral sa Bibliya.”

5 May mga panahong ang maiiwan lamang natin ay ang tract sa unang pagdalaw. Ang isang tagapangasiwa ng sirkito na gumagawang kasama ng isang mamamahayag ay nakapag-iwan ng tract sa isang babae. Pinasigla niya ang kapatid na babae na bumalik. Gumawa ng pagdalaw muli ang kapatid at karakaraka ay napasimulan ang isang pag-aaral sa Bibliya.

6 Kapag Nagpakita ng Interes: Kapag hindi kumuha ng literatura ang maybahay, hindi ito laging nangangahulugang hindi siya interesado. Nadama ng isang espesyal payunir na may kaunting interes ang isang babae na laging ayaw tumanggap ng magasin. Itinabi ng payunir ang mga magasin, at ang babae ay kinakitaan ng pagnanais na talakayin ang ilang parapo sa isang bukleta. Pagkatapos ng ilan pang pagdalaw, mayroon na siyang pag-aaral sa Bibliya nang dalawang ulit sa isang linggo.

7 Habang palagian tayong dumadalaw sa lahat ng nagpakita ng interes, ating aanihin ang bunga na magdudulot ng mayamang mga pagpapala sa ating sarili ‘at sa mga nakikinig sa atin.’—1 Tim. 4:16.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share